webnovel

Labas-pasok ng filming (12)

Redakteur: LiberReverieGroup

Matapos sabihin ito ng direktor humiwalay si Lu Jinnian kay Qiao Anhao. Wala na ang bakas ng malambing at buhay na pinakita nito sa kamera. Bumalik ito sa dati at diretso umalis.

Nang dumaan si Lu Jinnian kay Song Xiangsi tumawa ito ng malakas.

"Ang acting ni Mr. Lu kayang gawing realidad ang pagpapangap!" sinabi niya ito na may ibang ibig sabihin at sadyang sinabi ang huling 4 na salita.

Walang sinabi si Lu Jinnian na tila walang na rinig, diretso sa assistant niya, "Tanggalin na yung make up" at pumunta sa make up room.

Matagal ng umalis si Lu Jinnian pero tulala pa rin si Qiao Anhao sa sofa. Hanggang sa tinawag siya ni Zhao Meng at saka lang siya na gising. Tumayo siya at sabay silang pumunta sa changing room.

Maganda ang eksena na maging si Zhao Meng pinuri silang pareho. Hindi ito pinansin ni Qiao Anhao iniisip niya ang tingin ni Lu Jinnian habang shooting, ang halik at mga sanabi nito...

Ang halik at hininga nito at dama pa rin sa bibig ni Qiao Anhao. Hinawakan niya ang labi niya at namula ang mukha niya.

Iniisip niya pa rin ang eksena nila, ng marinig ni Qiao Anhao na tinawag ni Zhao Meng si "Mr. Lu." Lumingon siya at nakita niya na paalis si Lu Jinnian. Agad namula ang mukha niya at tinawag ito, "Mr. Lu."

Walang emosyon ang mukha ni Lu Jinnian. Dumaan siya sa harap ni Qiao Anhao. Nang maramdaman niya ang tumingin ito, lumingon siya ngunit walang ng emosyon na parang strangers sila sa isa't isa. Umalis siya pagkatapos.

Tinignan ni Qiao Anhao ang likod ni Lu Jinnian. Nakita na bumalik ito sa dati. Wala na ang lambing at pagmamahal na pinakita nito sa shoot. Lahat iyon isang illusion.

Agad na lungkot si Qiao Anhao. Nagising siya sa panaginip. Ang lahat ng lambing at pagmamahal ay para shoot lang.

Hindi para sa kanya.

Nächstes Kapitel