webnovel

Lihim na karamay (8)

Redakteur: LiberReverieGroup

Sabay na natigilan sina Qiao Anhao at Xu Jiamu.

Dali-daling ngumiti si Xu Jiamu at nagtanong, "Anong problema, bro?"

Biglang nanlamig ang itsura ni Lu Jinnian at agad na ibinaling sa iba ang kanyang tingin nang makita niya ang mga kamay ni Xu Jiamu na nakapatong sa mga balikat ni Qiao Anhao. Iniabot niya ang telepono at matamlay na sinabi, "May tawag para sayo."

Inalis ni Xu Jiamu ang kanyang mga kamay mula sa mga balikat ni Qiao Anhao at kinuha ang telepono. Sinilip niya kung kanino nanggaling ang tawag pero bago niya ito sagutin, iniangat niya muna ang isa niyang kamay para kusutin ang kanyang ilong. "Ma…ayos lang ako. Sobrang naiinip na kasi ako sa bahay. Magkasama kami ni Qiao Qiao…"

Ipinasa ni Xu Jiamu ang telepono kay Qiao Anhao, na biglang kinabahan at hindi alam ang gagawin, at sinabi, "Gusto kang kausapin ni Mrs. Han."

Pagkakuha ni Qiao Anhao ng telepono, itinuro ni Xu Jiamu ang sabaw na niluluto niya sa kusina at naglakad para balikan ito. 

Itinapat ni Qiao Anhao ang telepono sakanyang tenga at sinabi, "Aunt Xu."

"Qiao Qiao, nakabalik ka na galing sa France?"

Sumagot si Qiao Anhao ng isang mahinang "mm" at muling nagsalita si Han Ruchu, "Pinatay ni Jiamu ang kanyang phone. Pati ikaw, tinawagan din kita pero hindi ka rin sumasagot."

Naalala ni Qiao Anhao na iniwan niya ang kanyang phone sa itaas at malumanay na sinabi, "Hindi ko po dala ang phone ko, may kailangan po ba kayo?"

"Wala naman, gusto ko lang kamustahin si Jiamu. Kakadischarge niya palang at kahit na maganda na ang kundisyon niya ngayon, sobrang hina pa rin ng katawan niya. Wag mo siyang hahayaang uminom ng alak…" Napakarami pang sumunod na sinabi ni Han Ruchu bilang pagbibilin niya kay Qiao Anhao.

Magalang na sumagot si Qiao Anhao sa bawat bilin nito.

Kahit na hindi talaga narinig ni Lu Jinnian ang mga sinabi ni Han Ruchu, tila naramdaman niya kung ano ang gusto nitong mangyari kaya biglang nabalot ng galit ang kanyang puso.

"Wag na po kayong magalala, sinisigurado ko po sainyo na babantayan at aalagaan ko si Brother Jiamu." Mahinahon ang boses ni Qiao Anhao hanggang sa tuluyan niyang tapusin ang usapan at ibaba ang telepono. Ibabalik niya na sana ang telepono nang biglang iangat ni Lu Jinnian ang kamay nito at sabihin, "Ibigay mo sa akin."

Iniangat ni Qiao Anhao ang kanyang ulo at tinignan ang mapayapang mga mata ni Lu Jinnian. Walang anumang emosyon na matatanaw sa magaganda nitong bantataw. Medyo nagalanagn pa noong una si Qiao Ahao pero bandang huli at ibinigay niya rin ang telepono kay Lu Jinnian. "Sige, ikaw ng bahala jan."

Walang imik na kinuha ni Lu Jinnian ang telepono bago siya kalmadong tumalikod at maglakad pabalik sa living room. Bakas sa kanyang tindig ang kasupladuhan at kayabangan, ngunit walang nakakaalam ni isa na kasalukuyang nagdurugo ang kanyang puso. 

-

Napakaramig pagkain ang inihanda ni Xu Jiamu para sakanilang dinner. Sabay-sabay na umupo ang lahat sa dining table at hindi pa man din sila naguumpisang kumain ay alam na nila na masasarap ang mga nakahain dahil sobrang presetable ng pagkakaayos ng mga ito, dagdag pa ang hindi maikakailang napakabangong amoy na mula sa mga ito kaya hindi na napigilan ng lahat na imugkahi ang iba't-ibang papuri sa mga gawa ni Xu Jiamu.

"Jiamu, sigurado ka bang mukha ang ipinaayos mo at hindi ang iyong cooking skills?"

Bago pa man maggising si Xu Jiamu, ipinakalat na ng Xu family na kukunin nila ang pinaka magaling na plastic surgeon sa buong mundo para muling ibalik ang dating itsura ni Xu Jiamu, para hindi na sila magkaproblema kapag dumating ang araw na ibabalik na ni Lu Jinnian kay Xu Jiamu ang tunay nitong pagkatao.

Tuluyan ng gumaling ang mukha ni Jiamu at kung ikukumpara sa dati, walang pinagkaiba ang kanyang itsura na para bang wala siyang pinagdaanan siyang aksidente.

"Tuluyan ka na ngang gumaling. Noong nasira ang mukha mo, hindi ka nagpapakita sa iba, ayaw mo ring lumabas ng bahay at wala kang tinatanggap na sinumang bisita!"

"Tara tara tara! Itaas natin ang ating mga baso para sa ating gwapong young master. Cheers!"

Nächstes Kapitel