Medyo malayo ang hinintuan ng sasakyan nila at dahil gumagawa rin sa kabilang kalsada, hindi nila marinig ang pinaguusapan ng dalawa pero kung sa itsura ibabase, halatang nagkakatuwaan ang mga ito.
Hindi na napigilan ng katulong na magsalita, "Mukhang maganda po ang relasyon ni Miss Anhao sa bastardong 'yun. Si Miss Anhao ang mahal ng young master, at ngayon na nagising na siya…"
Habang nagsasalita ang katulong, saktong tumingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian na may matamis na ngiti kaya bigla siyang napaapak sa preno.
Medyo matagal na nakahinto ang sasakyan sa kalsada bago muling nagsalita ang katulong, "Sa tingin mo ba nagkakagusto na si Miss Anhao sa bastardo? Kung manyayari yun, paano na ang young master?"
Biglang natigilan si Han Ruchu sa nakita niya. Matagal siyang nakatitig kay Lu Jinnian na pasan si Qiao Anhao habang naglalakad bago niya ibaling ang kanyang tingin sa iba. Ang katulong naman na nasa drivers seat ay naiinis na sinabi, "Puro kabutihan lang ang ipinakita ng young master sa bastardong iyon. Bakit ganyan pa ang igaganti niya sa young master…"
Matapos marinig ni Han Ruchu ang sinabi ng katulong, lalo pang napuno ng galit ang kanyang itsura at bigla siyang nagsalita para patigilin ito sa kung ano mang binabalak nitong sabihin, "Start the car."
Umalis na ng tuluyan ang sasakyan.
-
Medyo matagal ng naguusap si Qiao Anhao at Lu Jinnian at pareho na silang nakaramdam ng pagod kaya dumating sa punto na huminto na sila sa pagsasalita. Ipinikit ni Qiao Anhao ang kanyang mga mata habang nasa likod ni Lu Jinnian.
Ang dahan-dahang paghinga ni Qiao Anhao ay tumatama sa leeg ni Lu Jinnian kaya bigla itong may naramdamang kakaiba kaya medyo nahirapan itong humakbang.
Pero agad ding nahimasmasan si Lu Jinnian matapos umihip ng malamig na hangin. Sinubukan niyang kalmahin ang init na dumedemonyo sa kanyang puso at naglakad ng mas mabagal kumpara noong una.
Mas naging maganda ang pakiramdam ng bawat isa noong hindi na sila naguusap dahil pareho silang nabalot ng kapayapaan at katahimikan.
Nakarating na sila sa kanilang bakuran at kahit na gusto pa sanang pahabain ni Lu Jinnian ang kalsada para mas matagal pa silang makapaglakad, wala na siyang magagawa dahil ito na ang dulo.
Dahil katatapos lang umulan, maraming bulaklak ang nalagas sa bakuran at may ilan pa sa mga ito ang dumikit sa hita ni Lu Jinnian.
Noong nasa may pintuan na sila, pipindutin na sana ni Lu Jinnian ang doorbell pero naunahan siya ni Madam Chen at binuksan na nito ang pintuan. "Mr. Lu, Missus."
Tumungo lang si Lu Jinnian bilang pagbati.
Si Qiao Anhao naman nasa likod ni Lu Jinnian ay kumurap at tinawag ito, "Madam Chen."
Pagkapasok nila ng mansyon, wala pa ring balak si Qiao Anhao na bumaba at wala ring balak si Lu Jinnian na ibaba ito kaya patuloy niya itong binuhat habang naglalakad papasok. Si Madam Chen na ang nagpalit ng tsinelas ni Qiao Anhao habang si Lu Jinnian naman ay nagpalit din ng sarili niyang tsinelas. Nang makarating na sila sa ibaba ng hagdanan, tumingin siya kay Qiao Anhao, na nakapasan pa rin sakanya, na para bang may bigla siyang naalala at sinabi, "Nakauwi na tayo."
Alam ni Qiao Anhao na ang ibig sabihin ng sinabi ni Lu Jinnian ay kailangan niya ng bumaba. Mabigat ang loob niya dahil ayaw niya pa sanang bumaba pero matapos ang limang segundo ay nagsalita siya, "Ibaba mo na ko."
Ibinaba ni Lu Jinnian kanyang katawan ng hindi nagsasalita at dahan-dahang bumaba si Qiao Anhao.
Sinabi ni Lu Jinnian, "Pupunta ako sa CR. Umakyat ka muna at tulungan mo akong magbukas ng shower."
Tumungo si Qiao Anhao at nagmamadaling tumakbo paakyat ng hagdanan.
Masayang nakatingin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao hanggang sa makaakyat ito. Pagkatapos ay tumingin siya kay Madam Chen at agad naman nitong naintindihan ang gusto niyang sabihin kaya tumakbo ito papunta sa kusina.
Nakapatay ang mga ilaw sa kwarto nila kaya pagkatulak ni Qiao Anhao ng pintuan, agad niyang kinapa ang light switch. Pero bago pa man din niya ito mapindot, laking gulat niya dahil may ilaw na siyang naaninag sa loob. Kumunot ang kanyang mga kilay at noong maglalakad na sana siya papasok ay bigla siyang napahinto sa gulat….