Bumaba agad si Lu Jinnian matapos makuha ang dokumento.
Nang makita ito ni Madam Chen tinigil niya ang gawin.
"Mr. Lu, aalis na kayo?"
Walang emosyon sa mukha ni Lu Jinnian, tumango lang ito at kinuha ang sapatos sa cabinet para magpalit ng sapatos. Lumingon siya kay Madan Chen na naglilinis ng porcelain vase ng makuha ang susi ng sasakyan at nagtanong, "Kamusta na ang kalusugan ni Mrs. Lu nitong mga nakalipas na araw?"
Nag-ulat si Madam Chen, "Si Mrs. Lu, magaling na at masigla siya ngayong araw. Wala ng dapat ika-bahala..."
Umalis ma si Lu Jinnian dala ang susi ng sasakyan bago matapos ang sasabihin ni Madam Chen.
Umarte ito na para bang si Madam Chen ang nagsabi sa kanya ng kondisyon ni Qiao Anhao at hindi siya ang nagtanong.
Sumakay ng kotse si Lu Jinnian ng makita niya sa back mirror si Qiao Anhao. Hawak nito ang parasol habang pumipitas ng mga bulaklak. Agad niyang hinito ang sasakyan. Pinagmasdan ng matagal si Qiao Anhao sa back mirror at kumuha ng sigarilyo. Humithit ng sigarilyo ng hindi inaalis ang tingin kay Qiao Anhao.
Naramdaman nalang ni Lu Jinnian ang mainit na dulo ng sigarilyo ng bumalik siya kanyang sarili. Hinagis ang sigarilyo sa ashtray saka binuksan ang bintana ng sasakyan sa tabi niya. Nagtitiim-bagang na inalis niya ang tingin at pinilit na umalis.
Nang makauwi si Qiao Anhao dala niya ang maraming bulaklak. Inutusan niya si Madam Chen na kumuha ng vase, doon nilagay ang bouquet at ginupit ang sobrang dahon saka nilagay sa dining table.
Habang naghuhugas ng kamay si Qiao Anhao. Nang malala may naalala si Madam Chen at sinabi, "Mrs. Lu bumalil si Mr. Lu para kumuha ng document kanina."
Sandaling tumigil si Qiao Anhao pero walang mababakas na emosyon. Niyuko niya lang ang kanyang ulo at hinugasan ang kamay, nawala ang sigla niya ulit.