Ang celebration dinner ng Hai Rui ay marangya at dinaluhan ng maraming mga bituin.
Sa ilalim ng mamahaling chandelier, nag – uusap ang mga artista at may hawak na isang baso ng winw habang umaalingawngaw sa buong bulwagan ang eleganteng musika. Ang mga tagapagsilbi sa gabing iyon ay isa – isang nagtutungo sa mga bisita habang binabalanse nila ang kanyang mga serving trays; maya – maya, nasasaksihan nila ang mga sikat na babae at lalaking mga artista na nagpapalitan ng mga tingin at nag – uusap tungkol sa iba't ibang mga ahensya.
Ito ay dahil sa CEO ng Hai Rui na si Mo Ting ay hindi pa dumarating.
Bagaman karaniwang nagkakaisa ang Hai Rui, hindi nila mapigilan na pag – usapan ang insidente tungkol kay Zhen Manni. Pagkatapos ng lahat, ang kanilang mga pag – uusap ay hindi magiging isyu hanggat hindi ito lumalabas ng ahensya.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com