webnovel

Saan pa ba ako nagkulang? (6)

Redakteur: LiberReverieGroup

Pagkabalik na pagkabalik ni Qiao Anhao sa kwarto niya, nagmamadali siyang humiwa ng cake at naglagay ng isang malaking hiwa sa plato pero noong palabas na sana siya, biglang namang tumunog ang kanyang phone…

Ang tawag ay mula sa front counter. "Nandyan po ba si Miss Qiao Anhao?"

Hinawakan niya ang cake gamit ang isa niyang kamay at ang kanyang phone naman sa kabila. Yumuko siya sumagot, "Yes."

"Hello Miss Qiao, may dalawa kang deliveries na nandito ngayon sa front staff. Gusto niyo po bang ihatid ko na sainyo ngayon?"

Ang isa ay galing kay Qiao Anxia na gusto sana talagang ibigay ng personal kay Qiao Anhao pero hindi nangyari dahil kinailangan nitong pumunta ng biglaan sa ibang bansa kaya ipinadala nalang ito. At ang isang regalo naman ay… Medyo nagbago ang itsura ni Qiao Anhao, wala siyang ideya kung sino ang posibleng nagbigay ng ikalawang regalo pero dahil nagmamadali siyang bumaba para puntahan si Lu Jinnian, hindi na siya masyadong nagisip pa at mahinahong sinabi sa kanyang kausap, "Yes please, pasensya na kung naabala kita."

Pagkababa niya ng tawag, ibinilin niya kay Zhao Meng, na kasalukuyang kumakain ng cake, ang pagtanggap sa mga darating na deliveries. Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto pero nang sandaling maisara niya na ang pintuan, bigla siyang nagalangan kaya muli siyang pumasok. Ibinaba niya muna hawak niyang cake at nag'ayos ng kanyang buhok. Matagal siyang nakatingin sa salamin para siguraduhing maayos na ang kanyang itsura. Kumuha rin siya ng blusher at naglagay ng kaunti sakanyang pisngi. Nang makuntento na sa kanyang itsura, muli niyang kinuha ang cake at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

-

Dumiretso si Qiao Anhao sa tapat mismo ng kwarto ni Lu Jinnian na nasa pinaka mataas na palapag. Bago niya pindutin ang doorbell, kinuha niya muna ang kanyang phone para muling siguraduhin na maganda ang kanyang itsura pag nakita siya ni Lu Jinnian.

Ang assistant ni Lu Jinnian ang nagbukas ng pintuan. Nang sandaling makita niya si Qiao Anhao, mabilis siyang gumilid para padain ito. "Miss Qiao, pasok ka."

Naglakad si Qiao Anhao papasok sa kwarto na may dalang cake. Tinignan niya muna ang buong kapaligiran ngunit hindi niya nakita si Lu Jinnian sa living room kaya bigla siyang nagtanong sa assistant nito, "Nasaan si Lu Jinnian?"

"Nasa bedroom po si Mr. Lu." Itinuro ng assistant ang direksyon kung nasaan ang bedroom ni Lu Jinnian at kinatok ang pintuan. Medyo naghintay pa sila sa labas bago nila marinig ang mahinang boses ni Lu Jinnian, "Pasok." Nang marinig na ang sagot nito, dahan-dahang binuksan ng assistant ang pintuan.

Nakaupo si Lu Jinnian sa harap ng study table. Hindi manlang siya lumingon at nanatili pa rin siyang nakatingin sa screen ng kanyang computer na para bang wala siyang pakielam sa taong pumasok.

Sanay na ang assistant sa ugaling ito ni Lu Jinnian, kaya hindi na siya naghintay pa at nagsalita na, "Mr. Lu, nandito po si Miss Qiao."

Nang sandaling marinig ni Lu Jinnian na nandoon si Qiao Anhao, dali-dali siyang lumingon para makita ito, na saktong kakapasok lang din ng kwarto niya.

Masayang nakangiti si Qiao Anhao habang nasisinagan ang kanyang mukha ng kulay dilaw na liwanag na nanggaling sa paglubog ng araw. Tunay ngang nagmukha siyang diyosa dahil sa maganda niyang ngiti.

Ilang sandali ring napatitig si Lu Jinnian kay Qiao Anhao bago siya tumayo mula sa kanyang kinauupuan at mahinahong nagtanong, "Bakit ka nandito?"

Ngumiti si Qiao Anhao sa kanya at ipinakita nito ang hawak na malaking hiwa ng cake. "Nagpunta ako dito para dalhan ka ng cake."

Nagmamadaling itinabi ni Lu Jinnian ang mga nagkalat na dokumento sa kanyang lamesa para mabigyan ng espasyo ang paglalagyan ng plato.

Dahil ang assistant ang nag'order ng birthday cake ni Qiao Anhao, nalaman niyang birthday nito kaya hindi na siya nagdalawang isip pang batiin ito, "Happy Birthday, Miss Qiao."

Nächstes Kapitel