webnovel

Kasal (17)

Redakteur: LiberReverieGroup

Medyo nagulat si Qiao Anhao sa biglaang pagtatanong ni Zhao Meng habang

nagbabasa siya ng script.

Sa totoo lang, hindi niya alam kung paano niya maipapaliwanag ang buhay niya

bilang asawa ni Lu Jinnian. Ilang araw na mula noong umuwi ito sa China at

hanggang ngayon ay hindi pa rin ito pumapasok sa opisina. Pero habang abala

siya sa trabaho, nakikita niya na mukhang abala rin ito. All in all, parang

masyadong maraming ginagawa ang kanyang mister na wala siyang ideya kung

bakit.

Kung sa pagtrato lang naman, wala siyang masasabi dahil napakabait sakanya

ni Lu Jinnian. Mula noong ikasal sila, lagi itong umuuwi sa bahay nila. Noong

isang araw, hiniram ni Zhao Meng ang sasakyan niya dahil may kailangan lang

itong gawin pero noong susunduin na siya nito sa set, sakto namang naipit ito

sa matinding traffic. Siguro dahil medyo matagal siyang naghintay sa labas sa

kalagitnaan ng winter, bumigay ang katawan niya at nilagnat siya sa kalagitnaan

ng gabi. Noong oras na 'yun, si Lu Jinnian mismo ang tumakbo sa botika para

ibili siya ng gamot at simula noon ay lagi na siyang dinadaanan nito sa set.

Habang inaalala niya ang mga nakalipas na araw, ang masasabi niya lang ay

wala talaga siyang mairereklamo sa kanyang asawang si Lu Jinnian at kung may

kinalulungkot man siya ay yun yung sampung araw na silang kasal, pero ni

isang beses ay wala pang nangyari sakanila.

Hindi naman sa uhaw na uhaw siyang may mangyari sakanila pero kasi simula

noong sumapit ang ikalawang araw na wala pa ring nangyayari sakanila, hindi

niya na napigilang malungkot kahit papano. Sa totoo lang, gusto niyang

kumbinsihin ang sarili niya na baka masyado lang masakit ang pinagdaanan ni

Lu Jinnian sa America at hanggang ngayon ay nagrerecover pa rin ito. Pero

kahit anong gawin niya para maging positibo, hindi talaga maalis sa isip niya na

baka may malaki pa rin silang problema.

Habang iniisip niya ang mga posibilidad, medyo nairita siya.

Sinarado niya ang script na nasa kanyang kamay at humarap sa bintana.

Habang nakatitig siya kalangitan, lalo pang kumunot ang kanyang noo.

]Ang buong akala niya ay lalo silang magiging malapit ni Lu Jinnian sa isa't-isa

sa oras na maging magasawa na sila, pero base nakikita niya, mukhang hindi

naman ganun ang nangyayari kaya kailangan niyang magisip ng magandang

plano para maayos niya ang sitwasyon. Pero kanino nga ba siya lalapit para

malaman niya kung ano ba talaga ang dapat niyang gawin?

"Qiao Qiao, ano bang minumuni-muni mo jan? Halos kalahating araw mo ng

iniiwasan ang mga tanong ko ha. Malapit na eksena mo, bilisan mo na!" Hindi na

napigilan ni Zhao Meng na tapikin siya nang makita nitong nakatulala lang siya.

Sobrang nagulat si Qiao Anhao at doon lang siya nahimasmasan. Sumagot siya

ng isang "Oh!" bago siya dali-daling tumayo at naglakad papunta sa set.

-

Pagkatapos gawin ni Qiao Anhao ang kanyang eksena, nag mid-shoot break

muna ang buong crew.

Alas kwatro na ng hapon kaya pagbalik nila sa trabaho ng alas kwatro imedya,

eksena nalang nila ni Lin Shiyi ang pwedeng makuhaan.

Dahil mayaman ang bagong boyfriend ni Lin Shiyi, binigyan niya ang kanyang

assistant ng maraming pera para ibili ang buong crew ng tsaang pagsasaluhan

nila. Sakto ang pagdating nito noong mid-shoot break nila, kaya pinakuha niya

ang lahat ng tig isa.

Hindi ginawang dahilan ni Lin Shiyi ang alitan nila ni Qiao Anhao para hindi niya

ito bigyan. Sa totoo lang, siya pa mismo ang nagdala ng para rito at sa kaibigan

nitong si Zhao Meng. Pagkalapit niya, masaya siyang ngumiti at sinabi, "Here's

a little something. Walang anuman."

Alam naman ni Qiao Anhao na ginagawa lang ito ni Lin Shiyi para magmukha

itong mas mataas sakanya dahil sa investor na sumusuporta dito.

Normal na sa personalidad ni Zhao Meng ang pagiging prangka at hindi niya

naman itinatanggi na matagal niya ng ayaw kay Lin Shiyi kaya ngayon na

nakikita niya itong nagbabait baitan, lalo lang siyang naiirita. Noong nakita

niyang lumapit si Lin Shiyi para dalhan sila ni Qiao Anhao ng tsaa, hindi niya ito

kinuha at tumingin lang siya kaibigan niya na para bang hindi niya ito nakikita.

Pero iba ang ginawa ni Qiao Anhao. Ngumiti siya ng mas masaya kay Lin Shiyi

at nagpasalamat habang kinukuha ang mga dinala nito para sakanila.

Nächstes Kapitel