Nang medyo malapit na si Qiao Anhao, nakita niya na may hawak si Lu Jinnian na sigarilyo sa isa nitong kamay at sa kabila naman ay isang bagay na mukhang pen. Nakatitig lang si Lu Jinnian sa bagay na ito. Sino bang nakakaalam kung anong iniisip nito…
Napakagat si Qiao Anhao sa kanyang labi at patuloy na naglakad papunta sa kinatatayuan ni Lu Jinnian.
Nang maramdamang may papalapit, biglang napalingon si Lu Jinnian na kanina pa nakatulala. Tumingin siya ng walang kabuhay-buhay kay Qiao Anhao at dali-daling niyang inilagay ang pen sa bulsa ng kanyang pantalon bago niya pagalit na sinabihin, "Sinong nagpapasok sayo?"
Matagal na noong huling kinausap ni Lu Jinnian si Qiao Anhao ng ganoon kacold ang tono.
Hindi alam ni Qiao Anhao kung paano magrereact kaya medyo kinabahan siya. Napatingin siya kay Lu Jinnian at nakita niya na galit na galit nitong itsura. Nadismaya siya at biglang nakaramdam ng nerbyos at pagkatakot.
Napahawak siya ng mahigpit sa gift box na nasa kanyang mga kamay at napalunok. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ibinigay ito kay Lu Jinnian habang malumanay na sinasabi, "Para sayo ito."
Matapos sabihin ni Qiao Anhao ang tatlong salitang ito, narealize niya na sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso.
Parehong-pareho ang naramdaman niya noong oras na yun at noong hawak niya ang love letter na isinulat niya habang bumabyahe papunta sa Hangzhou para hanapin si Lu Jinnian. Kinakabahan, hindi mapakali, ninenerbyos, mapusok… kaya nabasa ng pawis galing sa kanyang mga palad ang pambalot ng regalong hawak niya.
Pagalit na lumingon si Lu Jinnian at nakita niya ang kulay asul na gift box na hawak ng maliliit at maseselan na mga kamay ni Qiao Anhao. Kumunot ang kanyang mga kilay at naguguluhang tinignan si Qiao Anhao pero bandang huli, hindi siya nagpakita ng kahit anong intensyong kunin ito.
Hindi na alam ni Qiao Anhao kung ilang oras na ang nakakalipas pero medyo nangangawit na siya dahil nakataas pa rin ang kanyang mga kamay habang hawak ang regalo. Lalo pa tuloy siyang hindi mapakali at hindi niya napigilang silipin ito. Tumingin siya sa malalamig nitong mga mata, ang mga ito ay parang snow na libo-libong taon ng hindi natutunaw, na natitig sa kanya.
Medyo nanginginig ang mga daliri ni Qiao Anhao habang hawak ang regalo. Umatras siya at mahinang sinabi, "Happy Birthday." Pero kahit na mahina ang kanyang boses, malinaw itong narinig ni Lu Jinnian.
Hindi makagalaw ang maganda at walang emosyong katawan ni Lu Jinnian habang nakatitig sa mga mata ni Qiao Anhao. Sa sobrang gulat, hindi siya sigurado kung tama ba ang kanyang narinig kaya matapos ang ilang sandali ay walang kabuhay-buhay siyang nagtanong, "Anong sabi mo?"
Simula noong makauwi si Lu Jinnian sa bahay, ito ang kauna-unahang beses na sinabi nito at kahit apat na salita lamang ang mga ito, tunay ngang napakalma nito ang buong katawan ni Qiao Anhao.
Medyo mas naging matapang siya at tumingin sa walang emosyong mukha ni Lu Jinnian bago ulitin ang mga salitang kanyang sinabi, "Happy Birthday."
Huminto siya at dinagdagan pa ito ng dalawa pang salita. "Happy Birthday to you!"
Dalawang beses na sinabi ni Qiao Anhao ang salitang "Happy Birthday", kaya nakumpirma ni Lu Jinnian na tama ang kanyang narinig.
Happy birthday…Dalawang simpleng salita pero para kay Lu Jinnian, kakaiba ang mga salitang ito.
Kung iisipin kasi, matagal na noong huling beses na narinig ni Lu Jinnian ang dalawang salitang ito, siguro nasa seventeen or eighteen year ago na rin?
May gusto sanang sabihin si Lu Jinnian pero parang may nakabara sa kanyang lalamunan. Ibinuka niya ang kanyang bibig pero walang lumalabas na boses mula rito.