Wala naman masyadong photos ang mga photo album ni Qiao Anhao pero may isa roong nakakuha ng kanyang atensyon.
Ito ay photo ng isang lalaki at isang babae. Ang babae ay si Qiao Anhao at ang lalaki naman ay parang si Lu Jinnian.
Napahinto si Qiao Anxia ng halos limang minuto. Pinalakihan niya ang photo at napansin niya na kinuhaan ito sa kama. Nakapikit ang mga mata ni Lu Jinnian na mahimbing na natutulog habang yakap si Qiao Anhao na nasa may bandang dibdib nito.
Bakas sa mga mata ni Qiao Anhao ang lambing. Ang photo ay kinuhaan sa may bandang itaas ng dibdib nito kaya walang malaswang makikita pero halatang halata ang isang madiin na kiss mark sa maputi at maganda nitong collarbone, na nagpaintindi sakanya kung talagang anong meron sa photo.
Alam ni Qiao Anxia na kahit kailangan ay hindi na niya makakalimutan ang nakita at naramdaman niya noong sandaling iyon. Gulat na gulat at hindi siya makapaniwala. Pero imposibleng hindi siya maniwala sa nakita niyang photo sa phone screen at ang chat log sa Taobao ni Qiao Anhao.
Halos isang minutong nablangko si Qiao Anhao nang may biglang pumasok sa kanyang isip –may nangyako kina Qiao Anhao at Lu Jinnian.
Paano nangyaring may nangyari sakanila? Kailan ito nangyari?
Habang nagiisip si Qiao Anxia, tinignan niya kung kailan ito kinuhaan at narealize niya halos dalawang buwan palang ang nakakalipas nang mangyari yun…
Kaya naman pala biglang binitawan ni Lu Jinnian ang kanyang status bilang second male lead. Kaya naman pala agad agad napapayag ni Qiao Anhao si Lu Jinnian na ilibre sila. Kaya rin pala nayaya niya si Lu Jinnian ng dinner dahil nabanggit niya na pupunta si Qiao Anhao…
So dati palang, may sikreto na talagang nangyayari sakanilang dalawa.
Kasal si Qiao Anhao kay Xu Jiamu. Bakit may nangyayari pa sakanila ni Lu Jinnian? Kapag nalaman ito ng mga fans at ni Xu Jiamu, ano nalang ang mangyayari? At pag nangyari yun, siguradong magaaway ang magkapatid? At isa pa ang Qiao Family at ang Xu Family ay nagkaroon ng arrange marriage. Dahil ba dito, masisira ang magandang pinagsamahan ng dalawang pamilya? At isa pa, siguradong malilintikan si Qiao Anhao kapag nalamang natulog siyang may kasamang iba…
Biglang nanlamig ang likod ni Qiao Anxia at hindi niya maisip kung anong mukhang ihaharap ni Qiao Anhao sa mga kaibigan at pamilya nito pag dating ng araw na iyon…
Matapos ang halos fifteen minutes, may isang waitress ang lumapit para magtanong kay Qiao Anxia kung gusto niya pang uminom. Dahil dito, biglang nahimasmasan si Qiao Anxia at nakangiting umiling. Hinintay niya munang makaalis ang waitress bago niya ibinalik ang phone ni Qiao Anhao sa original na posisyon nito.
Sobrang daming naglalaban sa isip ni Qiao Anxia. Kinuha niya ang kutsara para haluin ang kanyang kape at nang nag-umpisa na itong magfoam up ay bumalik na rin sa wakas si Qiao Anhao.
"Sorry kung natagalan ako. Medyo marami kasing tao," mahinhin na sabi ni Qiao Anhao habang nakangiti.
Iniangat ni Qiao Anxia ang kanyang ulo at tumingin sa inosenteng mukha ni Qiao Anhao. Hindi makapaniwala na ang babaeng ito ay nagtataksil sa asawa. Pinilit niyang ngumiti rito habang sinusubukang kalmahin ang kanyang sarili at sinabi, "Kakatawag lang pala ni Lu Jinnian. Nasa parking lot na daw siya sa baba at sabi niya na pumunta na raw tayo kaagad pagkabalik mo galing CR."
"Oh?" sagot ni Qiao Anhao. Binuksan niya ang kanyang call log at nakita niya ngang maraming beses na tumawag si Lu Jinnian pero isa lang ang nasagot. Muli niyang itinaas ang kanyang ulo at ngumiti kay Qiao Anxia, "Tara baba na tayo."