Pagkatapos maputol ng tawag, nabagabag si Qiao Anhao ng larawan ni Qiao Anxia na kumakanta ng magisa sa Royal Palace at nabalot siya ng sobrang kaba para sakanyang pinsan kaya dali-dali siyang nagayos ng kanyang sarili para puntahan ito.
Pagkarating niya sa front desk ng Royal Palace, wala na siyang sinayang na oras at hinahanap niya na kaagad si Qiao Anxia kaya may isang waiter ang nagrepresintang ihatid siya sa kwarto kung nasaan ito. Noong nasa labas na siya ng pintuan, rinig na rinig niya na ang malakas na pagsigaw ni Qiao Anxia.
Agad niyang binuksan ang pintuan at sumalubong sakanya ang lasing na Qiao Anxia na nakatayo sa ibabaw ng lamesa habang nakatingin sa kisame at sumisigaw sa microphone. Napapalibutan ito ng mga walang lamang bote ng beer.
Dali-dali niyang isinara ang pintuan at walang alinlangang pinuntahan ang kanyang pinsan para hilain ito pababa ng lamesa. "Qiao Anxia, baliw ka na ba?"
Tinignan lang ng sandali ni Qiao Anxia si Qiao Anhao at muli nanamang nagpatuloy sa pagkanta. Habang kumakanta, tuloy tuloy ang pagdaloy ng luha mula sa kanyang mga mata. Hindi nagtagal, lumuhod siya habang yakap ang microphone at iyak nalang siya ng iyak.
Hindi pa napapatay ni Qiao Anxia ang microphone kaya umalingawngaw sa buong kwarto ang pagiyak niya.
Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Qiao Anhao na umiyak ng sobra si Qiao Anxia kaya dali-dali siyang pumunta sa computer para patayin ang microphone. Pagkabalik niya, tinulungan niya itong umupo sa sofa at nagorder ng mainit na tsaa.
Habang hawak ni Qiao Anhao ang tasa, maingat niyang inalalayang uminom si Qiao Anxia. Hindi nagtagal, inayos niya rin ang magulo nitong buhok at kumuha ng tissue para punasan ang mukha nitong puno ng luha.
Kung titignan, marami talagang nainom si Qiao Anxia pero hindi siya basta-bastang nalalasing dahil mula pagkabata nila ay mahilig na talaga silang uminom ni Xu Jiamu kaya pagkahigop niya tsaa, agad din siyang nahimasmasan. Nang makita niya ang nagaalalang itsura ni Qiao Anhao, muli nanaman niyang naiyak.
"Sis, ano ba talagang nangyari sayo?" Nagaalalang tanong n Qiao Anhao.
Habang umiiyak, umiling si Qiao Anxia at lumapit siya kay Qiao Anhao para yakapin ito.
Noong mga sandaling iyon, niyakap din siya ni Qiao Anhao at dahan-dahang hinimas ang likod niya para kumalma siya.
Hindi nagtagal, unti-unting siyang tumahan. Huminga siya ng malalim at nagsalita, "Qiao Qiao."
"Bakit?"
Nang marinig ni Qiao Anxia ang mahinahong tugon ng kanyang pinsan, bigla siyang natigilan na tila ba umatras ang mga salitang gusto niyang sabihin.
Gusto niya sanang humingi ng tawad pero wala siyang sapat na lakas ng loob para gawin ito.
Tungkol ito sa nangyari noong bata at wala pa siyang kamuwang muwang. Naging kumplikado ang loahat dahil sa mga ginawa niya noong mga panahong iyon.
Natatakot siya nab aka kamuhiian siya ni Qiao Anhao sa oras na umamin siya at hindi na sila makabalik sa dati.
Hanggang ngayon, hindi niya pa rin kayang umamin kaya niyakap niya nalang ng mas mahigpit pa si Qiao Anhao.
Sa mga oras na ito, magkahalong pagkalito at pagkadismaya ang nararamdaman niya.
Natatakot siya na baka hindi na siya mapatawad ni Qiao Anhao at nasasaktan siya dahil nawalan siya ng pagkakataon na makasama si Lu Jinnian.
Alam niya naman na si Qiao Anhao talaga ang gusto ni Lu Jinnian at hindi siya. Dalawang beses niyang ipinagtapat kay Lu Jinnian ang tunay niyang nararamdaman at dalawang beses din siyang nabigo kaya naisipan niyang maghanap nalang ng ibang lalaking mamahalin. Masaya naman siya pero sobrang sakit pa rin talaga para sakanya ngayon na nalaman niyang siya mismo ang dahilan kung bakit nawalan siya ng pagkakataong makasama ang taong matagal niya ng nagugustuhan.