webnovel

Kasal (20)

Redakteur: LiberReverieGroup

Pagkatapos magsalita ni Zhao Meng, biglang tumawa ng malakas si Lin Shiyi na

para bang nakarinig siya ng sobrang nakakatawang biro at hindi nagtagal ay

naghahamon siyang sumagot, "Kung talagang kaya mong gawin yan, Qiao

Anhao, pwede ba naming irequest na tawagan mo siya? Papuntahin mo siya dito

ngayon para naman makilala siya ng lahat."

Hindi talaga pinagisipan ni Zhao Meng ang mga nasabi niya dahil dala lang ito

ng galit. Sa totoo lang, habang nagsasalita ay mangiyak ngiyak na ang kanyang

mga mata sa sobrang sama ng loob.

At dahil sa sagot ni Lin Shiyi, para siyang biglang nagising sa katotohanan at

dali dali siyang napatingin kay Qiao Anhao.

Kung iisipin, wala naman siyang sinabing hindi totoo dahil legal naman talagang

asawa ni Qiao Anhao si Lu Jinnian at kaya naman talaga nitong gawin ang mga

nasabi niya… Pero…Baka kasi lalo lang mapahamak si Qiao Anhao kung hindi

makarating si Lu Jinnian at kung yun nga ang mangyayari, lalabas na puro

yabang lang sila.

At ang pinaka malala sa lahat ay naka'break ang buong crew kaya kitang kita ng

lahat ang nangyari.

Dahil sa nangyari, gumawa pa tuloy siya ng butas para lalong mapagtawanan ni

Lin Shiyi si Qiao Anhao…

Alam naman ni Zhao Meng na masyado talaga siyang nagpadala sa gakit, pero

dahil siya mismo ang nagdala sa puntong ito, siguradong hindi na titigil si Lin

Shiyi. Wala na siyang maisip na ibang paraan kaya dali dali siyang lumapit kay

Qiao Anhao para bulungan ang kanyang kaibigan. "Qiao Qiao, mas mabuti

siguro kung tawagan mo na si Mr. Lu kasi kung hindi, siguradong mapapahiya

tayo."

Dinaanan ni Qiao Anhao ng tingin ang mga taong nakapaligid sakanila bago siya

sumagot kay Zhao Meng ng pabulong, "Hindi ko alam ang number ni Lu

Jinnian."

Totoo ang sinasabi ni Qiao Anhao. Hindi niya talaga alam ang number ni Lu

Jinnian.

Naka'cancel na ang dating number ni Lu Jinnian at simula noong umuwi ito sa

bansa, ni isang beses ay hindi niya pa ito nakokontak sa kahit anong paraan sa

tuwing magkalayo sila.

"Hindi yan pwedeng mangyari?" Kung kanina ay napaka lakas ng loob ni Zhao

Meng, pwes ngayon, bigla siyang nanlumo na parang isang lobo na pinawalan

ng hangin. "Kung ganun, ang ibig sabihin lang nito ay tapos na tayo…"

Kilala si Qiao Anhao bilang galing sa mayamang pamilya, pero ang gustong

mangyari ni Lin Shiyi ay ilabas niya ang lalaking tutugma sa mga sinabi ni Zhao

Meng; isang taong kayang mag'invest ng ilang bilyon at may kapangyarihang

patigilin ang production anumang oras nito gustuhin.

Habang nakikita ni Lin Shiyi na nagbubulungan sina Qiao Anhao at Zhao Meng,

nakumpirma niya na puro kayabangan lang ang mga sinabi ni Zhao Meng kaya

naman muli siyang ngumisi at pangasar na sinabi, "Bakit? Hindi ba gumana ang

inimbento mong kwento? Ano, ikaw mismo ang humukay sa sarili mong libingan

dahil sa mga kasinungalingan mo no?"

Napapikit nalang si Zhao Meng sa kalagitnaan ng panggigisa ni Lin Shiyi.

Aminado naman siya na masyado talaga siyang naging padalosdalos sa

pananalita pero hindi niya naman aakalain na hahamunin sila ni Lin Shiyi.

"Nakita ko na mayroon siyang magandang sasakyan dahil lagi niyang hinahatid

si Qiao Anhao sa set. Pero sa mga panahong ito kasi, marami ng tao ang

kayang bumili ng magagandang sasakyan at hindi ibig sabihin 'nun ay

makapangyarihan na siya kaagad." Nakangiti si Lin Shiyi habang nagsasalita

para lalo niya pang mabigyang diin ang pangiinsulto sa magkaibigan. "Miss

Qiao, hindi naman siguro kasing tanda ng tatay mo ang lalaking nasa loob ng

sasakyang naghahatid sayo, tama? Bakit parang nahihiya ka atang ipakilala siya

sa amin?"

Halos lahat ng nakapaligid sakanila ay kampi kay Lin Shiyi kaya pagkatapos

niyang magsalita ay maraming nagsitawanan kina Qiao Anhao at Zhao Meng.

"Lin Shiyi, itigil mo na nga yang pagpapakita mo ng nakakadiri mong ugali sa

harap ng ibang tao…." Nang sandaling marinig ni Zhao Meng ang mga

pangiinsulto ni Lin Shiyi, muli nanaman siyang naginit pero hindi niya pa man

din siya tapos sa gusto niyang sabihin nang biglang hilain ni Qiao Anhao ang

kanyang braso para patigilin siya sa pagsasalita.

"Qiao Qiao?" Nagtatakang siyang lumingon sakanyang kaibigan.

Ngumiti si Qiao Anhao kay Zhao Meng at itinuro niya ang kanyang bag habang

mahinahong sinasabi, "Kunin mo ang phone ko."

"Qiao Qiao, alam mo naman talaga ang number ni Mr. Lu, diba?" pabulong na

tanong ni Zhao Meng habang inaabot ang phone sa kanibigan.

Nächstes Kapitel