webnovel

Ang Lu Qiao Couple (11)

Redakteur: LiberReverieGroup

Kahit gaano pa kabilis ang naging aksyon ni Xu Jiamu, nabutas pa rin ng

apoy ang papel.

Nang balikan niya ng tingin ang katapat niyang villa, nakita niya na

magkasunod na naglalakad papasok ang dalawa. Pagkatapos ienter ni Lu

Jinnian ang pin code sa pintuan, nakita niyang may sinabi si Qiao Anhao.

Medyo malayo siya para marinig ang pinaguusapan ng mga ito pero nakita

niyang ngumiti ang kaibigan niya at hinimas ng kapatid niya ang buhok

nito habang binubuksan ang pintuan.

Hindi kaagad nagsara ang pintuan kaya nakita niya pa ang dalawa na

nakatayo sa entrance. Lumuhod si Lu Jinnian para tulungan si Qiao Anhao

na magtanggal ng sapatos bago ito kumuha ng isang pares ng

pambabaeng tsinelas. Pagkatapos magpalit ni Qiao Anhao, tumingkayad

ito para halikan ang pisngi ni Lu Jinnian. Halatang nagulat ang kapatid

niya pero hindi nagtagal, bigla nitong hinila si Qiao Anhao na para bang

susunggab ito ng halik. Noong malapit na ang mukha ng dalawa, bigla

namang hinarang ni Qiao Anhao ang boquet sa mukha nito at parang isang

bata na tumakbo papasok sa loob ng bahay.

Ngayon niya lang nakita na ganun kasaya si Lu Jinnian. Mula pagkabata

kasi ay madalas na talaga itong mukhang seryoso pero ngayon, nakangiti

lang ito habang sinusundan ng tingin si Qiao Anhao na tumakbo papasok.

Pagkalipas ng ilang segundo, nagpalit ito ng sapatos at isinarado ang

pintuan.

Habang nasa loob ng sasakyan, napabuntong hininga nalang si Xu Jiamu.

Pagkayuko niya, napansin niya kaagad ang pirma sa hawak niyang will

and testament.

Kahit na medyo malabo ang photocopy, kabisado niya pa rin ang pirma ni

Lu Jinnian.

Ano bang dapat niyang maramdaman? Maging siya ay hindi niya rin

maintindihan kung anong nangyayari sakanya pero biglang nanginig ang

kanyang mga kamay na nakahawak sa kumpol ng mga papael. Totoo ang

lahat ng nangyari kahapon, pero bakit pakiramdam niya ay nasa loob siya

ng isang panagip? Bakit ba nagkaganito ang lahat?

Sa tuwing magkikita sila ni Lu Jinnian, lagi siyang excited na batiin ito at

sobrang saya niya sa tuwing tinatawag niya itong 'bro'.

Ganun din kapag nagkikita sila ni Qiao Qiao, lagi lang itong nakangiti

sakanya at tinatawag siyang Brother Jiamu.

Pero ngayon… bakit natatakot siyang harapin ang dalawa?

Ilang sandali pa ang lumipas na nakatitig lang siya sa mga hawak niyang

papel bago niya muling iistart ang sasakyan niya at dahan-dahang

magmaniobra palabas ng Mian Xiu Garden.

Sakto, labasan na rin ng mga galing sa trabaho kaya kahit saang sulok ng

Beijing ay napakarami talagang sasakyan. Aapak lang siya ng isang

segundo sa accelerator at bababad nanaman ang paa niya sa preno. Hindi

siya nagmamadali kaya tyinagaan niyang suyudin ang mabigat na traffic

kahit wala siya sa sarili. Hindi nagtagal, bigla siyang nablangko kaya hindi

niya namalayan na nabangga niya na ang likuran ng sasakyang nasa

harapan niya.

Pero mabuti nalang dahil hindi naman seryoso ang naging pinsala at ang

nabangga niyang sasakyan ay taxi. Nagmamadali na ang kabilang driver

dahil may kailangan pa itong sunduin kaya hindi na sila tumawag ng pulis

at nanghingi nalang ito ng isang libong yuan. Hindi na siya nakipagtawaran

pa at binayaran nalang ito kaagad. Pagkatapos ng aregluhan, nagpatuloy

siya sa pagmamaneho kahit sira ang isa niyang headlight.

Malalim na ang gabi noong nahimasmasan siya at doon niya lang napansin

na nasa tapat na siya ng Suyuan apartment.

Hindi pa siya makapaniwala noong una kung paano siya nakarating doon

kaya ilang segundo pa ang lumipas bago niya apakan ang preno.

Pagkahinto niya ng sasakyan, tumingin siya sa entrance ng apartment, na

para bang may malalim na iniisip.

Dito nakatira si Song Xiangsi… Lima hanggang anim na buwan na noong

huling beses silang nagusap… Siguradong maganda na ang nangyayari sa

buhay nito ngayon. Noong nagpunta siya sa isang dinner, usap-usapan na

kinuha raw itong judge sa isang variety show ng isang TV station at ang

balita ay aabot ng bilyon ang offer dito!

Hindi niya alam kung bakit dito siya dinala ng sarili niya pero gusto niya

muna sanang samantalahin ang pagkakataon na ipahinga ang utak niya sa

lahat ng mga problemang gumugulo sakanya sa mismong lugar na ito kaya

lumabas siya ng kanyang sasakyan at sumandal dito habang nakatitig sa

apartment ni Song Xiangsi. Hindi nagtagal, nahimasmasan siya nang may

marinig siyang nagbukas na pintuan ng minivan, na pumarada sa tabi ng

sasakyan niya. Noong oras palang na 'yun, kinutuban na siya kaya dali-

dali siyang lumingon at tama nga ang sinasabi ng puso niya dahil si Song

Xiangsi nga ang dumating. Hindi siya napansin nito dahil abala ito sa

pagpapagalit sa manager nito bago ito maglakad papunta sa entrance ng

apartment.

Nächstes Kapitel