Sinamahan ni Lu Jinnian ang matandang babae na mag'gabihan, at
pagkatapos nilang manuod ng isang episode ng isang makalumang historical
drama, inakyat na ng tagapag'alaga sa taas para makaligo ito bago matulog.
Doon lang siya nagdesisyong umalis.
Alas diyes na ng gabi nang makalabas siya ng elevator.
Noong sandaling lumabas siya ng apartment ng matanda, napansin niya na
umuulan pala ng snow – napapalibutan ang buong lugar ng manipis na yelo.
Habang bumababa ng hagdanan, maririnig ang pagkaluskos ng mga snow na
naapakan niya.
Pagkarating niya sa kalsada, agad niyang kinuha ang susi ng kanyang
sasakyan at bnuksan ito. Noong sandaling 'yun, may napansin siyang isang
sasakyang nakailaw habang nakaparada sa isang gilid na hindi naman
kalayuan mula sakanya.
Papasok na sana siya sa loob ng sasakyan nang may bigla siyang narinig na
tumawag sa pangalan niya, "Mr. Lu."
Biglang natigilan si Lu Jinnian at nang sandaling humarap siya ay nakita niya
ang kanyang assistant na nakatayo sa kabilang gilid ng kalsada. Halatang
matagal na itong naghihintay sakanya sa labas dhil punong puno na ng yelo
ang tuktok ng sumbrero nito.
Huminto si Lu Jinnian.
Mabilis na naglakad ang assistant papunta kay Lu Jinnian. Tinitigan niya ito
sa mga mata at naiinis na nagtanong, "Mr. Lu, kailan ka pa bumalik? Bakit
hindi mo manlang ako kinontak?"
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Lu Jinnian imbes na sagutin ang
tanong ng kanyang assistant.
"May binisita lang akong malayong kamaganak ng asawa ko na nakatira sa
dito. Naglalaro pa sila ng mahjong sa taas kaya lumabas muna ako para
magsigarilyo at laking gulat ko na nakita kita!" Kapanipaniwalang sagot ng
assistant habang iniisip niya na nasa Suzhou ang lahat ng kamaganak ng
kanyang asawa…Ang tanging rason lang naman kung bakit siya nakararting
doon ay dahil sa tawag ni Miss Qiao!
Sa tagal na panahaon nilang magkasama ni Lu Jinnian, ito ang kauna-
unahang pagkakataon na nagsinungaling siya rito at kahit nagawa niya ito ng
maayos ay nakokonsensya pa rin siya. Natatakot siya na baka mahanapan
siya ni Lu Jinnian ng butas jaya dali dali siyang nagtanong, "Mr. Lu, libre ka
ba mamaya? Gusto mo ba munang uminom?"
Hindi tumanggi si Lu Jinnian. Tumungo siya at itinuro ang kanyang sasakyan
habang naglalakad papunta sa driver's seat.
Ilang taon ng nagtarabaho ang assistant kay Lu Jinnian, kaya kahit apat na
buwan na silang hindi nagkikita ay hindi niya pa rin siya nagbabago. Alam
niya kung anong ibig sabihin ng kanyang amo kaya dali dali siyang tumakbo
para buksan ang back door. "Mr. Lu, ako na."
Papasok na sana si Lu Jinnian sa driver's seat nang marinig niya ang sinabi
ng kanyang assistant kaya bigla siyang natigilan. Hindi nagtagal, binitawan
niya ang handle ng pintuan at lumipat sa back seat.
Dali daling sumakay ang assistant sa driver seat at pinaandar ang sasakyan.
"Mr. Lu, saan mo gustong pumunta?"
"Kahit saan."
Nagisip ang assistant ng ilang sandali bago siya muling magtanong, "Sa
Golden Luxury?"
Pumayag naman si Lu Jinnian at sumagot ng isang mahinang "Sige."
Sa apat na buwang lumipas, narenovate na ang Jin Bi Hui Huang kaya mas
nagmukha itong malaki at pang'mayaman kumpara sa itsura nito noon.
Kumuha sila ng isang private room at ang mga inorder na inumin ng assistant
ay dumating din kaagad. Pagkaalis ng staff, tinignan niya si Lu Jinnian.
Kalmado ang itsura nito habang nakasandal sa sofa at nagsisigarilyo.
Pinuno niya ng alak ang dalawang baso at itinulak papalapit kay Lu Jinnian
ang isa. "Mr. Lu, may balak ka pa bang umalis ulit?"
Inalis ni Lu Jinnian ang pagkakatitig niya sa kisame at umupo ng maayos.
Kinuha niya ang basong ibinigay ng assistant at inubos muna ang laman nito
bago siya tumungo, "Paalis na."