webnovel

Paalam aking kabataan, paalam aking mahal (15)

Redakteur: LiberReverieGroup

Masyadong tahimik ang mansyon kaya kahit gaano pa kakapal ang mga pader, naririnig niya pa rin na kinakausap ni Lu Jinnian si Madam Chen.

Naririnig niya ang papalakas na papalakas na yabag ng mga paa nito hanggang dahan-dahang bumukas ang pintuan ng kanilang kwarto. Ipinikit ni Qiao Anhao ang kanyang mga mata at nagpanggap na tulog.

Biglang huminto si Lu Jinnian sa paglalakad. Pakiramdam niya ay huminto ito sa isang gilid para pagmasdan siya habang natutulog bago ito tuluyang pumunta sa CR. Matapos ang halos sampung minuto, muling lumabas itong at maingat na humiga sa kama para siguraduhing hindi siya magigising.

Naamoy ni Qiao Anhao ang sabon na humalo sa pamilyar na amoy ni Lu Jinnian. Bahagya niya itong sininghot at kakaibang ginhawa ang kanyang naradamdaman. Unti-unting nagluha ang mga mata niya hanggang sa tuluyan na itong pumatak sa kanyang unan.

Ang buong akala ni Lu Jinnian ay natutulog na si Qiao Anhao kaya hindi niya na ito inistorbo. Matagal silang nakahiga ng malayo sa isa't-isa pero noong sandaling makakatulog na sana siya, bigla naman itong humarap sakanya kaya bigla rin siyang naalimpungatan. Gulat na gulat niyang iminulat ang kanyang mga mata at mahinahon niya itong tinawag na halatang inaantok, "Qiao Qiao."

Hindi sumagot si Qiao Anhao at nakatingin lang siya ng diretso kay Lu Jinnian na nasisinagan ng liwanag na nanggaling sa nakabukas na ilaw ng CR.

Agad na nagising ang diwa ni Lu Jinnian. Itinukod niya ang kanyang siko para bahagyang maiangat ang kanyang katawan at nagtanong, "Bakit?"

Hindi na natapos ni Lu Jinnian ang kanyang tanong dahil bigla siyang sinunggaban ni Qiao Anhao na naging dahilan kung bakit muli siyang napahiga sa kama. Naguguluhan si Lu Jinnian sa naging pagkilos ni Qiao Anhao. Medyo nagbago ang kanyang itsura pero hindi siya nanlaban noong bigla siyang halikan nito.

Nakakailang ang naging paghalik ni Qiao Anhao, ganito rin ang nangyari noong unang beses na pareho silang nalasing. Dahil sa naging tama ng alak, sinunggaban niya rin si Lu Jinnian kagaya ng ginawa niya ngayon. Kinagat kagat niya ang mga labi ni Lu Jinnian at ang kanyang mga kamay ay walang tigil sa pagkapa sa mga damit nito pero dahil wala siyang sapat na lakas, hindi niya ito magawang hubaran at tanging ang dalawang butones lamang na nasa itaas ang nakaya niyang tanggalin. Mula sa nakalabas nitong balat, unti-unti niyang naramdamdaman ang mainit nitong dibdib…

Naguguluhan pa rin si Lu Jinnian pero bigla siyang nag'init dahil sa naging pagkilos ni Qiao Anhao. Ginawa niya ang lahat para pigilan ang kanyang sarili sa loob ng isang buwan, at ngayon na ito na mismo ang nagkusa, paano niya pa makokontrol ang kanyang sarili?

Matapos ang halos limang minutong pagkatuliro, niyakap ni Lu Jinnian ang bewang ni Qiao Anhao at inihiga ito sa kama. Idinikit niya ang kanyang katawan sa katawan nito at sabik na sabik niyang hinalikan ang mga labi nito habang ang kanyang mga kamay ay abala sa paghuhubad ng kanilang mga damit. 

Si Qiao Anhao lang ang babaeng ginagalaw niya at hindi rin nila ito masyadong ginagawa kaya maituturing pa siyang baguhan sa aspetong ito, at ang kanyang galaw ay base lamang sa nararamdaman niya.

Si Lu Jinnian lang ang lalaking hinahayaan ni Qiao Anhao na gumalaw kanya kaya malinaw na wala pa siya masyadong karanasan. Nahihiya siya at wala siyang sapat na lakas ng loob na ilabas ang tunay niyang saril kaya para siyang nagiging isang puppet na ginagawa nalang kung ano ang sasabihin ni Lu Jinnian kahit na naman hindi iyon ang gusto niya sanang mangyari.

Pero kahit na wala silang partikular na technique na ginamit, nagawa pa rin nilang umabot sa kasukdulan at pareho nilang naibigay ang panganagilangan ng bawat isa.

Habang malalim na ang gabi, wala ni isa sakanila ang gustong magsalita kaya tanging ang kanilang mga malalalim na hininga lamang ang maririnig habang patuloy nilang pinakikiramdaman ang pagmamahal na ipinaparating ng kanilang mga katawan.

Matapos ang isang buwan na pagtitiis, lalo lang silang naging sabik sa isa't-isa kaya hindi napigilan ang kanilang mga sarili na mas maging mapusok. Pagkatapos nila, para silang lumaban sa gera na nakahigang pagod na pagod.

Nächstes Kapitel