Sapat na ang yakap at mga sinabi ni Lu Jinnian para gumaan ang loob ni Qiao
Anhao. Nanghihina siyang sumandal sa balikat nito at tuluyan na siyang
umiyak.
Hindi nagsalita si Lu Jinnian para mahayaan niyang mailabas ni Qiao Anhao
ang lahat ng sama ng loob nito. Handa naman talaga siyang ipaliwanag ang
lahat kaya nang maramdaman niyang tumahan na ito, dahan-dahan niya itong
binuhat at iniupo sa vanity table, kung saan maingat niyang pinusan ang luhaan
nitong mukha gamit ang kanyang mga daliri.
"Qiao Qiao, mali ang iniisip mo dahil si Lucy ay ang asawa ng American director
na kaibigan ko. Isa pa, hindi lang kaming dalawa ang nasa loob ng kwarto kasi
nandoon din ang asawa niya, nagkataon lang na nakatulog na maaga siyang
nakatulog kagabi."
Gulat na gulat na kumurap si Qiao Anhao. "Nasa kwarto rin ang asawa niya?"
Tumungo si Lu Jinnian habang hinihimas ang kanyang buhok. "Kung hindi ka
naniniwala, pwede tayong bumalik doon ngayon mismo."
Hindi makapaniwala si Qiao Anhao na mali pala ang pagkakaintindi niya sa
sitwasyong sobrang ikinasama ng kanyang loob… Hindi niya naman kasi alam
na ang babaeng pinagkamalan niyang kabit ni Lu Jinnian ay kasal na pala sa
iba at ang asawa nito ay nasa loob rin ng kwarto... Pero binalikan niya ito para
pagsabihan ng masasakita na salita…Dahil sa mga nalaman niya, bigla siyang
nabalot ng matinding kahihiyan kaya wala talaga siyang balak bumalik!
Dali-daling umiling si Qiao Anhao. "Bakit hindi mo naman sinabi sa akin?"
"May pinagusapan lang kaming importante." Natatakot si Lu Jinnian na baka
magtanong pa si Qiao Anhao kaya pabiro siyang nagtanong para mabago ang
usapan, "Qiao Qiao, masarap ba ang marriage certificate?"
Sobrang nahihiya talaga si Qiao Anhao sa mga nagawa niya kanina kaya
habang inaalala niya ang mga ito, para siyang bata na pinalobo ang kanyang
mga pisngi. Sakto sa tanong ni Lu Jinnian, naramdaman niya na may ilan pang
naiwang papel sa loob ng kanyang bibig kaya pagkatapos niyang kumurap ng
ilang beses, naghahamon niyang sinabi, "Malalaman mo kapag lumapit ka."
Walang pagaalinlangang lumapit si Lu Jinnian.
Samantalang si Qiao Anhao naman ay biglang iniangat ang kanyang ulo para
halikan ang mga labi nito.
Biglang natigilan si Lu Jinnian dahil hindi niya inaasahan na yun ang gagawin ni
Qiao Anhao. Sadlit lang siyang hinalikan nito pero pagkahiwalay ng kanilang
mga labi, naramdaman niya na parang may kakaiba sakanyang bibig.
Sisilipin niya sana kung anong meron sa dila niya pero napansin niya na
masayang nakangiti si Qiao Anhao at kagaya ng ginawa niya, pabiro itong
nagtanong, "Mr. Lu, masarap ba ang marriage certificate?"
Hindi pa rin natatanggal ang mga bakas ng luha sa mukha nito, pero base sa
nakikita niyang ngiti nito, ramdam niya na masaya na ito ulit.
Sobrang lapit nila sa isa't-isa…
Biglang natulala si Lu Jinnian at hindi niya namalayan na nalunok niya na ang
papel na iniwan ni Qiao Anhao sa bibig niya.
Parang wala siyang naramdaman at nanatili lang siyang nakatulala sa mukha
ng babaeng nasa harapan niya. Samantalang si Qiao Anhao, na
pinagmamasdan kung ang magiging reaksyon niya, ay biglang napatalon sa
gulat at dali-daling lumapit sakanya para tapikin ang kanyang likod. "Lu Jinnian,
iluwa mo..."
Pero bago pa matapos si Qiao Anhao sa sasabihin niya, bigla siyang binuhat ni
Lu Jinnian pabalik sa vanity table. Hindi niya alam kung anong iniisip nito pero
ang sunod niya nalang na naramdaman ay lumapat na ang mga labi nito
sakanya…
Bigla siyang kinilabutan sa halik nito at hindi nagtagal, naramdaman niya na
dahan-dahang pumapasok ang kamay nito sa loob ng kanyang pajamas. Sa
sobrang tagal niya hinintay ang pagkakataong ito, punong-puno ng pananabik
ang kanyang paghinga.
Nang tuluyan ng makapasok si Lu Jinnian sakanya, hindi niya napigilang
mapahawak ng mahigpit sa balikat nito na lalo pang nag'pasabik dito….
Hindi natapos sa vanity table ang lahat….dahil itinuloy nila ito sa kama…
-
Kinaumagahan, ginising si Lu Jinnian ng isang tawag. Mataas na ang araw na
noong sandaling imulat niya ang kanyang mga mata.