webnovel

Mahabang panahong walang pagkikita, mahal ko (12)

Redakteur: LiberReverieGroup

Jinnian… isang napakapamilyar na pangalan. Noong mga sandaling iyon, ang

mga salita na nasa dulo ng dila ni Qiao Anhao ay biglang natigilan.

Hindi nagtagal, lalo pang sumaya ang itsura ng matanda na para bang kamag

anak nito ang nakita. Masaya nitong hinawakan ang kamay ni Qiao Anhao at

sinabi, "Nasaan na si Jinnian? Bakit ang tagal niya na akong hindi binibisita?"

Yumuko si Qiao Anhao para tulungan ang matanda na makaupo sa bench na

nasa bus stop. "Lola… Sino pong Jinnian ang tinutukoy ninyo?"

"Si Jinnian ay si Jinnian." Ang matandang babae na kanina ay masaya ay

bigla nalang nagbago ang itsura na parang naiinis habang hinahawakan si

Qiao Anhao. "Sabihin mo saakin kung nasaan sai Jinnian? Bakit hindi niya

ako binibisita?"

Sumagot ang matandang babae na para bang hindi nito narinig ang tanong ni

Qiao Anhao. Habang inaalalayan itong makaupo, sumilip si Qiao Anhao sa

isang promotional poster na nasa tabi nila at sinabi habang nakaturo, "Lola,

ang Jinnian ba na tinutukoy mo ay siya?"

Tinignan ng matanda ang itinuturo ni Qiao Anhao ng ilang sandali bago ito

tumayo. Hindi nagtagal, lumapit ito sa poster at tinitigan ang litrato. Maya

maya pa ay hinawakan na nito ang poster at sinabi, "Jinnian, bakit hindi mo

binibisita si Lola? Sabi mo bibisitahin mo si lola ng once a week! Bilangin mo

nga kung gaano na katagal! Wala kang puso!"

Tuloy tuloy ang pagsasalita ng matandang babaem pero base sa reaksyon

nito, nakumpirma ni Qiao Anhao na ang Jinnian na hinahanap ng matanda ay

Lu Jinnian!

Ito ba ang lola ni Lu Jinnian?

Biglang nabuhayan si Qiao Anhao at kanina niyang tinatawag na 'lola' ay

bigla niyang pinalitan ng 'nanay'. "Nanay, alam mo ba kung nasaan si Lu

Jinnian? Nagmamakaawa ako, sabihin mo naman sa akin! Kung saan saan ko

na siya hinanap pero hindi ko siya makita. Nasaan ba siya?"

"Walang kwenta!" Biglang tumalikod ang matanda sa poster at galit na galit

na tumingin kay Qiao Anhao. "Anong sinasabi mong hindi mo mahanap si

Jinnian? Paanong hindi mo siya makita! Ikaw ang asawa ni Jinnian kaya

dapat alam mo."

Asawa?

Biglang natigilan si Qiao Anhao matapos niyang marinig ang sinabi ng

matandang babae. "Nanay, hindi po ako asawa ni Lu Jinnian…"

Hindi na pinatapos ng matanda sa pagsasalita si Qiao Anhao nang bigla itong

umiyak sa sobrang galit. "Niloloko mo ba ako dahil matanda na ako? Sa tingin

mo ba hindi ko makikilala ang asawa ng Jinnian naming!"

Hindi na alam ni Qiao Anhao kung gagawin niya noong nakita niyang umiyak

ang matandang babae. "Nanay, wag ka ng umiyak…."

Ayaw makinig ng matandang babaw sa sasabihin ni Qiao Anhao, pero ang

kanina nitong galit na galit na mukha ay biglang masayang ngumit.

Hinawakan nito ang kanyang kamay at sinabi, "Ikaw bata ka. Sa pamimigatan

mo, makikita ko si Jinnian. Dalhin mo ako sakanya!"

Naguguluhan si Qiao Anhao sa mga sinasabi ng matanda pero ayaw niya ng

magsalita sa takot nab aka umiyak nanaman ito.

Halos mabaliw na siya sa kakaisip kung anong gagawin niya hanggang sa

may nakita siyang papel sa bandang dibdib ng matanda. May number na na

nakasulat dito at sa kagustuhan niyang malaman kung anong laman nito ay

kinuha niya ito. May nakasulat na contact number sa papel na pwedeng

kontakin kung sakaling mawala ang matandang babae.

Dali daling kinuha ni Qiao Anhao ang kanyang phone para tawagan ang

number. May isang babae na sumagot ng tawag at sa pagkakawari niya ay

mukhang ito ang nagaalaga sa matandang babae. Hindi pa man din siya

nakakapagsalita ay bigla na itong nagtanong, "Excuse me, nakuha mo ba ang

contact detail na ito mula sa isang matandang babae?"

Nächstes Kapitel