webnovel

Saan ba ako nagkulang? (3)

Redakteur: LiberReverieGroup

Tumingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian pero wala siyang sinabi. Nagbuntong hininga si Lu Jinnian at niyakap si Qiao Anhao para hindi na ito gumalaw pa. "Malalim na ang gabi, matulog na tayo."

Parang may kapanyarihan ang yakap ni Lu Jinnian dahil bigla nitong nakalma ang naguguluhang puso ni Qiao Anhao. Kahit na may namamagitan sakanilang mga damit, ramdam pa rin niya ang init ng katawan nito. Ang magaan sa pakiramdam na liwanag na nanggaling sa mga kandila, at ang tibok ng puso ni Lu Jinnian, na naririnig niya habang nakahiga siya sa braso nito, ang mga tuluyang nagbigay sakanya ng kapanatagan.

Hindi mapigilang isipin ni Qiao Anhao ang mga nangyari noong gabing iyon. Kahit na mukhang walang pakielam si Lu Jinnian sakanya, ramdam pa rin niya na sobrang nagaalala ito sakanya. Noong nagpunta sila sa Resplendent para magdinner, hinawakan nito ang kanyang kamay, binuhat rin siya nito pauwi, at higit sa lahat sinelebrate pa nito ang kanyang birthday….Ito ang mga bagay na hindi naman ginagawa sakanya ni Lu Jinnian noon.

Ano naman kaya ang dahilan kung bakit ito biglang nagbago?

Sa tagal niyang iniisip kung anong nangyari, hindi niya naiwasang isipin na… Hindi kaya nainlove na ito sakanya sa tagal nilang magkasama?

Bigla siyang naguluhan at hindi mapalagay kaya iminulat niya ang kanyang mga mata para tignan si Lu Jinnian.

Nakapikit na ang mga mata nito at kalmado rin ang itsura nito na mukhang nakatulog na ng mahimbing.

Makikita sa mukha ito na parang wala itong pakielam at masyadong mataas.

Habang tinitignan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian, muli siyang nakaramdam ng kakaiba. At ang pakiramdam na iyon ay palakas lang ng palakas, kaya noong hindi na talaga niya kayang pigilan ay ibinulong niya ang pangalan nito. "Lu Jinnian?"

Habang nakapikit si Lu Jinnian, gumawa muna siya ng bahagyang ingay bago niya iminulat ang kanyang mga mata.

Nang nakita ni Qiao Anhao na dumilat na si Lu Jinnian, bigla siyang hindi mapakali. Gusto niya sanang tanungin kung may gusto ito sakanya pero parang may bumara sa kanyang lalamunan. Noong medyo klumaro na ang kanyang isip, bigla niyang naalala ang sinabi nito na kahit sino pa man daw ang taong nagugustuhan nito, kahit kailan ay hindi magiging siya yun. Hindi kaya sinabi lang iyon sakanya ni Lu Jinnian para hindi niya ito mabuking?

Noong napansin ni Lu Jinnian na nakatingin lang sakanya si Qiao Anhao, biglang nagbago ang kanyang isip at nagtanong, "Anong meron?"

Matapos mahimasmasan ni Qiao Anhao, nanatili lang siyang nakatingin kay Lu Jinnian pero labis pa rin siyang naguguluhan kaya naisip niya na gumawa nalang ng palusot. "Pagod ka ba?"

Habang nakahiga sa kanyang braso ang taong pinakamamahal niya, sino ba namang matinong lalaki ang basta-bastang makakatulog nalang? Sumagot si Lu Jinnian, "Hindi naman" at hindi nagtagal ay muli siyang nagtanong, "Anong meron?"

"Hmm." Matapos ang ilang sandaling pananahimik ay muling nagsalita si Qiao Anhao, "Pwede ba akong magtanong?"

"Anong tanong," Mabilis na sagot nni Lu Jinnian.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Qiao Anhao. Napakapit siya ng mahigpit sa kumot bago niya bigkasin ang kanyang tanong, "Saan ba ako nagkulang?"

Nagulat si Lu Jinnian sa naging tanong ni Qiao Anhao kaya hindi sya nakapagsalita.

Para sakanya, si Qiao Anhao ang pinaka perpektong nilalang sa buong mundo.

Habang tumatagal ang pananahimik ni Lu Jinnian, lalo pang lumalala ang pagkanerbyos na naramdaman ni Qiao Anhao kaya naisip niyang ipaliwanag ang kanyang tanong, para mabawasan ang tension. "Parang ganito kasi…nasabi sakin ni Jiamu na may nagugustuhan ka raw."

Nächstes Kapitel