webnovel

Bringing the ‘Nation's Husband’ Home (7)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Ang hindi kapani-paniwala ay yung naharap sa pagkalugi ang Huan Ying Entertainment, nilabas niya lahat ng kanyang ipon para bilhin ito. Akala ng lahat babasagsak siya kasama ng kumpanya, pero sa loob lang ng tatlong taon. Nagawa niyang gawin ang Huan Ying ang pinakamalaking Entertainment company sa buong bansa. Sino na ang hindi A lister na hindi galing sa Huan Ying sa mga panahong ito?"

"Pero ang alam ko aloof ang personalidad nito, hindi nito gusto ang makisalamuha sa iba at gusto nito siya gumagawa ng lahat. Ngunit pagdating sa itsura, abilidad, at husay sa pagarte, siya ang pinaka-mahusay. Walang duda na karapat-dapat sa kanya ang titulong "Pambansang Asawa" na ipinagkaloob sa kanya. Sino kaya ang pakakasalan ng "Pambansang Asawa" sa dulo…"

"Nabangit mo nga yan. Nagdebu siya ng 18… marahil siya ay nasa 28 na ngayon. Sa makatwirang pananalita, kahit hindi siya magpakasal, dapat kahit girlfriend meron siya, bakit kaya walang chismis tungkol doon?"

"Tama! Maliban sa girlfriend, walang babaeng malapit sa kanya. Nakaka-intriga! O baka naman wala siyang gusto sa mga babae…"

Nakinig sa walang hanggang paguusap si Zhao Meng hindi nito mapigilan ang pagka-mausisa. Itinaas niya ang kanyang ulo, at tinanong si Qiao Anhao na nasa kanyang harapan, naghahalo ito ng kanyang kape, "Bakit kaya hindi pa siya nabalik sa Beijing? Hindi ba ang pelikula niya ay ongoing parin?"

Kahit ang kasal nila ay sekreto, sinabi pa rin ito ni Qiao Anhao kay Zhao Meng, hindi niya lang kasi ito manager kung hindi isa rin ito matagal ng matalik na kaibigan. Kaya nga, si Qiao Anhao ay agad naintidihan kung sino ang tinutukoy ni Zhao Meng, hindi nito particular na sinabi si Lu Jinnian. Sandaling tumigil ang kanyang mga kamay. Tumingin sa mata ng kanyang kaibigan, umiling ang kanyang ulo at matapat na sinabi, "Hindi ko alam."

"Hindi mo alam?!" tumigin si Zhao Meng na hindi ito naniniwala. "Miss Qiao Anhao, asawa ka ba talaga niya? Hindi siya tumawag sayo para sabihin kung kailan siya makakabalik galing sa Rome?"

Umiling si Qiao Anhao. "Hindi niya ginawa."

Doon lang, Biglang naalala ni Zhao Meng na nagkasalubong ito kay Lu Jinnian, hindi ito nag-abala na tumingin sa kanya. Sa oras na iyon, akala niya ay sinusubukan nila na itago ang kanilang pagpapakasal, pero ngayon, Napagtanto niya na hindi ito ang kaso. Sumimangot si Zhao Meng, nang magpatuloy ito, "Ganyan ba kayo kapribado? Gaano kayo kadalas nag-uusap?"

Tumingin sa baba si Qiao Anhao, at hindi nagsalita. Siya at si Lu Jinnian ay hindi nakikipag-ugnayan sa pribado. Limang buwan na silang kasal, nagusap lang sila ng tatlong beses. Ang huli ay ang pinagalitan siya nito noong nakaraan na tatlong buwan nang siya ay umakyat sa kama nito.

Kung iisipin nga naman, ang kanyang mga labi ay nangiti ng bahagya. Hindi niya pinansin ang unang tanong ni Zhao Meng, sinagot niya ang pangalawa sa una, "Hindi kami nakapagusap nang tatlong buwan"

Nächstes Kapitel