webnovel

Mahabang panahong walang pagkikita, mahal ko (15)

Redakteur: LiberReverieGroup

Dahil sa ilaw na tumatama rito, sigurado siya na si Lu Jinnian ang taong 'yun.

Biglang bumagal ang kanina niyang mabilis na paglalakad at wala na siyang

ibang nagawa kundi ang titigan si Lu Jinnian.

Noong mga oras na 'yun, pakiramdam niya ay parang huminto ang oras.

Dahil masyadong malamig ang hangin sa kalagitnaan ng bundok, nanginginig

na ang kanyang buong katawan sa sobrang ginaw. Maging ang mga daliri niya

ay wala ring tigil na sa panginginig pero kabaliktaran ito sa nagiinit niyang

puso.

Masaya at sabik na sabik siya na makita si Lu Jinnian, pero hindi niya alam

kung bakit hindi niya makontrol ang pagdaloy ng luha sakanyang mukha.

Sa loob ng apat na buwan, na may isang daan at higit tatlumpung araw at

milyun milyong tibok ng puso, sobrang nanabik talaga siyang makita ang taong

nasa harapan niya ngayon, at sa wakas nakita niya na ito muli.

Kahit kailan ay hindi siya tumigil na isipin ang pagdating ng araw na muli niya

itong makikita at kung ano ang kanyang gagwin kapag dumating ang araw na

'yun. Sa ngayon, ang gusto niya lang munang gawin ay titigan ito ng ilang

sandali para makabawi sa sobra sobrang pananabik na naramdaman niya sa

nakalipas na apat na buwan.

Tuloy tuloy ang pagbuhos ng luha mula sa mga mata ni Qiao Anhao, habang

ang kanyang mga labi ay hindi maawat sa pag ngiti. Napuno ng lambing ang

kanyang mga mata pero natatakot siya nab aka panaginip lang ang lahat.

Dahan dahan siyang naglakad hanggang sa makalapit siya kay Lu Jinnian.

Habang papalapit siya ng papalapit, naamoy niya ang pamilyar nitong amoy na

siyang nagbigay ng kalinawan sa lahat ng pagdududa na nararamdaman niya.

Dahil dun, lalo pang bumuhos ang luha mula sakanyang mga mata.

Si Jinnian nga…Hindi siya nanaginip. Sa wakas….nahanap niya na si Lu

Jinnian…

Nanginginig ang mga labi ni Qiao Anhao at nang sandaling ibuka niya ang

kanyang bibig para tawagin ang pangalan nito, pakiramdam niya ay parang

naubos na ang lahat ng lakas at damdamin sa kanyang katawan. "Lu Jinnian?"

Dahil sa likod nanggaling si Qiao Anhao at masyadong malalim ang kanyang

iniisip, hindi namalayan ni Lu Jinnian na may tao na sa likod niya.

Hanggang sa may narinig siyang isang pamilyar na boses na tumawag

sakanyang pangalan. Napakunot ang kanyang noo sa sobrang pagtataka at

habang inaalis niya ang kanyang tingin mula sa malayo, iniisip niya na baka

isa nanamang guniguni.

"Lu Jinnian… ikaw ba talaga yan?"

Bago maproseso ng isip ni Lu Jinnian ang mga nangyayari, muli niya

nanamang narinig ang boses ni Qiao Anhao mula sa likuran niya. Nanginginig

ang kanyang buong katawan pero wala siyang kahit anong intensyon na

lumingon.

Hindi nagtagal, naramdaman niya na papalapit ng papalapit sakanya. Hindi

niya maintindihan ang nangyayari noong una pero nakumpirma niya ang

kanyang mga hakahaka nang maamoy niya ang pamilyar nitong pabango.

Biglang ikinuyom ni Lu Jinnian ang kanyang kamay, at hindi mapakali ang

kanyang buong katawan.

"Lu Jinnian, saan ka ba nagpunta?"

Habang nagtatanong si Qiao Anhao, itinaas niya ang kanyang kamay para

hawakan si Lu Jinnian pero noong sandaling tumama ang kanyang mga daliri

sa coat nito, para itong biglang nakuryente at umilag.

Naiwanan ang kamay ni Qiao Anhao sa hangin. Hindi niya maintindihan ang

ginawa ni Lu Jinnian kaya ilang sandali siyang nakatitig lang sa gilid ng mukha

nito. Walang nagbago sa kagwapuhan nito pero halatang halata na malaki ang

ipinayat nito, pero ang titig nito ay parang galit na galit.

Noon, sa tuwing nakikita ni Qiao Anhao na ganito si Lu Jinnian ay nahihiya

siya. Kahit naman ngayon ay natatakot pa rin siya pero pinili niya itong

labanan. Lumunok siya kanyang laway at naglagkas loob na muli itong

hawakan. Sa pagkaklataong ito, hindi niya pa man din nahahawakan ang damit

ni Lu Jinnian ay bigla itong naglakad papalayo sakanya nang hindi manlang

siya tinitignan.

Nächstes Kapitel