webnovel

Mga Munting Bagay Para Sa Pag-Ibig (5)

Redakteur: LiberReverieGroup

Putlang-putla si Qiao Anhao ng marinig ang pangungutya ni Lu Jinnian. Matapos ng insidente noong nakaraang tatlong buwan kahit ang impresyon ni Lu Jinnian sa kanya ay nawala na rin, hindi na siya nakinig nang subukan ni Qiao Anhao na magpaliwanag sa kanya.

Kahit nasasaktan na si Qiao Anhao nagawa niyang balewalain ito at mahina niyang sinabi, "Hindi ko ito sinasadya."

"Hindi mo sinasadya?" Napatawa si Lu Jinnian at tinignan ng masama si Qiao Anhao kaya ang mga sunod niyang sinabi ay mas marahas at walang awa."Miss Qiao, hindi ko inaasahang magaling kang magsinungaling at ganon din ang abilidad mong pagsamantalahin ang iba. Sigurado ako nang umakyat ka sa kama ko at lasing ako. Kung hindi ako nagkakamali pinipilit mong may mangyari sa atin!"

Nasaktan si Qiao Anhao sa lahat ng sinabi ni Lu Jinnian, na lahat ng salitang sinabi ni Lu Jinnian ay sumusugat sa kanya ng mas malalim. Namula ang mga mata ni Qiao Anhao na tila ba iiyak na ito.

Totoo, nang gabing yun nagmakaawa siya kay Lu Jinnian pero dahil iyon sa dami ng kanyang nainom na alak! Tapos bahagyang mahina pa siya kaya akala niya panaginip ang lahat, kaya niya mahinang sinabi dito, "Pwede ba akong maging babae mo!"

Hindi inaakala ni Qiao Anhao na gagamitin ni Lu Jinnian ang mga nangyari noong nakaraang tatlong buwan para insultohin siya. Namula ang mukha niya matapos siyang mapahiya, kaya kinurot niya ang kanyang sarili para hindi niya maramdaman ang mga sinabi sa kanya ni Lu Jinnian at pinakalma niya ang kanyang sarili saka ipinaliwanag kay Lu Jinnian,"Wala naman akong intensyon para akitin ka, Natutulog ako nang aksidente kitang na hawakan."

"Siguraduhin mo lang, itatama ko lang, kahit ikaw ang nagsimula nito,simula ngayon ako na ang may kontrol. Totoo na may nakuha kang benepisyo sa akin gamit yung katawan mo pero kung ako ay interesado na magtalik sayo." Tumigil ng sandali si Lu Jinnian at walang awang sinabi "Kung hindi ako interesado sayo kahit siguro itapon mo ang sarili mo sa akin, hindi kita gagalawin gaya ng una!" pagmamataas ni Lu Jinnian.

Namutla ang mukha ni Qiao Anhao sa bawat salitang binitiwan ni Lu Jinnian.

Nanataling nakayuko si Qiao Anhao takot na makita ang expresyon ni Lu Jinnian.

Matapos na sabihin ito ni Lu Jinnian ay walang pake niyang binitiwan ang kamay ni Qiao Anhao at pumunta sa changing room.

Nang makalabas siya nakita niya na nasa kama pa rin si Qiao Anhao at nanatili sa ganoong posisyon niyang iniwan ito. Mukha siyang mahina at nakayuko ang ulo, Mukha siyang estudyanteng pinarusahan. Nang medyo dumilim nagmukha siyang inosenteng bata.

Tumayo si Lu Jinnian sa pinto ng changing room tahimik na pinagmamasdan si Qiao Anhao.Matapos ng ilang sandali ay umalis na ito ng kwarto.

Nächstes Kapitel