Wala na si Qiao Anhao pagkagising ni Lu Jinnian kinabukasan.
Biglang nabago ang kanyang itsura at dali-daling bumangon. Habang
hinahanap niya si Qiao Anhao, napansin niya na may nakahandang malinis na
damit sa gilid ng unan na kanyang hinigaan. Ito ay isang simpleng pares ng
puting shirt at itim na pantalon. Sa sahig naman, mayroong isang planggana
ng tubig na may katabing thermos at maliit na bimpo.
Noong sandaling iyon, agad na naging kalmado si Lu Jinnian at naglakad siya
papunta sa planggana para haluan ito ng mainit na tubig. Kinuha niya ang
bimpo at binasa ito bago niya ipunas sa katawan niya. Wala siyang sinayang
na oras, nagbihis lang siya ng sadali at agad na lumabas ng kwarto dala ang
planggana na may lamang tubig.
Walangg katao tao sa living room pero napansin niya na bahagyang
nakabukas ang pintuan kaya naisipan niyang maglakad papunta rito.
Bumungad sakanya ang maaliwas at mapayapang tanawin na tunay talagang
nakakabighani.
May malaking puno sa bakuran na hindi niya alam kung anong tawag pero
puno ito ng mga kulay rosas na bulaklak at halata sa katawan nito ang
katandaan dahil sa makakapal at matitigas nitong troso.
Nakaupo si Qiao Anhao sa ilalim ng nasabing puno at mayroon itong katabing
isang batang babae na sa wari niya ay nasa pitong taong gulang. Nakaharap
ang dalawa sa isang maliit na lamesa. May hawak na pen ang batang babae
na mukhang nagaaral magsulat.
Tutok na tutok si Qiao Anhao sa puting papel habang mahinahon na
nagsasalita.
"Mali, dito dapat yan…Mali pa rin…Tignan mo ulit kung paano ko gagawin…"
Habang nagsasalita, dahan-dahan nitong hinawakan ang maliliit na kamay ng
batang babae para tulungan itong magsulat. "Yan, subukan mo ulit… Tama,
ganyan nga! Ang ganda, ang galing mo naman…"
Tumingin ang bata kay Qiao Anhao at masayang ngumiti bago ito muling
yumuko para magpatuloy sa pagsusulat.
Nasisinagan si Qiao Anhao at ang batang babae ng pulang liwanag na
kasalukuyang bumabalot sa puno mula sa palubog na araw.
Hindi na suot ni Qiao Anhao ang costume nito at kasalukuyan itong nakabihis
ng isang simpleng puting bistida at ang buhok nito ay hinati nito sa dalawa na
parehong nakaipit.
Malinis na ang mukha ni Qiao Anhao dahil nakapaghilamos at nabura na ang
makeup nito. Lalo pang nangibabaw ang maputi at makinis nitong balat
habang nasisinagan ng palubog na araw.
Noong mga sadali ring iyon, umihip ang hangin kaya may ilang bulaklak na
naglaglagan sa buhok ng bata. Nang makita ni Qiao Anhao ang nangyari,
maingat nitong tinanggal ang mga nalaglag na bulaklak.
Nakasandal si Lu Jinnian sa pintuan na may dalang planggana na may lamang
tubig habang pinagmamasda ang magandang tanawin na nasa harapan niya.
Wala siyang ibang maramdaman kundi saya at kapanatagan.
Ang batang babae ang unang nakapansin sakanya kaya habang nakahawak
ito sa isang lapis, tumingin ito sakanya at dahan-dahang kumurap.
Nakita ni Qiao Anhao na nakatingin sa malayo ang batang babae kaya
mahinahon niyang tinawag ang pangalan nito, "Nan Nan." Nang sundan niya
ang direksyon ng mga mata nito, nakita niya si Lu Jinnian na nakasadal sa
pintuan kaya bigla siyang umayos ng upo at nagtanong, "Kagigising mo lang?"
Biglang nahimasmasan si Lu Jinnian. "Oo…" Pero bago siya maglakad
papunta sa puno, itinapon niya muna sa isang gilid ang laman ng plaggana.
Tumingin sakanya si Qiao Anhao na masayang nakangiti. "Siya si Nan Nan,
ang anak ni Brother Chen. Pumunta lang daw sa bukid ang mga magulang
niya kaya tinulungan ko siya noong nakita ko siyang nagbabasa."
Tumungo si Lu Jinnian habang nakatingin sa puting papel.
Halatang halata kung kailan tinulungan ni Qiao Anhao ang bata dahil doon
lang maayos ang pagkakasulat nito at noong magisa nalang itong nagsusulat,
naging tali-taliwas na ang direksyon ng tinta ng lapis.