Hindi na nagsalita ang assistant at pinagmasdan nalang nito ang sunod-sunod na paghithit ni Lu Jinnian. Kalmado lang ang itsura ni Lu Jinnian noong mga oras na iyon pero ramdam pa rin sakanya ang matinding pagaalala at walang kapantay na pagmamahal.
Hindi alam ng assistant kung anong dapat niyang sabihin noong mga sandaling iyon. Alam niyang maraming tao sa mundo ang nakakagawa ng mga pagkakamali at handa silang gawin ang lahat para lang maitago ang nagawang kasalanan dahil para sakanila, ito lang ang paraan para hindi sila kamuhian ng ibang tao, samantalang si Mr. Lu ay nagdesisyong itago ang katotohanan dahil masyado itong masakit.
Ilang sadali ring walang nagsasalita sa kanilang dalawa hanggang sa mahimasmasan na ang assistant mula sa pagiisip ng malalim. Binasag niya ang katahimikan nang muli siyang magsalita, "Mr. Lu, kung wala na kayong idadagdag, mauuna na ako sa office."
Tungo at isang "mm" lang ang naging sagot ni Lu Jinnian. Yumuko ang assistant bilang paggalang bago siya umalis.
-
Alas tres na ng hapon noong nagising si Qiao Anhao.
Halos labing-walong oras siyang nakatulog kaya noong oras na imulat niya ang kanyang mga mata, kulang-kulang ang mga naalala niya at hindi niya rin ito magawang pagdugtong-dugtungin.
Matagal pa siyang nanailiting sa kanyang kinahihigaan bago niya mapansin na kasalukuyan siyang nasa kwarto nila sa Mian Xiu Garden at doon niya unti-unting naalala na nanunuod siya ng TV bago siya makatulog.
Tinignan niya ang orasan at napagtanto niyang alas tres na pala ng hapon. Ganun talaga kahaba ang naging tulog niya?
Dahil gulat na gulat siya, sinubukan niyang tumayo pero bigla niyang naramdaman na sobrang nanghihina ang buong katawan niya na para bang wala ng natira kahit kapiranggot na lakas sakanya.
Napakunot siya ng kanyang mga kilay dahil naramdaman iya na parang may mali sa kanyang katawan; sobrang daming lakas ang nawala sakanya. Gayunpaman, pinilit niya pa ring hawiin ang kumot at bumangon sa kama.
Siya lang ang tao sa loob ng kwarto at nakasarado ang mga bintana pero pumapasok pa rin naman ang liwanag na nanggaling sa araw.
Dahan-dahan niyang iniapak ang kanyang mga paa sa malambot na carpet at lumabas ng kwarto. Nakapaa siyang naglakad sa malamig na sahig papuntang hagdanan para tawagin ang taong nasa baba, "Madam Chen?"
Masyadong matagal siyang nakatulog kaya medyo magaspang pa ang kanyang boses. Sinubukan niyang sumigaw ngunit masyado talaga itong mahina kaya tumikhim muna siya bago muling subukan, mas malakas na sa pagkakataong ito. "Madam Chen!"
Hindi niya alam kung bakit hindi siya pinupuntahan ni Madam Chen pero napansin niyang nakabukas ang pintuan ng study room na malapit lang sa kanyang kinatatayuan.
Pagtingin ni Qiao Anhao sa direksyong iyon, nakita niyang lumabas su Lu Jinnian. Bigla siyang natigilan dahil hindi niyang alam na umuwi ito. Kumunot ang mga kilay ni Lu Jinnian at lumapit sakanya ngunit hindi niya inaasahang hahawakan nito ang kanyang kamay. Mahinahon itomg nagtanong sakanya, "Bakit mo hinahanap si Madam Chen?"
Nabigla si Qiao Anhao sa mga ikinilos ni Lu Jinnian. Kinurap niya ang kanyang mga mata at sumagot. "Nauuhaw ako."
Tumingin si Lu Jinnian sa direksyon ng hagdanan at sumigaw, "Madam Chen."
Di hamak na mas malakas ang boses nito kaysa sakanya kaya napakaripas ng takbo si Madam Chen mula sa kwarto nito na nasa first floor. "Mr. Lu, anong kailangan ninyo?"
Matapos magtanong ni Madam Chen, laking gulat nito nang makitang hawak ni Lu Jinnian ang kamay ni Qiao Anhao kaya bigla itong nagtanong, "Missus, gising ka na pala?"
"Kumuha ka ng isang basong tubig at iakyat mo rito." Walang emosyong sagot ni Lu Jinnian kay Madam Chen. Hindi niya binitawan si Qiao Anhao bagkus, sinabayan niya itong maglakad pabalik sa kwarto para muli itong ihiga sa kama. Kinumutan niya ito at sinabi, "Mahina pa ang katawan mo ngayon, kaya kailangan mong matulog ng marami."
Habang pinakikinggan ang mga sinasabi ni Lu Jinnian, naramdaman ni Qiao Anhao na parang may kabag ang kanyang tiyan at nakasuot rin siya ng sanitary pads.
Biglang dumating ang period niya habang natutulog siya?