webnovel

Gusto mo rin ang tag-ulan? (4)

Redakteur: LiberReverieGroup

Inayos ni Qiao Anhao sa harap ni Lu Jinnian ang pagkain at binigay ang chopsticks, dagdag niya, "Hindi ko alam kung alin ang gusto kaya tikman mo muna..."

Tinignan siya ni Lu Jinnian

Nagsalubong ang mga tingin nila.

Nagulat si Qiao Anhao hindi niya matuloy ang sasabihin niya. Bahagya siyang lumingon kay Lu Jinnian.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso at namula ang kanyang mukha, nang maramdaman niya namumula ang kanyang, umiwas siya ng tingin. Kabadong binigay ang chopsticks, "Chopsticks."

Bumalik si Lu Jinnian sa realidad ng marinig ang boses ni Qiao Anhao bago bumalik sa dati nitong cold at distant na ekspresyon. Kinuha niya ang chopsticks at tahimik kumain.

Matagal naka luhod si Qiao Anhao sa harap ni Lu Jinnian bago siya magising sa kanyang pagkatulala at sumulyap ang lalaking nasa harap niya.

Matapos ng ilang sulyap, napagtanto niya naka tuon si Lu Jinnian sa kinakain niya. Lumakas ang loob ni Qiao Anhao titigan ito ng matagal.

Parehas ang suot ni Lu Jinnian ng tanghalian. Inalis niya ang kanyang jacket, inalis ang neck tie, bukas ang dalawang butones ng polo niya. Kita ang collar bones nito. Naka Tupi rin ang cuffs niya, kita ang muscle sa braso niya. Nagdagdag ito sa kanyang kagwapuhan.

Habang kumakain bahagyang gumagalaw ang pilik-mata niya.

Nang unang beses niya ito makita na mangha siya sa itsura nito. Lumipas na ang 13 taon pero ilang beses niya pa rin itong napapanaginipan, na mamangha pa rin siya sa itsura nito.

Hindi nagbago para kay Qiao Anhao ang itsura ni Lu Jinnian matapos lumipas ang panahon.

Tumitig lang siya kay Lu Jinnian. Hanggang sa na pansin nito ang pagtitig niya kay lumingon ito dahilan para bumilis ang tibok ng puso niya.

Nächstes Kapitel