webnovel

Gumalaw na si Xu Jiamu (17)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Ito ang latest bracelet design ng Chanel, tama? Limited edition yan, hindi nga ako nakakuha ng kahit isa manlang eh."

Hindi masyadong kilala ni Qiao Anhao si Madam Lin, at hindi rin siya masyadong komportable na may ganun kalapit sakanya, pero dahil sa respeto, hindi niya hinila ang kamay niya at ngumiti nalang.

"Noong una kong nakita ang photo ng bracelet, nagandahan talaga ako, pero ngayon na nakakita na ko sa totoong buhay, I'm really impressed. Pero di hamak naman na mas maganda ang maputi mong balat kaysa sa akin," papuri ni Madam Lin. Medyo matagal din itong nakatingin sa sa bracelet niya bago nito binitawan ang kanyang kamay at saka tumingin kay Han Ruchu.

Tumingin rin si Han Ruchu kay Madam Lin at ilang segundo rin silang nagkatinginan bago ito yumuko para humigop ng flower tea. Dahan-dahang ibinaba ni Han Ruchu ang ang kanyang tsaa sa lamesa at malumanay na sinabi kay Qiao Anhao, "Qiao Qiao diba sabi mo gusto mong bumisita sa mansyon ng mga Qiao? Sasabihan ko si Auntie Yun na maghanda ng ilang tonics para madala mo."

Agad na nainitindihan ni Qiao Anhao na gustong masolo ni Han Ruchu si Madam Lin, kaya hindi na siya nagtagal at nagpaalam ng aalis na siya sa mansyon ng mga Xu dala ang mga regalong ipinabaon sakanya ni Han Ruchu.

Matapos maihatid sa labas si Qiao Anhao, muling bumalik ang mayordoma para sabihin kay Han Ruchu, "Mrs. Xu, nakaalis na po si Miss Anhao."

Tumungo si Han Ruchu at tumingin sa mga katulong na nakapalibot. Naintindihan ng mayordoma na ang gusto niyang mangyari ay iwanan muna sila ng mga ito.

Nagtanong si Han Ruchu kay Madam Lin, "Sister Lin, kamusta?"

"Ruchu, naramdaman ko ang pulso niya at sigurado akong buntis siya. Siguro dahil medyo natagalan ang pagkakahawak ko sakanya, parang nakahalata siya kaya hindi ko malaman kung kailan siya eksaktong nabuntis. Pero siguro nasa mga two months old palang yun." Sadlit na napahinto si Madal Lin bago muling magsalita, "Hindi ba ito magandang balita? Bakit mukhang hindi ka excited?"

Nanatiling kalmado si Han Ruchu, ngumiti nalang siya para maitago ang kanyang nararamdaman at dahan-dahang humigop ng kanyang flower tea. Pagkatapos ay muli niyang itinaas ang kanyang ulo at sumagot, "Sister Lin, pretend nothing happened."

Napansin ni Madam Lin na nanlilisik ang mga mata ni Han Ruchu kaya pinigilan nalang nitong mangusisa at tumungo nalang ito. "Sure, magpapanggap nalang akong walang alam tungkol dito."

Muling ngumiti si Han Ruchu bilang senyas kay Madam Lin na uminom rin ito ng tsaa.

May kailangan ring puntahan si Madam Lin sa Chinese Hospital noong hapong iyon kaya hindi nagtagal ay nagpaalam na rin siya. Nakatayo lang si Han Ruchu sa may pintuan at pagkaalis ni Madam Lin ay agad siyang naglakad papasok ng bahay.

Dumiretso siya sa second floor at sinundan siya ng mayordoma. Isinara nito ang pintuan at tumayo sa tabi niya. Hindi na ito nakapagpigil at nagtanong na ng mahina sakanya, "Mrs. Xu, buntis ba talaga si Miss Anhao?

Nagawa niyang manatiling kalmado sa harap ni Madam Lin pero ngyaon ay bigla siyang naging seryoso at sumagot sa mayordoma, "Yea."

"Sino ang ama ng bata?" Biglang nagbago ang itsura ni Han Ruchu matapos niyang marinig ang tanong ng mayordoma. "Sa tingin mo ba kay Lu Jinnian iyon?"

Hindi nagsasalita si Han Ruchu at lalo pang dumidilim ang kanyang paningin.

Hindi nagtagal ay muli nanamang nagtanong ang mayordoma, "Mrs. Xu, anong balak mong gawin? Hahayaan mo nalang bang maipanganak niya ang bata?"

Biglang nanikip ang dibdib ni Han Ruchu kaya kumaway siya sa mayordoma na tila ba ipinapakita niyang naiirita na siya. "Lumabas ka mua. Kailangan kong mag-isip."

Nächstes Kapitel