webnovel

Labintatlong taon kitang minahal (21)

Redakteur: LiberReverieGroup

Walang kaalam alam si Qiao Anhao na ganung klaseng nakaraan pala si Lu Jinnian.

Biglang sumikip ang kanyang dibdib at hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman niya. 

Hindi nagtagal, muli nanamang nagsalita ang mayordoma ng masasakit na salita patungkol kay Lu Jinnian. "Totoo nga ang kasabihan na ang isang cheap na kirida at magbibigay buhay sa isa pang cheap na…"

Ramdam na ramdam ni Qiao Anhao ang sakit ng mga sinabi ng mayordoma kahit para kay Lu Jinnian ang mga salitang iyon. Sobrang sakit na ng puso niya na parang may napakaraming karayom ang sabay sabay na tumusok dito. 

Biglang tumayo si Qiao Anhao at noong mga oras na 'yun, ayaw niya ng makarinig ng anumang patungkol kay Lu Jinnian kaya nagpaalam siya na pupunta muna siya sa CR. Noong nakalabas na siya at isasara niya na sana ang pintuan, muli nanamang nagsalita ang mayordoma, "Sinayang lang ng young master ang mahabang panahon na trinato niya ng mabuti ang bastardong iyon…"

Pumunta si Qiao Anhao sa CR na nasa ibaba. Bago siya pumasok, narinig niya ang isang katulong na parang kausap ang asawa nito sa phone. Base sa pagkakaintindi niya, mukhang magdedate ang dalawa para sa Chinese Valentines Day. Balak atang maghanda ng lalaki kaya naman ang babaeng may hawak na phone sa isa nitong kamay ay inisa isa ang mga gusto nitong kainin.

Hindi maintindihan ni Qiao Anhao kung anong pumasok sa kanyang isip pero sinilip niya ang katulong. Nakita niya na nakatali sa dalawa ang buhok nito, nakamake up, at hakatang halata sa ngiti nito ang sobrang kaligayahan na para bang mayroon itong lahat ng bagay sa mundo.

Pumasok si Qiao Anhao sa CR. Pagkatapos niyang umuhi, naghugas siya ng kamay at tinitigan ang kanyang sarili sa salamin. Napakaganda ng pagkakaayos ng kanyang buhok at makeup kaya kitang kita ang magagandang parte ng kanyang mukha. 

Naalala niya na kaya siya nakasuot ng maganda ngayo ay dahil niyaya siyang magdinner ni Lu Jinnian para icelebrate nila ang Chinese Valentines day. 

Hindi maalis sa isipan niya ang sinabi sakanya ng kanyang hairdresser kung gaano siya kaganda pero hindi pa rin siya nakuntento kaya nagayos pa siya ng konti para mas lalo pa siyang gumanda. Bago siya umalis ng bahay, inisa-isa niya ang kanyang mga damit at sinukat ang mga ito hanggang sa makapili siya ng susuotin niya. Ginawa niya ang lahat ng ito dahil gusto niyang magmukhang maganda sa harapan ni Lu Jinnian sa isang napaka espesyal na araw.

Noong mga oras na 'yun, halo halo na ang nararamdaman niya, hindi siya mapakali, naeexcite, kinakabahan, hindi niya maintihan pero alam niyang kinilkilig siya…

Habang naghuhugas ng kanyang mga kamay, napakaraming bagay ang tumakbo sa isipan ni Qiao Anhao. Nang makabalik na siya sa taas, bubuksan niya n asana ang pintuan nang bigla niyang marinig ang boses ni Han Ruchu mula sa loob ng kwarto. "Mula umpisa palang, sinabi ko naman sayo na wag ka ng lumapit sakanya, pero hindi kaya sumunod kaya tignan mo ngayon, wala ng natira sayo.

"Ang tanging rason kung bakit siya nagpanggap na parang tunay mong kapatid ay para mas madali ka niyang mahila pababa. Matagal niya ng hinitintay na dumating ang araw na mapagtatawanan ka niya…ganito siguro ang itinuro ng walang kwenta niyang ina. Hindi nagawang nakawin ng babaeng 'yun kung anong meron ako, kaya tinuruan niya nalang ang anak niyang magnakaw sa iba…"

 "Tama na!" Ang kanina pang nanahimik na si Xu Jiamu ay hindi na nakapagtimpi. Bigla itong tumayo at galit nag alit na nagsalita, "Tapos na ba kayong magusap? Halos dalawampung taon ng patay ang nanay ni Lu Jinnian kaya paano naman siya babangon para lang turuan si Lu Jinnian na magnakaw. Isa pa, hindi naman ganun kalala ang ginawa niya diba? Dahil hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin naman ako sa Xu Enterprise!"

Pagkatapos magsalita ni Xu Jiamu, bigla niyang binuksan ng malakas ang pintuan.

Naramdaman ni Qiao Anhao ang malakas na hangin na sumalubong sakanya at nakita niyang palabas ang galit na galit na si Xu Jiamu.

"Brother Jiamu."

Hindi sumagot si Xu Jiamu sa naging pagtawag ni Qiao Anhao at nagpatuloy lang siya sa paglalakad palabas ng bahay. 

Hindi nagtagal, muling tinawag ni Qiao Anhao ang kanyang pangalan kaya bigla siyang tumigil at lumingon. Bakas sa kanyang mga mata na sobrang namomroblema at naguguluhan siya sa mga bagay bagay. Tinignan niya ang kanyang kaibigan at sinabi, "Qiao Qiao, sagad na sagad na ako. Gusto ko munang manigarilyo sandali ng magisa."

Nächstes Kapitel