webnovel

Tignan mong maigi kung sino ako (10)

Redakteur: LiberReverieGroup

Medyo matagal na nablangko si Lu Jinnian matapos tumawag sakanya ni Xu noong sumunod na araw.

Alam niya na baka magkita sila ni Qiao Anhao kaya sobrang naguluhan ang kanyang puso; iniisip niya kasi na magkikita nga sila pero hindi niya naman magagawang tignan ito pero bandang huli, parang may kakaibang puwersang nagkumbinsi sakanya na pumunta pa rin.

Dalawang buwan palang silang hindi nagkikita ni Qiao Anhao pero para sakanya ay sobrang tagal na nito.

Hindi sila nagusap ni Qiao Anhao noong gabing iyon. Nakaupo lang ito sa tabi ni Xu Jiamu at mas lalo niya pang nakikitang bagay talaga ang dalawa habang tumatagal na nakikitang niyang magkasama ang mga ito. Hindi niya na napansing nakarami na pala siya ng inom kaya humiga muna siya sa sofa dahil nahihilo na siya. Hindi nagtagal, parang naaninag niya papalapit sakanya si Qiao Anhao, pero hindi siya sigurado dahil medyo lumabo ang paningin niya gawa ng kanyang kalasingan.

Madalas nangyayari ang ganung kalaseng ilusyon sa tuwing nalalasing siya pero noong oras na iyon, para talagang makatotohanan ang lahat dahil naamoy niya rin ang pabangong si Qiao Anhao lang ang mayroon.

Dahil lasing na siya, lalo lang siyang naging bangag sa naamoy niyang pabango na para bang narinig niya itong umamin kung sino ang taong nagugustuhan nito na sinagot niya rin naman kung sino rin ang nagugustuhan niya. Bandang huli, narealize niya na malaking kalokohan lang ang lahat dahil matapos niyang mahimasmasan ay wala naman pala ito sa tabi niya.

Yun na din ang naging huli nilang pagkikita. Noon, nagkikita sila ng isang beses sa dalawa hanggang tatlong buwan na naging higit sa kalahating taon, na naging isang taon hanggang bandang huli ay hindi na talaga sila nagkita pang muli…

Ang sumunod nilang pagkikita ay noong nagkaroon ng car accident si Xu Jiamu. Hindi niya napaghandaan ang magiging ugali kung sakaling magkita man sila ni Qiao Anhao. Noong gabing kinasal sila, klinaro sakanya ni Qiao Anhao na hindi ito makikielam sa buhay niya at hindi siya iistorbohin nito. Sisiguraduhin din daw nitong walang kahit sinong makakaalam ng tungkol sa relasyon nila.

Kay Qiao Anhao na mismo nanggaling ang mga gusto nitong mangyari at hindi niya na rin alam kung ano pang isasagot niya kaya bandang huli ay sinabi niya nalang na "Mabuti pa tandaan mong maigi ang mga sinabi mo" para lang hindi siya mapahiya.

Wala na siyang pakielam sa moralidad noong mga panahong iyon kaya kahit alam niyang substitute lamang siya ay hinayaan niya pa ring tumira si Qiao Anhao sa kanyang mansion. Magkatabi rin silang natutulog pero hindi niya ito sinubukang galawin.

Paulit ulit niyang ipinipilit sakanyang sarili na hindi na niya gusto si Qiao Anhao dahil ito lang ang tanging paraan para makapagpanggap siyang wala halaga sakanya ang lahat at magawa niya pa ring makauwi sa mansyon niya. Hinahayaan niya lang itong matulog sa kanyang kama na para bang nagshushoot lang sila ng isang pelikula.

Lagi niyang itinatatak sa kanyang isip na walang kahit anong namamagitan sa kanila at sa oras na magising na si Xu Jiamu ay tapos na rin ang kanyang trabaho at kailangan niya na ring umalis sa buhay ni Qiao Anhao.

Pero dumating ang isang gabi na si Qiao Anhao na mismo ang unang gumawa ng paraan…Akala niya nanaginip lang siya…Habang papalapit ito sakanya, may kakaiba siyang nararamdaman na para kaya bandang huli ay hindi na talaga siya nakapagpigil at itinulak niya na ito papunta sa kama.

Pagkagising niya kinabuhasan, nalaman niyang hindi pala panaginip ang nangyari.

Halo halong emosyon ang bigla niyang naramdaman noong oras na iyon. Dali dali siyang nagpunta sa CR para tanungin ito.

Nalaman niyang yun pala ang unang beses ni Qiao Anhao kaya biglang pumasok sa isip niya na baka naman may kapalit ang nangyari sakanila at tama nga siya dahil hiniling nga ni nito na magig oarte ng "To the End of Time."

Noong nagumpisa ito sa entertainment industry, nalaman niya kay Qiao Anxia na ginagawa lang pala ito ni Qiao Anhao bilang libangan.

Naisip niya na pwede naman itong maging female lead kung lalapit ito sa Xu family para makapaginvest ang mga ito. Hindi na nito kailangan pang gamitin ang pinakaiingatang virginity ng mga babae bilang kapalit lang ng isang minor role kasi kung iisipin parang masyado naman atang malaki at ibinigay nito.

Pero kahit ano pa mang rason ni Qiao Anhao kung bakit nito hinayaang may mangyari sakanila, alam niya pa rin sa sarili niya na hindi yun dahil mahal siya nito.

Nächstes Kapitel