Habang lumilipad ang isip ni Qiao Anhao, hindi niya napigilang ilabas ang kanyang phone. Medyo nalungkot siya noong nakita niyang wala manlang nagtext o tumawag sakanya.
Hindi niya sinasadya ang mga nasabi niya pero sobrang nagalit si Lu Jinnian. Sinubukan niya itong habulin sa parking lot pero ayaw naman nitong makinig sa mga paliwanag niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya kinikontak nito….hindi kaya, galit pa rin ito sakanya?
Labintatlong taon niya ng minamahal si Lu Jinnian pero hanggang ngayon ay napakahirap pa ring makasama itong magcelebrate ng Valentines Day. Sa sobrang galit ni Lu Jinnian, hindi kaya mabalewala nalang ang plano nilang magdinner mamaya?
Habang iniisip ni Qiao Anhao ang mga posibilidad, hindi niya maiwasang kabahan.
Aminado siya na masyado niyang nagalit si Lu Jinnian kanina, pero malinaw din sakanya na siya talaga ang may kasalanan. Paano kaya kung siya na ang maunang humingi ng tawad para maging maayos na ang lahat…Hihintayin niya nalang na kumalma ito sa dinner nila bago niya itanong ang rason kung bakit nito nagawa ang mga ginawa nito. Kung talagang dahil lang ito sa paghihiganti, gagawin niya ang lahat para pakiusapan itong makipagkasundo nalang kay Xu Jiamu para manumbalik na ang dating relasyon ng magkapatid.
O kung hindi man, nakakalungkot isipin na ang pinaka hihintay niyang dinner ay baka hindi na matuloy.
Habang nagiisip si Qiao Anhao, in'on niya ang kanyang phone. Hinanap niya ang number ni Lu Jinnian at nagumpisang mag'type. Ang una niya sanang isesend ay [Hey], pero naisip niya na parang hindi naman sincere kung yun ang sasabihin niya. Natatakoty siya nab aka hindi siya pansinin ni Lu Jinnian kaya binura niya nalang ito para mapalitan ng mas maganda message. Sa sobrang seryoso niyang magisip, nakalimutan niya na nasa tabi niya si Han Ruchu.
Pagklalipas ng halos isang minuto, alam na ni Qiao Anhao ang sasabihin niya. Yumuko siya at nag'typr. [Masyado akong naging emotional kanina. I'm sorry. Sabi mo magdidinner tayo mamaya diba. Pwede ba tayong magusap? Hihintayin kita sa bahay…]
"Qiao Qiao"
Bago niya matype ang salitang "All right?" bigla siyang tinawag ni Han Ruchu.
Sumagot si Qiao Anhao na parang wala sa sarili at nagpatuloy lang siya sa pagtytype hanggang sa tapikin na siya ng mayordoma. Doon lang siya natauhan at tumingin kay Han Ruchu. "Aunt Xu, bakit po?"
"Wala naman. Nauuhaw lang ako. Pwede mo ba akong ikuha ng tubig?" Nakangiting sabi ni Han Ruchu. "Pero kung busy ka, ayos lang. Si Aunt Yun nalang ang papakuhain ko."
"Hindi po, ako na po." Dali daling in'off ni Qiao Anhao ang kanyang phone at isiniksik sakanyang bulsa bago siya kumuha ng baso at bumaba.
Kumuha siya ng maligamgam na tubig. Habang umaakyat sa hagdanan, walang ibang tumatakbo sa isip niya kundi ang message na hindi niya pa nasesend kay Lu Jinnian. Nagaalala siya na baka may mali nanaman siyang masabi.
Ang hagdanan ng mga Xu ay may paikot na bahagi kung saan may isang pader na nakaharang. Dahil hawak ni Qiao Anhao ang tubig, hindi siya nakakapit sa railing ng hagdan. Pagkaliko niya, hindi niya inaasahang susulpot ang ang mayordoma na may dalang malalaki at maliit na bag.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari at dahil may hawak na tubig si Qiao Anhao dagdag pa ng lumilipad ang kanyang isip, hindi niya namalayan na may tao sa likod ng pader. Sa lakas ng pagkakabunggo ng mayordoma kasabay pa na nakaangat na ang isa niyang paa dahil hahakbang na sana siya sa susunod na baitang, tuluyan siyang nawalan ng balanse at nagpagulong gulong sa hagdan.
Sobrang nabalot si Qiao Anhao ng matinding takot. Bago tumama ang ulo niya sa sahig, narinig niya pa ang boses ng mayordoma nang tawagin siya nitong "Miss Qiao!" Pagkalapag niya sa sahig, tumalsik ang kanyang phone na nakasiksik sakanyang bulsa.
Noong una, hindi niya pa naramdaman ang sakit. Nakasubsob ang kanyang mukha sa sahig pero medyo nahihilo siya at tuloy tuloy ang pagagos ng dugo mula sakanyang ulo.