Biglang natigilan si Xu Jiamu at sinilip niya ang itsura niya sa salamin. Muli siyang tuimingin kay Qiao Anhao at pabirong nagtanong, "Qiao Qiao, sa tangin mo bagay ba sakin ang may peklat?"
Pagkalabas niya sa CR kahapon, hindi niya inaasahan na magkakasalubong sila ni Song Xiangsi. Noong mga oras na yun, kinakapa niya ang sugat niya kaya noong nakita niyang paparating ito, dali-dali siyang tumalikod para itago ang may sugat na parte ng kanyang mukha. Ang buong akala niya ay lalagpasan lang siya nito na para bang hindi sila magkakilala pero nagulat siya dahil bigla itong huminto at naglakad papalapit sakanya.
Hinawakan nito ang mukha niya para tignan ang pasa at tumawa. "Pshh! Hahahah! Mas bagay pala sayo yan eh!" Agad din naman siyang binitawan nito at naglakad papasok ng CR.
Sumagot si Qiao Anhao, "Hindi."
"Hindi bagay?" Pangungulit ni Xu Jiamu at muli niyang tinignan ang sarili niya sa salamin. "Sa tingin ko, bagay naman sakin eh…"
"…" Hindi pinansin ni Qiao Anhao ang sinasabi ni Xu Jiamu, bagkus tinignan niya ito at sinabi, "Brother Jiamu, salamat."
Si Xu Jiamu, na tinitignan pa rin ang peklat niya, ay biglang naging seryoso nang marinig niya ang sinabi ni Qiao Anhao. "Qiao Qiao, lahat ng sinabi ko kanina ay biro lang yun. Wala naman yun para sakin…"
"Alam ko." Ngumiti si Qiao Anhao at muling nagpatuloy, Pero, salamat pa rin."
-
Marami pang kailangang gawin si Xu Jiamu kaya ibinaba niya lang si Qiao Anhao sa entrance ng Mian Xiu Garden at hindi niya na ito sinamahan.
Pagkauwing pagkauwi, nagempake kaagad si Qiao Anhao.
Kahit na hindi pa siya ganun katagal na nakatira sa mansyon ni Xu Jiamu, hindi maikakaila na naparami niyang gamit dahil sa mga pinamili nila ni Lu Jinnian noong nagtravel sila.
Isang maleta lang ang dinala niya noong araw na lumipat siya kay Xu Jiamu kaya hindi niya alam ngayon kung paano niya pagkakasyahin ang iba niyang mga gamit kaya bandang huli, nagdesisyon na siyang pumunta sa supermarket para bumili ng bagong maleta.
-
Dahil hindi naman nagpasama si Qiao Anhao, pumasok na sa trabaho si Lu Jinnian kinabukasan.
Medyo matagal siyang nawala kaya natambakan na siya ng mga dokumentong kailangan niyang asikasuhin kahit na buong magdamag na siyang nagbababad sa trabaho. Pagkatapos niyang mananghalian, hindi na siya nabigyan ng pagkakataon na makapagpahinga dahil kinailangan niya namang pumirma ng kontra na sinundan pa ng isa pang meeting.
Alas sais na ng hapon noong nakabalik siya sa kanyang opisina. Umupo siya sa sandali sa upuan niya para makapagpahinga matapos ang sobrang nakakapagod niyang araw. Kinuha niya ang kanyang phone para tignan ang napakaraming notifications na hindi niya nabasa, pero napansin niya na wala manlang galing kay Qiao Anhao.
Hindi manlang siya nagkwento pagkagaling niya sa Xu Family?
Itetext niya sana ito pero sakto namang may tumawag sakanya.
Tumatawag si Qiao Anhao.
Walang pagdadalawang isip niyang sinagot ang tawag. "Hello."
Hindi pa man din nagriring sa linya ni Qiao Anhao, nasagot na kaagad ni Lu Jinnian. Ilang sandali pa ang lumipas bago siya magtanong, "Tapos ka ng magtrabaho?"
Sumagot si Lu Jinnian nang hindi na tinitignan ang mga natambak na dikumento sa lamesa niya. "Tapos na ako."