"Tara na," Nagmamadaling yaya ni Qiao Anhao. Naunang maglakad si Lu
Jinnian habang nakasunod sa likuran niya si Qiao Anhao.
Bago sila makalabas ng pintuan, may bigla nanamang naalala si Qiao Anhao.
"Sandali lang!"
Ang akala ni Lu Jinnian ay nagbago na ang isip ni Qiao Anhao kaya biglang
nanigas ang kanyang buong katawan. Kinakabahan siyang tumalikod at nakita
niya na nagmamadali itong tumakbo papunta sa isang kabinet. Ilang sandali ring
nagkalkal si Qiao Anhao bago niya makita ang susi ng kanyang sasakyan.
Kinuha niya ito at nagmamadali siyang tumakbo pabalik sa pintuan. Habang
masaya nakangiti, muli niyang sinabi, "Tara na."
Susi lang pala ng sasakyan ang hinanap nito… Nakahinga ng maluwag si Lu
Jinnian at tuluyan na silang naglakad palayo.
Parehong elevator ang sinakyan nila pero sa pagkakataong ito ay dumiretso sila
sa underground parking lot. Pinindot ni Qiao Anhao ang susing hawak niya sa
tapat ng isang pulang Audi at nang magbukas na ang mga pintuan, dali dali niya
itong ipinasa kay Lu Jinnian. Naintindihan kaagad nito ang gusto niyang
mangyari kaya walang pagdadalawang isip nitong kinuha ang susi at naglakad
papunta sa driver's seat.
-
Alas kwartro bente na ng hapon noong nakarating ang sasakyan nila sa parking
lot ng Civil Affairs Bureau.
Pagkapatay ni Lu Jinnian ng makina ng sasakyan, nagmamadaling tinanggal ni
Qiao Anhao ang kanyang seatbelt at handang handa na siyang bumaba.
Samantalang si Lu Jinnian ay nanatili lang sa kinauupuan nito, at imbes na
magmadali ay bigla siya nitong tinawag, "Qiao Qiao."
Naguguluhan siyang lumingon at habang nakatitig ng diretso sa itim na itim
nitong mga mata ay nagtanong siya, "Bakit?"
Sinasabi ng utak ni Lu Jinnian na wag na siyang magtanong pa dahil ang
kailangan niya lang naman gawin ay bumaba, magpacheckup, magpa'picture, at
kunin ang kanilang marriage license. Pagkatapos 'nun ay magiging legal niya ng
asawa si Qiao Anhao.
Pero nagaalangan pa rin talaga siya. "Qiao Qiao, sigurado ka ba talaga na gusto
mo akong pakasalan?"
Mula noong muli silang magkita silang, ilang beses na siyang iniwanan ni Lu
Jinnian, kaya biglang kinabahan si Qiao Anhao noong narinig niya ang tanong
nito. Sa takot niya, dali dali niyang hinatak ang manggas ng damit ni Lu Jinnian
at sinabi, "Lu Jinnian, nagsisisi ka na ba sa deisyon mo?"
Kahit na ayaw ni Lu Jinnian na makitang kinakabahan si Qiao Anhao, hindi niya
maitatanggi na napanatag siya sa naging reaksyon nito.
Dali dali niyang tinanggal ang kanyang seatbelt at mahinahong sinabi, "Tara na."
Hindi na sumagot si Qiao Anhao. Tumungo lang siya at nagmamadaling
bumaba. Pagkalabas niya, tumakbo siya papunta sa driver's seat para hawakan
ang kamay ni Lu Jinnian sa takot na baka bigla itong tumakbo.
Nang makita ni Lu Jinnian ang kamay ni Qiao Anhao, unti unti siyang
napanatag. Gamit ang kabila niyang kamay, sinarado niya ang mga pintuan ng
sasakyan bago sila maglakad papasok ng Civil Affairs Bureau.
Noong makarating na sila sa labas ng pintuan, muling tumingin si Lu Jinnian kay
Qiao Anhao at sinabi, "Kapag pumasok tayo jan, wala na 'tong atrasan."
Sumagot si Qiao Anhao ng "Sige", at desidong nagpatuloy, "Tara na."
Nanatili si Lu Jinnian sakanyang kinatatayuan at muling nagsalita, "At hinding
hindi ako tatanggap ng divorce."
Paulit ulit na tumungi si Qiao Anhao bago niya ituro ang Civil Affairs Bureau
gamit ang kanyang baba, "Tara na!"
Sa pagkakataong ito, hindi pa rin gumalaw si Lu Jinnian, bagkus, muli
nanamkan siyang nagtanong sa ikatlong pagkakataon, "Sigurado ka na ba?"
Lalo lang lumakas ang kaba ni Qiao Anhao nang maramdaman niya ang
pagaalinlangan ni Lu Jinnian. Nasa labas na sila ng Civil Affairs Bureau, hindi
naman siya tatakbuhan nito ngayon, tama?
Sa takot ni Qiao Anhao, hindi niya na sinagot ang tanong ni Lu Jinnian at
pwersado niya itong hinila papasok ng Civil Affairs Bureau.