webnovel

Ang mga text message sa phone (31)

Redakteur: LiberReverieGroup

Isa pa, kung simpleng pinagsawaan lang ito ni Lu Jinnian, bakit kailangan pa

itong itago sa drawer na 'to?

Alam ni Qiao Anhao na hindi tamang pakielaman niya ang mga gamit ni Lu

Jinnian ng walang paalam, pero ninakaw niya na nga ang recording pen nito,

siguro naman hindi na rin magiging malaking issue kung sisilipin niya rin ang

phone nito, tama?

Medyo nag'aalangan siya noong una kaya nakatitig lang siya sa phone ng ilang

sandali habang nakakagat labi, bago siya tuluyang makumbisi na kunin na ito.

Pagka'pindot niya ng on, agad din itong umilaw at wala pang kalahating minuto

ay nasa home screen na siya. Bumungad sakanya ang reminder na thirty

percent nalang ang battery at kailangan niyang magsalpak ng SIM card.

Si Lu Jinnian ang tipo ng tao na hindi mahilig magdownload ng kung anu-ano

kaya konti lang ang mga application nito, at lahat pa ay konektado sa trabaho.

Wala masyadong makikita si Qiao Anhao kaya nag'swipe lang siya ng

nag'swipe hanggang sa makita niya ang WeChat. Siguro sa tagal na rin ni Lu

Jinnian na hindi naglolog in, hiningian siya nito ng password.

Medyo nainis si Qiao Anhao kaya nagexit siya sa WeChat at bumalik sa home

screen para tignan pa ang iba nitong mga apps. Una niyang binuksan ang call

logs at napansin niya na Oktubre pa noong nakaraang taon ang huling

nakarecord. Sa mga number na nakalista, tumawag si Lu Jinnian ng isang

beses sakanyang assistant, tig-isa sa dalawang magkaibang number at ang

lahat ng natitira ay para sakanya na.

Pagkatapos nilang mag-usap ng assistant, hinimatay siya sa kalsada kaya

pagkagising niya, nasa ospital na siya. Nandoon din si Xu Jiamu at ibinalik nito

ang kanyang phone.

Pagkabukas niya ng kanyang phone, may nakita rin naman siyang mga tawag

galing kay Lu Jinnian, pero hindi kasing dami ng nakikita niya ngayon.

Medyo matagal din ang pagitan mula noong maaksidente siya at noong ibinalik

ni Xu Jiamu ang kanyang phone kaya ibig sabihin, ilang araw itong nasa bahay

ng mga Xu.

Base sa naalala niya, walang wala talaga ang dami ng tawag na ginawa ni Lu

Jinnian sa mga natanggap niya kaya ibig sabihin… Posibleng may gumalaw ng

kanyang phone o di naman kaya may kumuha ng kanyang SIM card at inilipat

sa ibang phone para hindi niya makita ang ginawa ng may pakana ng

pangsasabotahe.

Kasabay ng mga spekulasyon, naalala niya ang sinabi ni Lucy na tinanggihan

niya raw si Lu Jinnian… Ngayon, naiintindihan niya na ang lahat.

Gusto niyang malaman ang katotohanan kaya dali-dali siyang bumalik sa home

screen para tignan naman ang mga text message ni Lu Jinnian.

Kumpara sa call logs, di hamak na mas malinis ang text message ni Lu Jinnian

dahil pangalan niya lang ang laman nito.

Pero hindi niya pa man din napipindot ang pangalan niya, laking gulat niya dahil

may isang hindi pamilyar na linya siyang nabasa: [Hinding hindi ko matatanggap

ang sinumang nanakit saking Brother Jiamu.]

Hindi alam ni Qiao Anhao kung bakit siya kinakabahan pero para siyang biglang

nanlumo sa nabasa niya. Nakahawak lang siya ng mahigpit sa screen pero

hindi niya kayang pindutin ang kanyang pangalan. Kung talagang gusto niyang

malaman ang mga ginawa ni Han Ruchu kay Lu Jinnian, kailangan niyang

maging matapang kaya para umipon ng lakas ng loob, pumikit at huminga muna

siya ng malalim bago niya gigil na gigil itong pinindot.

Agad na umagaw ng kanyang atensyon ang ilang mga maiikling text.

Ang unang text ay galing sa pangalan niya.

[Wag mo na akong hintayin, hindi ako pupunta.]

Base sa pagitan ng oras, nalaman niyang agad-agad na sumagot si Lu Jinnian

ng dalawang magkasunod na text.

[Qiao Qiao, I love you] [I have loved you for thirteen years.]

Pagkalipas ng dalawang oras, muling nagreply ang pangalan niya ng dalawang

magkasunod na text.

[May karapatan ka ba?] b[Hinding hindi ko matatanggap ang sinumang nanakit

saking Brother Jiamu.]

Sobrang nagulat si Qiao Anhao sa mga nabasa niya kaya natulala nalang siya

sa limang linya na nasa harapan niya, na para bang tinamaan siya ng kidlat.

Nächstes Kapitel