webnovel

Ang pinakamagandang pag-amin gamit ang hand signs (3)

Redakteur: LiberReverieGroup

Nagkatitigan sila ng 10 segundo bago sumigaw ng ang direktor, "Magaling, hindi na masama. Handa niyo na yung susunod na eksena!"

Nang marinig ito ni Lu Jinnain agad nitong binitawan si Qiao Anhao at umalis.

"Mr. Lu..." Tinignan siya ng assistant niya hanggang sa matapos siya sa filming at binigay ang tubig.

Hindi pinansin ni Lu Jinnian ang assistant niya. Dumiretso ito sa personal van niya. Binuksan niya ito at naupo.

Sinundan agad siya ng assistant niya. Nalaman ng assistant niyang maputla siya. Magtatanong san ito sa kanya ng makita ang ilang pulang dots sa asul na damit niya na bigla ang assistant niya. "Mr. Lu bakit may dugo kayo sa likod?"

Nangunot ang noo ni Lu Jinnian at tinanggal ang damit niya.

Nakita ng assistant niya ang malaking galos sa balikat niya hanggang sa bewang ang iba ay nagdudugo na.

"Mr. Lu, ang laki ng sugat niyo! Bakit hindi kayo nagsasabi?"

Hinagis sa upuan ng assistant niya ang tubig at hinanap ang ointment pero naalala niya na binigay niya ito kay Qiao Anhao kahapon. Kinuha nito ang susi ng sasakyan at sinabi, "Dadalhin kita sa ospital at ng magamot kayo."

"Hindi na kailangan," sinabi ni Lu Jinnain sa assistant niya niya. Dahil sa sugat niya Huminga siya ng malalim at sinabi, "Huwag mong sabihin na injured ako."

Simula ng pumanaw ang magulang niya walang nag-aalaga sa kanya. Kaya sanay na siya mag-isa.

Sa isang banda, pinayagan siya ng lolo niya na sumali sa salu-salo ng new year's eve Xu family. Magkasama sila ni Xu Jiamu ng magkaroon ng aksidente. Bahagyang nasunog ang mga daliri nito. Pinaligiran siya ng buong Xu family at sinisi siya sa nangyari.

Agad napalibutan ng maraming tao si Xu Jiamu ng pumasok sila ng bahay at tumawag pa ng doktor para sa kanilang anak. Iniwan nilang mag-isa si Lu Jinnian. Walang naka pagtanto na nagdudugo ang kamay niya. Kumpara kay Xu Jiamu mas malala ang nangyari sa kanya pero hindi nila ito tinignan, walang nag-alala sa kanya. Ginamit niya ang kamay niya para harangan ang fireworks dahil kung hindi maaring bulag na Xu Jiamu.

Nächstes Kapitel