Dati, sinabihan siya ni Qiao Anhao na walang karapatan ng dahil kay Xu Jiamu
at noong ayaw talaga siyang bigyan nito ng pagkakataon, naisipan niyang
umalis nalang. Ngayon naman, sinundan siya nito mula sa Beijing hanggang sa
America para i'harass. Sa harapan ni Lucy, paulit ulit siyang tinawag nitong
asawa at sinabi pang nabuntis niya ito, na para bang gusto nitong ipamukha sa
kaibigan niya na may karapatan ito sakanya.
Ano ba talagang gutsong mangyari ni Qiao Anhao?
Medyo nailang si Qiao Anhao sa mga mata niyang halatang naiinis kaya
yumuko nalang ito at pabulong na sinabi, "Nawala ko ang wallet ko."
Nawala talaga ni Qiao Anhao ang wallet niya, pero sinadya nito itong gawin.
Nakatitig lang si Lu Jinnian sakanya at sa magulo niyang buhok at hindi umimik.
Sinilip ni Qiao Anhao ang mukha ni Lu Jinnian at hindi niya mabasa ang iniisip
nito dahil halatang naiinis pa rin ito sakanya. Hindi siya sigurado kung
naniniwala ba ito sinabi niya o hindi kaya maingat niyang hinila ang isang
kamay nito para ipakapa ang kanyang mga bulsa.
At pabulong niyang sinabi, "Nawala ko talaga. Noong umalis ako sa restaurant,
naglakad pa ako ng malayo bago ako makakuha ng taxi. Noong magbabayad na
ako, dun ko lang napansin na nawala ko na pala ang wallet ko. Nanghiram
nalang ako ng pera sa front desk para mabayaran ang pamasahe ko sa taxi."
Kahit na pinagisipan niya ng mabuti ang mga gagawin niya, ngayon na
nagsasabi na siya kay Lu Jinnian ay hindi niya maiwasang alalahanin noong
isang beses na nagpunta siya sa Hangzhou. Mga estudyante palang sila noon
at nanakawan siya ng wallet. Si Lu Jinnian ang tinext niya at tandang tanda
niya pa na wala itong pagdadalawang isip na pumunta sakanya kahit na
sobrang layo pa ng pinanggalingan nito. Pero ngayon, nakatingin lang ito
sakanya na parang walang pakielam.
Dahil dun, medyo nalungkot siya at hindi nagtagal ay biglang nagluha ang
kanyang mga mata. Mukha talagang nakakaawa ang kanyang boses ng muli
siyang magpatuloy, "Hindi nila ako pinahiram noong una, kaya sinabi ko na may
kaibigan ako na pwedeng magbayad sakanila. Doon palang nila ako pinahiram
ng pera pero hindi nila ako pinayagang umakyat dahil sabi nila kailangan ko
raw munang maghintay sa lobby hanggang sa makabalik ka. Mahigit dalawang
oras kitang hinintay. Hindi pa ako kumakain kaya gutom na ako."
Sa tuwing magbibitaw ng salita si Qiao Anhao, parang nagiinit ang puso ni Lu
Jinnian.
Kahit na nakayuko ito at hindi niya makita ang itsura nito, hindi maalis sa isip
niya ang nakakaawa at aping api nitong mukha habang nagkwekwento.
Ipinikit ni Lu Jinnian ang kanyang mga mata at sikretong nagbuntong hininga.
Pinilit niyang kumalma at hindi nagtagal ay bigla siyang naglabas ng maraming
pera mula sa wallet niya at iniabot kay Qiao Anhao.
Tinitigan lang ni Qiao Anhao ang pera pero hindi niya ito kinuha. Umiling siya at
sinabi, "Hindi yan sapat. Ang isang gabing pag'stay ko sa hotel na 'to ay ilang
milyon na kaagad ang halaga."
Kumunot ang noo ni Lu Jinnian at inilabas ang kanyang bank card na muli
niyang iniabot kay Qiao Anhao. "Alam mo na ang pin."
Mula noong muli silang magkita pagkalipas ng apat na buwan, ito ang kauna
unahang pagkakataon na kinausap ni Lu Jinnian ng kalmado si Qiao Anhao.
Kahit na ramdam pa rin ang pagka'ilag niya, hindi niya pa rin talaga kayang
tanggalihan at talikuran si Qiao Anhao. Lalo niya itong napatunayan noong
sabihin niya ang "Alam mo na ang pin."
Hindi rin alam ni Qiao Anhao kung bakit pero bigla nalang tumulo ang kanyang
mga luha na pumatak pa sa likod ng kamay ni Lu Jinnian, habang hinihila niya
ang manggas ng damit nito.
Ang mainit na luha ni Qiao Anhao ay biglang nagpabilis ng tibok ng puso ni Lu
Jinnian. Dahil din dito, naramdaman na parang biglang lumambot ang kanyang
puso na napakatagal niyang pinilit patigasin.
Itinaas ni Qiao Anhao ang kanyang kamay para punasan ang kanyang mga luha
na parang batang walang muwang. Iniangat niya ang kanyang ulo at tinignan si
Lu Jinnian. Ang kanyang mga mata ay mangiyak ngiyak at para siyang isang
kawawang tuta na aping api at nagmamakaawa, "Ayoko ng pera, gusto ko ng
pagkain."