Pareho silang natigilan at matapos ang halos kalahating minuto, muli nanaman silang sabay na nagsalita.
"Ano yun?"
"May problema ba?"
Idinagdag ni Qiao Anhao, "Mauna ka ng magsalita…"
Nagpatuloy rin si Lu Jinnian, "Mauna ka na…"
Pareho silang huminto at nagumiti dahil sakanilang chemistry.
Matapos ang ilang sandali, muling nagsalita si Lu Jinnian. "Mauna ka na."
Hindi kaagad nagsalita si Qiao Anhao. Imbes na makipagtalo, ngumiti lang siya at inilapat ang kanyang mga kamay sa lamesa. Umayos siya ng tindig at tumingin ng diretso sa mga mata ni Lu Jinnian. "Kung ganon, ako na ang mauuna."
Sumagot si Lu Jinnian ng isang mahinang "Yea" at inilapag ang kanyang chopsticks para tignan si Qiao Anhao.
Habang tinitignan ni Qiao Anhao ang napakagwapong itsura ni Lu Jinnian, hindi niya maintindihan pero parang may biglang bumara sakanyang lalamunan. Paulit ulit niya na ito nasabi sakanyang isipan, pero may ilang mga salita pa rin talaga na hindi niya kayang sabihin. Bago pa siya tuluyang makapagsalita, uniti-unti na siyang nabalot ng matinding kalungkutan.
Ilang beses na iginalaw ni Qiao Anhao ang kanyang dila pero hindi pa rin siya makapagsalita. Bandang huli, pinilit niya nalang ang kanyang sarili na ngumiti. Naiiyak nanaman siya pero gusto niyang pigilan ang kanyang mga luha kaya napakapit siya ng mahigpit sakanyang dibdib bago siya huminga ng malalim at muling tumingin kay Lu Jinnian.
"Nakalabas na si Jiamu kahapon."
Parang biglang nanghina si Lu Jinnian pero pinilit niya pa ring magmukhang normal at hindi inalis ang kanyang tingin kay Qiao Anhao. Tumungo siya para ipahiwatig na nakikinig siya at nagtanong, "Mas mabuti nab a ang lagay niya?"
"Mas mabuti na ang pakiramdam niya, pero kailangan niya pang magbed rest…" binigyan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian ng ilang detalye patungkol sa kundisyon ni Xu Jiamu. Pagkatapos niyang magsalita, pinilit niyang ngumiti ng mas masaya. Unti-unti nanamang namuo ang luha sa ilalim ng kanyang mga mata kaya nagbilang siya sa kanyang isip ng hanggang tatlo bago magpatuloy.
"Nakalabas na siya kahapon… Hindi mo na kailangang magpanggap bilang siya…" Medyo nanginginig ang boses ni Qiao Anhao habang nagsasalita at nahihirapan siyang ibuka ang namamanhid niyang mga labi. "At hindi na natin kailangang magpanggap bilang magasawa."
Nanatiling tahimik si Lu Jinnian habang pabigat ng pabigat ang kanyang loob habang pinagmamasdan si Qiao Anhao.
Iniangat ni Qiao Anhao ang kanyang kamay para takpan ang mukha niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim bago niya mabilisang punasan ang mga luhang hindi niya na napigilang tumulo sakanyang mukha. Muli niyang inilapag ang kanyang kamay sa lamesa at pinanatili niya pa rin ang masaya niyang ngiti. "Mula ngayon, tapos na rin ang deal natin."
Parang biglang naging estatwa si Lu Jinnian na nakaupo sa harapan niya.
Tinawag ko ang pangalan mo para sabihin sayo na…" Tumigil ng sadlit si Qiao Anhao para huminga ng malalim bago siya dahan-dahang magsalita na para bang napakabigat sakanya ng bawat salitang kanyang minumutawi, "Aalis na ako."
Pinipilit niyang pigilan ang kanyang mga luha na tumulo at medyo nanginginig ang boses niya habang nagsasalita. "Aalis na ako. Aalis na ako sa lugar na ito."
Anatiling hindi gumagalaw si Lu Jinnian.
Nabalot ng matinding katahimikan ang buong dining area, at unti-unting lumalamig ang kanilang mga kalooban.