Dumating na sa dulo ang salu-salo. Halos nakaalis na ang lahat ng tao banquet hall at konti nalang ang naiwan matapos mang galing sa banyo ni Qiao Anhao.
Malayo ni Zhao Meng naiparada ang sasakyan dahil puno na ang parking lot kaya nang pumunta sa palikuran si Qiao Anhao ay pinuntahan niya na ito.
Habang kinukuha pa ni Zhao Meng ang kotse. Papalabas na si Lu Jinnian sa hotel ng makita ito ni Qiao Anhao kaya kung magpatuloy ito ay hindi nila maiiwasang magkita dahil nasa harap siya ng hotel naghihintay na dumating ang kotse.
Kaya naman umalis siya sa kanyang pwesto at pumunta sa gilid upang hindi siya makita nito. Alam niya na ayaw ni Lu Jinnian na makisalamuha sa kanya kaya hindi siya nito pinapansin na parang hindi siya nito nakita.
Tumigil ang isang kotse sa kanyang tabi at nakita niya ang bumaba ang bintana nito at may tinawag ang kanyang pangalan. "Xiao Qiao"
Napalingon si Qiao Anhao at nakita niya na si producer Sun na nakaupo katabi ng kanyang driber saka niya ito magalang na binati. "Mr. Sun"
"Bakit ka nandito mag-isa, Qiao Anhao? Wala ka bang dalang kotse?" tanong ni Producer Sun habang nakalabas ang ulo nito sa bintana.
"Saan ka nakatira? Maari kitang ihatid" habang sinasabi ito ni Producer Sun ay lumabas ito ng kotse para pagbuksan ng pinto si Qiao Anhao.
Agad naman umiling si Qiao Anhao saka itong magalang na tinanggihan si Producer Sun. "Maraming salamat sa inyong paanyaya ngunit parating na ang aking manager kasama ang dala niyang kotse"
"Oh…" yan ang nasabi ni producer Sun kaya naman ito nang hinayang. Habang tinignan niya si Qiao Anhao lalo siyang nahuhumaling sa ganda nito kaya bigla siyang nagtanong dito. "Saang unibersidad ka galing Xiao Qiao?"
"X University" magalang na sagot ni Qiao Anhao kay producer Sun. Gusto niya na sana niyang iwasan si Lu Jinnian ngunit hindi niya maaring bastusin si producer Sun.
"Iyan ay magandang unibersidad… Ang X University"
Nakita na ni Lu Jinnian si Qiao Anhao bago pa man siya nito makita at kita sa mga kilos nito na iniiwasan siya nito.
Masama ang tingin ni Lu Jinnian nang makita niya na kausap ni Qiao Anhao si producer Sun, nang pasakay na siya sa kanyang kotse.
Malayo si Lu Jinnian para marinig ang usapan nina Qiao Anhao at producer Sun ngunit kita niya sa pag-uusap ng dalawa at mukhang nagkaintindihan ito. Ngumiti si Qiao Anhao habang kausap niya ito at tila natuwa naman si producer Sun sa mga sinabi nito.
Matapos ng kanilang pag-uusap kinuha ni producer Sun ang kanyang telepono at may pinindot ito. Nalaman nalang ni Qiao Anhao na tinawagan pala siya nito dahil umilaw ang kanyang telepono.
Nagpalitan sila ng kanilang mga numero.