"Zhao Meng, nakapagpasya na ako!" Ibunggo mo ang iyong sasakyan sa akin, pero kailangan kapani-paniwala. Tiyak akong ililigtas ako ni Lu Jinnian at pagkatapos ay hahawakan ko siya at hindi na bibitawan pa…"
Sa isang pakete ng sigarilyo, gaano siya kasigurado na kay Mr. Lu iyon?
Tinitingnan ni Zhao Meng kung gaano ang masigasig si Qiao Anhao, at hindi nagsabi ng isang salita sa dulo, sapagkat hindi na niya kayang ma-trigger ito. Kahit na ang mga araw na ito ay hindi na iba kumpara sa dati, ang dapat na paggawa ng pelikula at pagkain, alam ni Zhao Meng na may isang bagay na mali. Pagkatapos ng pagiging magkaibigan nila ng ilang taon, masasabi niya na si Qiao Anhao ay hindi masaya araw-araw. Sa sobrang lala na gigising siya sa kalagitnaan ng gabi at maririnig niya itong palihim na umiiyak sa kanyang kama.
-
Anuman ang iniisip ni Zhao Meng, sigurado si Qiao Anhao na si Lu Jinnian ang dumating kagabi. Siya ay sigurado na ang pakete ng sigarilyo ay pagmamay-ari ni Lu Jinnian.
Sa wakas ay nakahanap na siya ng isang bakas pagkatapos ng apat na buwang paghahanap sa kanya. Pakiramdam niya ay ang bigat sa puso niya ay Nawala at nakakahinga na siya ng mas maayos.
Pagkatapos niya mag-impake ng kanyang maleta, dahan-dahan niyang pinasok ang mahalagang pakete ng sigarilyo sa kanyang bag.
Sa kanyang paglipad pabalik ng Beijing, hindi na namalayan ni Qiao Anhao kung ilang beses niyang nilabas ang pakete ng sigarilyo at tinitigan ito.
-
Ang araw pagkatapos makabalik ni Qiao Anhao sa Beijing, nakatanggap siya ng tawag kay Qiao Anxia.
Paulit-ulit na sinabi ni Qiao Anhao sa kanyang sarili na huwag sisihin ang kanyang kapatid na babae sa hindi pagsabi tungkol kay Lu Jinnian na nasa ospital noong hinahanap niya ito. Alam niya na kapag napagtanto ni Qiao Anxia na si Lu Jinnian ay may gusto sa kanya, tiyak na hindi siya magiging komportable tungkol doon.
Ngunit ang pag-uunawa ay isang bagay. Siya pa rin ay nagtataka sa kanyang kapatid na babe kung sinabi niya kay Lu Jinnian na siya ay nasa ospital, ang resulta ba ay magiging pareho o kaya'y magiging iba na ngayon?
Hindi pa rin siya nagalit kay Qiao Anxia, ngunit ramdam pa rin niya ang pagkawasak sa ilalim ng kanyang puso. At sa gayon, sa tuwing tinatawagan siya ng kanyang kapatid na babae, lagi siyang nag-aalinlangan nang mahabang oras. Kapag buo na ang kanyang loob ay tsaka niya ito sasagutin.
"Qiao, Qiao, bakit ang tagal mong sagutin ang telepono?" Ang tinig ni Qiao Anxia ay malinaw pa rin gaya ng dati.
Si Qiao Anhao ay mabilis na gumawa ng kanyang dahilan. "Ako'y nasa banyo."
"Alas-dose na ng tanghali. Kagigising mo lang ba? Hindi ka pa nagtatanghalian, ano?
Si Qiao Anhao ay sumagot ng isang "Oo", at sinabi, "Sis, tinawagan mo ba ako para sa isang bagay?"
"Hindi ba ako pwedeng tumawag kung hindi ito seryosong bagay?" tanong ni Qian Anxia. At ipinagpatuloy na may masayang ngiti, "Qiao Qiao, tumawag ako para ipaalala sa iyo na bukas ng gabi ay kaarawan ni tiya Xu. Huwag mong kalimutang pumunta."
Nang marinig ito ni Qiao Anhao, nanlaki at nanlamig ang kanyang mga mata sapagkat, naalala niya na si Han Ruchu ang pumatay sa kanyang sanggol.
Naghintay si Qiao Anxia sa telepono saglit, ngunit walang marinig na anumang bagay mula sa kabilang linya. "Qiao Qiao?"
Si Qiao Anhao ay biglang bumalik sa kanyang ulirat. "Oo, nakuha ko."
Marahil ang sobrang malamig na tono sa tinig ni Qiao Anhao, ngunit naramdaman ni Qiao Anxia ang di-mailarawan na diwa na umantig sa kanyang puso. Sa sandaling iyon, naalala niya ang larawan ni Lu Jinnian na naghintay ng tatlong buong araw at gabi sa mga pintuan ng Qiao family estate para kay Qiao Anhao.
Nang siya'y magising, si Lu Jinnian ay nawawala na. Alam na alam ni Qiao Anxia na hindi alam ni Qiao Anhao na nagtanong si Lu Jinnian ng kanyang kinaroroonan. Ngunit sa tuwing nakakaharap niya si Qiao Anhao, maririnig niya ang kapatagan sa tono ng kanyang boses, na naging dahilan ng kanyang pagkakonsensiya.