webnovel

Will You Always Love Her? (1)

Redakteur: LiberReverieGroup

Nang makita ito, namutla bigla ang mukha ni Qiao Anhao. Nakagat niya ang kanyang labi at nagtanong ng may mahinang boses, "Nakuha mo ba ang injury mo noong iniligtas mo ako?"

Nagfifilm sila ng modern drama, kaya walang kahit anong fighting scenes. Ang pwedeng rason lang kaya siya nagkaroon ng injury ay dahil sinalo niya ito noong nalaglag ito sa swing.

Biglang naalala ni Qiao Anhao yung tingin sakanya ni Lu Jinnian noong araw yun. Ang mga matang yun ay puno ng takot at pagaalala. Pero, bigla ring nagbago ang mukha nito, kaya hindi rin siya ganoon kasigurado. Sa loob loob niya, medyo nagdududa siya rito pero ngayon na nakikita niyang may injury ito sa likod, ang pagdududa at sakit na sinubukan niyang kalimutan,ang dati niyang nararamdaman ay biglang bumalik…

Si Lu Jinnian…siya ba … ay nag-alala sa nararamdamdaman ni Qiao Anhao? Kasi, bakit nito isasakripisyo ang sarili niya para mailigtas siya?

Naguguluhan ang puso ni Qiao Anhao. Ang sabi ng kutob niya ay tama ang iniisip niya, pero natatakot din siya na baka sobra lang siyang nag-iisip ng mga bagay-bagay. Matagal niya na itong pinagisipan pero bandang huli ay dahan-dahan nalang siyang tumingin sa kay Lu Jinnian. Pinag-isipan niyang mabuti ang tanong niya at sinabi, "Noong araw na yun, bakit mo ako iniligtas?"

Medyo nanginig ang mga daliri ni Lu Jinnian noong subukan niyang hawakan ang mga kamay ni Qiao Anhao. Hinawakan niya ng mahigpit at agad binitawan… binitawan at muli nanamang hinawakan ng mahigpit. Sa huli, nalaglag siya sa kama ng hindi gumagawa ng kahit anong ingay. Sa ilang sandaling hindi siya nagsalita, pumikit siya at sinubukang itinago ang kanyang emosyon, walang kagana-gana niyang sinabi, "Kapag may nangyaring masama sayo sa set, hindi ko alam paano magpapaliwanag kay Xu Jiamu."

Bakit siya ililigtas nito? Mahal na mahal siya nito at paano niya naman hahayaang makita niyang nasasaktan ito?

Naisip niya…ito na siguro ang magiging pinakamalungkot na pwedeng mangyari. Sobrang nagaalala siya rito, kaya naging sobrang matapang siya. Pero gumagawa siya ng excuse para hindi mahalatang nag-aalala siya.

So kaya siya iniligtas nito ay dahil kay Brother Jiamu… Nadisappoint si Qiao Anhao, pero sumagot pa rin siya ng "Oh" para magmukhang naintindihan niya.

Hindi umimik si Lu Jinnian.

Matapos manahimik ng matagal, naalala ni Qiao Anhao kung bakit siya nandoon. Tinignan niya ang sugat sa likod ni Lu Jinnian. Gusto niya sanang hawakan pero natatakot siya na baka masaktan ito. Sa huli, ibinaba niya nalang ang kanyang kamay at tinanong, "Hindi ba masakit?"

Napahawak ng mahigpit si Lu Jinnian sa kumot.

Hindi ba masakit?

Ito ay mga simpleng salita, ngunit para sa kanya, ito ang mga salitang matagal niya ng gustong marinig.

Dahil nagkaroon siya ng bone marrow transplant noong bata pa siya, ang kalusugan niya ay naging sobrang mahina. Pagkamatay ng kanyang nanay, paano naman maalagaan ng isang sampung taong gulang na bata ang kanyang sarili kaya lagi siyang sinisipon o nagkakalagnat.

Noong pumunta siya sa clinic, nakikita niya ang ibang bata na tinatrato na parang gems ng kanilang mga magulang, habang siya ay laging walang kasama. Noong bata siya ay uhaw siya sa atensyon. Kahit na sinabi ng nanay niya sakanya na walang maitutulong ang tatay niya ang ang Xu family sakanya ay pumupunta pa rin siya apartment nila sa tuwing nilalagnat siya. Umaasa siya na makakakuha ng konting atensyon mula sa tatay niya. Para lang makita niya ito, naghintay siya ng matagal sa labas ng pintuan pero nang makarating na ito ay pagalit itong nagtanong habang nakakunot ang mga kilay, "Sinong nagsabi sayo na pwede kang pumunta rito? Alis!

Nächstes Kapitel