webnovel

Mahabang panahong hindi pagkikita, Mahal ko (5)

Redakteur: LiberReverieGroup

Si Qiao Anhao ay umupo sandali sa tabi ni Xu Jiamu, at sumilip sa hagdan. Tumayo siya, lumakad sa dispenser ng tubig at kumuha ng isang tasang tubig. Nang siya'y naglakad na pabalik sa sopa, tinawag niya, "Kapatid na Jiamu."

Hindi kumibo si Xu Jiamu. Ang kanyang mata ay nakatutok lang sa kanyang pinapanood at hindi kumukurap. 

"kapatid na Jiamu?" tinawag siya ulit ni Qiao Anhao habang tinatapik ang kanyang balikat.

Si Xu Jiamu ay biglang bumalik sa kanyang sarili. Napagtanto niya na dahil siya ay nakatingin sa Song Xiangsi sa telebisyon, wala siyang ideya kung ano ang nangyari at kung gaano siya katagal naging blangko.

Mula nang iwan niya ang Hengdian estudyo sa isang matinding galit, siya at si Qiao Anhao ay hindi kailanman nakapag-ugnayan. Nang maglaon, nagkaroon ng problema ang Xu Enterprise, at siya ay ibinaba mula sa batang master ng pamilya Xu sa isang manedyer ng departamento ng kumpanya. Ang kanyang kalagayan ay nagbago nang napakabilis, hindi nito kailanman hinanap siya.

At para kay Qiao Anhao, wala pa siyang naging trabaho kamakailan lang, kaya nanatili siya sa Beijing. Alam niya marahil ang pagkahulog ni Xu Jiamu, ngunit hindi siya kailanman nag-abalang makipag-ugnayan dito upang kamustahin ang kanyang kalagayan.

Sa nakalipas na apat na buwan, silang dalawa ay nasa iisang lungsod, ngunit hindi kailanman nakipagkita sa isa't-isa.

Sa katunayan, dahil abala siya sa trabaho, kung minsan ay naiisip niya si Qiao Anhao, ngunit sa ilang segundo lamang. Pagkatapos ay itutulak niya ito sa likod ng kanyang isip.

Ngayong gabi, kung hindi para kay Qiao Anhao ang pagpili para sa isang pelikula, hindi niya mapag-tatanto na talagang nangungulila siya sa kanya.

Hay naku! Siya at si Song Xiangsi ay nagkaroon lamang ng ugnayan sa negosyo… kaya bakit siya nag-iiisip tungkol sa kanya?

Si Xu Jiamu ay biglang iniling ang kanyang ulo, pagkatapos ay tumingin kay Qiao Anhao. Marahil dahil ito ay ilang oras nang lumipas mula noong siya ay nagsalita, ang kanyang tinig ay maliit na namamaos. "Ano ang mali, Qiao Qiao?"

Ibingay ni Qiao Anhao ang isang tasang tubig sa harap ni Xu Jiamu. ""Sa ngayon, sinabi ni Tiya Xu na hindi maganda ang kanyang pakiramdam, kaya umakyat siya sa itaas upang makapagpahinga. Kaya maigi pang magdala ka ng isang tasang tubig sa kanya."

Tumango si Xu Jiamu, kinamot ang kanyang mukha, tumayo at umakyat dala-dala ang isang tasang tubig.

-

Bumalik sa kwarto, sinara ni Han Ruchu ang pinto sa likod niya. Pagkatapos ay inabot niya ang kanyang braso sa galit at umiiyak na tinaboy ang mga porselanang palamuti mula sa mga istante, na naging dahilan ng pagkahulog nito sa sahig at nabasag.

"Madam, bakit kayo nagagalit? Alagaan niyo po ang inyong kalusugan", sabi ng katiwala na nag-aalala.

Para bang hindi narinig ni Han Ruchu ang mga salita ng katiwala, lubos niyang binalewala ito at naglakad sa paligid ng kwarto nang ilang beses. Nang tumigil siya, kumuha siya ng isang mahaba at malalim na paghinga, pinagngalit ang kanyang ngipin at sinabing, "Si Qiao Anhao, yung maliit na bruhang babaeng iyon, siya'y palaging magaling at masunurin. Sino ang mag-aakalang sobrang galing niyang manumpa ng ibang tao, ginawa niya ng mahusay, hindi direkta?! Sobrang galing naman niya!"

"Ngayong gabi, hindi siya dumating upang ipagdiwang ang iyong kaarawan ... maliwanag na siya ay dumating upang galitin ka! Mula nang hiningi niya ang swallow's nest hanggang sa sandaling binanggit niya ang bastardo habang nanonood ng TV, at nang sinabi niya ang kuwentong iyon tungkol sa biyenan ..." Nang sabihin niya ito, tumigil ang katiwala doon, at nagpatuloy ng ibang salita. "Madam, natatakot ako na baka alam na niya na tayo ang pumatay sa kanyang sanggol."

Sa pagkakataong iyon, kumunot ang kilay ng katiwala. "May naaamoy akong hindi maganda tungkol diyan. Madam, pinaligpit niyo na ang bastardong iyon. Sa kanyang pagkatao, tiyak ako na hindi niya hahanapin si Ms. Qiao, kaya pano niya natuklasan kung ano ang nangyari?"

Dahil sa mga salita na binitawan ng katiwala, si Han Ruchu ay kumalma, ngunit kita pa rin ang galit sa kanyang mukha.

Pagkatapos ng ilang sandali, sinabi ng katiwala, "Madam, sa tingin mo…. Gaano kaya kaalam ni Ms. Qiao ang tungkol sa atin? Sa palagay mo ba na alam niya na tayo ang nagtulak sa kanya sa hagdan?"

Nächstes Kapitel