Magkasunod na pumasok ang dalawang sasakyan sa Beijing. Pagkarating nila
sa main road, tuluyan ng hindi binigyan ni Lu Jinnian ng pagkakataon na
makahabol si Qiao Anhao at inapakan niya ng madiin ang accelerator at
pinalipad ang kanyang sasakyan kaya pagkaliko ni Qiao Anhao ay wala na
siya.
Unti unting binagalan ni Qiao Anhao ang kanyang pagpapatakbo hanggang sa
huminto siya sa isang gilid. Nakatitig lang siya sa kalsada at hindi niya alam
kung saan siya pupunta para sundan si Lu Jinnian.
Bandang huli, nawala niya nanaman si Lu Jinnian…
Matagal siyang nakaupo sa loob ng sasakyan bago niya kunin ang kanyang
phone para silipin ang oras – madaling araw na. Sumapit na ang bagong taon
kaya tinawagan niya ang babaeng nagbabantay sa matanda para itanong kung
ligtas pa bang ibalik niya ang sasakyan sa ganung oras pero sinigurado naman
siya nito na walang problema kung bukas niya na ibalik.
Pagkaputol ng tawag, malungkot na dumiretso si Qiao Anhao sa apartment na
kabibili niya lang.
Pagkauwi niya, pagod na pagod siyang umupo sa sofa at doon niya lang unti
unting naramdaman ang sakit ng mga pangyayari.
Nang yumuko siya, nakita niya na may dugo sa medyas niya at napanguso
nalang siya ng sa sobrang lungkot. Daha-dahan niyang tinanggal ang kanyang
medyas para silipin ang mga sugat niya – nagtamo siya ng maraming maliliit
na gasgas sa kanyang maputi at makinis na balat.
Kumuha siya ng isang kahon ng antiseptic wipes mula sa ilalim ng kanyang
coffee table. Naglabas siya ng isang pakete para linisin ang kanyang mga
sugat at habang ginagawa niya ito ay napakunot ng sobra ang kanyang noo sa
sobrang hapdi.
Nang masigurado niya ng malinis na ang kanyang sugat, pakiramdam niya ay
naubos na ang lahat ng kanyang lakas kaya yumakap siya ng isang unan at
dahan-dahang humiga sa sofa.
Sa tagal niyang naghintay, sa wakas nahanap niya na rin si Lu Jinnian, pero
bakit parang ayaw naman siyang makita nito.
Noon, ang buong akala niya ay maunumbalik na ang saya niya kapag nagkita
na silang muli ni Lu Jinnian, malinaw na nagkamali siya.
Pero naintindihan niya naman kung bakit ganoon ang kinilos si Lu Jinnian.
Noon, si Lu Jinnian ang naghintay sakanya ng buong magdamag na sigurado
siyang sobrang nagparusa dito.
Pagkayuko niya, nakita niya ang pinakatatago niyang kaha ng sigarilyo na may
kasamang isang pirasong papel. Kinuha niya ang papel at tinitigan ito ng may
halong determinasyon.
-
Wala talagang balak sumuko si Qiao Anhao at ayaw niya ring magtago. Kahit
na nawala nanaman niya si Lu Jinnian kagabi, hindi naman ibig sabihin 'nun na
hindi niya na ito muling makikiota habang buhay.
Kinabukasan, bago sumikat ang araw, maaga siyang nagising at pumunta sa
mga Qiao para magcelebrate ng Bagong Taon. Pagkatapos niyang batiin ang
kanyang auntie at uncle, sinamahan niya lang na mag'umagahan ang mga ito
at agad din siyang nagpaalam. Wala na siyang sinayang na oras at
nagmaneho siya papunta sa bahay ng matandang babae para ibalik ang
sasakyan nito.
Pagkatapos niyang maibalik ang sasakyan, hindi pa siya kaagad umalis at
sinamahan muna ang matanda.
Isa ang matandang babae sa mga taong malapit sa puso ni Lu Jinnian.
Matapos nitong mawala ng mahabang panahon, wala itong kinontak na kahit
sino pero noong gabi ng bagong taon, pinuntahan nito ang puntod ng nanay
nito kaya ibig sabihin, malaki ang posibilidad na bibisitahin rin nito ang
matanda.
Kaya nagdesisyon si Qiao Anhao na hintayin si Lu Jinnian.
Tuwing umaga, bibisitahin niya ang matanda at maghihintay hanggang
mag'gabi.
Sa ikaapat na gabi ng bagong taon, kagaya ng naisip niya, nagpakita nga si Lu
Jinnian.