webnovel

Mahabang panahong walang pagkikita, mahal ko (9)

Redakteur: LiberReverieGroup

Biglang nahimasmasan si Qiao Anhao at dali daling tumungo sakanyang

Auntie Qiao. Noong nakita niya na may dala itong isang takuri ng tsaa ay

agad niyang itinaas ang kanyang kamay at sinabi, "Magseserve po ba kayo

ng tea? Ako na po."

"Ayos lang." Sinilip ni Auntie Qiao sina Chen Yang at Qiao Anxia na nakaupo

sa sofa bago ito muling tumingin kay Qiao Anhao at sinabi, "Hinihintay ka na

nina Chen yang at Xia Xia. Ang sabi nila, gusto raw nilang manuod ng

fireworks sa bakuran."

Nang marinig ni Qiao Anxia ang sinabi ng kanyang nanay, dali dali siyang

tumayo at hinila si Chen Yang. Pagkatapos ay tumingin siya kay Qiao Anhao

at sinabi, "Qiao Qiao, tara na! Halos kalahating araw ka naming hinintay."

-

Noong mga bata pa sina Qiao Anhao at Qiao Anxia, bago mamatay ang

kanilang lolo at lola, lahat ng magkakamag-anak ay umuuwi para

makapagdiwang ng Chinese New Year ng sabay-sabay at sa tuwing

natatapos silang magdinner, dinadala silang dalawa ng tatay ni Qiao Anhao

sa bakuran para manuod ng fireworks habang ang kanyang nanay ay masaya

silang pinapanuod sa isang gilid.

Sa kinalaunan, naging tradisyon na nila ang pagpapaputok tuwing sasapit ang

New Year's Eve. Pero simula noong mamatay ang tatay niya, ang kanyang

uncle na ang pumalit sa pagsindi ng mga fireworks.

Dahil nandoon si Chen Yang ngayong gabi, hindi nagsindi si Uncle Qiao ng

paputok pero naghanda siya ng marami nito sa bakuran.

Nakahilera ng maayos ang mga paputok kaya pagkasindi ni Chen Yang ng isa

ay nagsisunuran na ang lahat. Dali-dali siyang tumakbo pabalik sa tabi ni

Qiao Anxia at matapos ang sampung segundo, isa isa ng nagsiputakan ang

mga fireworks.

Hindi nagtagal, nabalot ang kalangitan ng mga nagagandahang liwanag mula

sa mga fireworks.

Hindi mapigilan ni Qiao Anxia ang saya habang pinapanuod ang

napakagandang display kaya masaya niyang itinuro ang kalangitan para

makita ni Chen Yang.

Halos dalawang metro ang layo ni Qiao Anhao sa dalawa. Habang nakatingin

sa nagagandang mga paputok, unti-unting sumakit ang kanyang mga mata

kaya hindi nagtagal ay muli niyang ibinaba ang kanyang ulo. Nakita niya na

nakayakap si Qiao Anxia sa leeg ni Chen Yang habang si Chen Yang naman

ay nakahawak sa bewang ni Qiao Anxia – ang dalawa ay naghahalikan.

Ilang sandali ring nakatitig si Qiao Anhao sa dalawa bago siya yumuko.

Papasok na sana siya sa loob ng bahay nang biglang magring ang kanyang

phone na nasakanyang bulsa, na siya ring nagpagulat sa kasalukuyang

naghahalikan na sina Qiao Anxia at Chen Yang.

Kumaway si Qiao Anhao sa dalawa bago niya silipin kung sino ang

tumatawag sakanya. Mula it okay Zhao Meng, kaya dali dali siyang naglakad

palabas ng bakuran para sagutin ang tawag.

"Happy New Year, Qiao Qiao!"

Rinig na rinig ni Qiao Anhao sa kabilang linya ang sunod sunod na tunog ng

paputok. Halatang ramdam na ramdam talaga ang new year sa kung nasaan

ang kaibigan niyang si Zhao Meng. Hindi nagtagal, mahinahaon siyang

sumagot, "happy New Year!"

Naramdaman ni Zhao Meng ang lungkot sa boses ni Qiao Anhao kaya pinilit

niyang kalmahin ang saya na kanyang nararamdaman at nagaalalang

nagtanong, Qiao Qiao, anong nangyari? Bakit hindi kita marinig. Parang ang

lungkot mo…"

Hindi nakabuti ang pagtatanong ni Zhao Meng dahil lalo lang naramdaman ni

Qiao Anhao ang lungkot at muli nanaman siyang naging mangiyak ngiyak.

Hindi naman sa hindi siya masaya pero hindi niya lang talaga mapigilan ang

sarili niyang mamiss si Lu jinnian habang ang lahat ng tao sa China ay

nagkakasaya.

"Ayos lang ako." Pagkatapos magsalita ni Qiao Anhao tuluyan ng tumulo ang

luha sakanyang mukha. Sumandal siya sa poste at yumuko. Ipinikit niya ang

kanyang mga mata at nanahamik ng ilang sandali hanggang sa kumalma siya.

Hindi nagtagal, muli niyang iniangat ang kanyang ulo at habang pinupunasan

ang mga luha sakanyang mukha ay masaya siyang nagtanong, "Bakit ka nga

pala napatawag?"

"Ay oo nga. Gusto ko lang sabihin sayo na icheck mo ang Weibo mo. Nasa

listahan kayo ng mga hot searched ni Mr. Lu!"

"Anong listahan ng mga hot searched?"

"Tignan mo nalang para malaman mo!" Nakakaintrigang sagot ni Zhao Meng.

Hindi nagtagal, may narinig si Qiao Anhao na tumawag sa pangalan ni zhao

Meng kaya dali dali itong nagpaalam, "Bye Bye" at muli itong nagpaalala bago

nito tuluyang putulin ang tawag, "Magcheck ka ng weibo ha!"

Nächstes Kapitel