webnovel

Ang Pagbabalik ng Isang Dating Kilalang Modelo.

Redakteur: LiberReverieGroup

Syempre hindi dahil pa ito ang tamang oras.

Alam na alam ni Mo Ting ang kanyang inisip at ibinigay nito sa kanya ang telepono. Hindi nag atubili si Tangning na sagutin ang tawag nito sa harapan ni Mo Ting.

"Tangning, nasa'an ka?"

"Naghanap ako ng matatagu-an kasi takot akong makita ng mga reporters." Kalmadong sagot ni Tanging.

"So, sinasabi mong wala kang alam sa mga ginawa ni Long Jie?" Matiyagang usal ni Han Yufan.

"What's wrong with Long Jie? Medyo malayo ang lugar na pinagtaguan ko at hindi ko alam ang nangyayari sa labas, anong nangyari?" Pausisang tanong ni Tangning.

"Thanks to your manager, Tianyi is now in a mess. Bumalik ka muna sa opisina at maghahanda ako ng press conference. Tangning, inaasahan kong lilinisin mo ang pangalan ng Tianyi."

Press conference? Parang isang opurtunidad ulit ito para isisi kay Tangning ang lahat ng nangyari.

Talaga bang iniisip nito na para bang wala siyang alam?

Nakakasuyang ibinaba ni Tangning ang telepono nang biglang magsalita si Mo Ting, "Na-save ko na ang number ko sa telepono mo, tawagan mo lang ako at sabihin sakin ang gusto mong gawin."

"Thank you, Mo Ting…"

"Hindi mo ako dapat tinatawag na ganyan…." hinawi niya ang kanyang binti at hinila palapit sa kanya si Tangning. "Call me something else…. kung 'di, hindi kita bibitawan."

"H-hubby…" Nahihiyang bulong ni Tangning at isang bihirang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Mo Ting.

"Tara, idadaan na kita sa trabaho mo. Remember what you promised. Don't get close to another man."

Alam na alam na ni Tangning ang tinutukoy ni Mo Ting. Nginitian niya ito at tinignan niya ito ng umaasa na pagkatiwalaan siya ni Mo Ting.

….

Sa loob ng apat na pong minuto, dumating sila ni Tangning at Mo Ting sa isang lokasyon malapit sa Tianyi Entertainment. Bilang King of Entertainment, alam niyang lahat ng pianakmalalim at pinakamadilim na lihim ng industriyang ito. Samakatuwid, gusto niyang malaman kung sa anong paraan ang gagawin ni Tangning upang maging isang kilalang modelo muli ito.

Alam ni Tangning kung anong ginagawa niya. Klaro sa kanya na isang itong laro kung saan kailangan niyang itago ang kanyang mga baraha habang ang baraha ng kanyang mga kalaban ay nalantad na sa harapan niya. Kung hindi niya mababago ang kalalabasan pagkatapos niyang palitan ang lahat ng nasa kanyang kamay, saka lang niya tatanggapin ang pagkatalo niya.

Pagkatapos lumabas ni Tangning sa sasakyan ni Mo Ting, dumiritso ito sa isang lihim na tulay papasok sa building. Nang makita si Tangning ng kanyang mga kasama, napuno ang silid ng magkaibang reaksyon mula sa pagkasuklam, poot, at pangungutyang tingin ang nakuha niyang tingin mula sa kanila; na parang sigurado silang lahat ng nilabas ni Long Jie ay gawang lahat ito ni Tangning.

Kunwaring hindi ito napansin ni Tangning habang diritsong lumakad papasok sa kwarto ni Han Yufan, tinulak ang pinto at nakita ang likod ng ulo ni Han Yufan.

"Nandito ka na…" Humarap si Han Yufan habang pigil - pigil nito ang kanyang galit.

"Tell me, anong nangyari?"

"Tangning, sigurado ka bang wala kang alam sa mga ginawa ni Long Jie?" Tinapon ni Han Yufan ang dyaryo sa harap ni Tangning at galit na tinanong ito, "Kung hindi siya nakatanggap ng utos galing sa'yo, how would she be brave enough to do this?"

"Yufan, malapit na tayong ikasal, ba't ko naman gagawin sa'yo to? Hindi ba't para na rin kitang tinulak palayo?" Nasasamid na sabi ni Tangning habang inosente.

"Pa'no mo ipapaliwanag sa'kin kung bakit mo nilagay sa bukong - bukong mo ang Cronw's Star sa palabas? Ikaw mismo ang nakakaalam, na ang kaibahan mo at ni Yurou ay ang mga binti mo…"

Tinitigan ni Tangning ni Han Yufan habang tinatanong niya ito. Bumalik sa kanya ang mga panahong pinrotektahan ni Han Yufan si Mo Yurou sa parehong paraan. Ang akala niya ay ginagawa niya ito para sa kanyang sarili kaya handa siyang magtiis na masaktan at hinayaang ipagtanggol ang ibang tao. Pero sa nakikita niya ngayon, parang si Mo Yurou lang ang taong gusto nitong protektahan.

"Sa mga oras na 'yun, I had no way of wearing Crown's Star but my ankle. Nando'n din ang assistant ni Mo Yurou, tanungin mo siya."

"Tinanong ko na siya at ang sabi niya, ikaw daw ang nagdesisyon nito…" Pagdidiin ni Han Yufan.

"Yufan, I am your fiance, yet you choose to believe an outsider?" Dismayadong tugon ni Tangning habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Han Yufan. "Kahapon, kahapon dapat tayo pipirma ng papeles ng ating kasal."

"It's too late to say anything now, nangyari na ang mga nangyari. Nagpadala na ng sulat ang HF galing sa korte para panagutin ang Tianyi sa paglabag nito sa mga napagkasunduan at salamat sa manager mo, ang negatibong reaksyon ng publiko sa Tianyi ay lumalala. You need to take responsibility for this." Tumingala si Han Yufan kay Tangning habang binibigyan ito ng aura ng isang makapangyarihan diyos na nagbibigay ng hatol.

"Malapit na kita maging asawa at ayokong masira mo ang aking mga ginagawa. Iyon ang dahilan kung bakit, Tangning, para sa kapakanan ng Tianyi, kailangan mong lumabas sa publiko at ipaliwanag sa lahat ang gulong nilikha ng manager ay para sa hype at wala kinalaman ang Tianyi dito."

"Pag-ginawa ko 'yun, para ko naring inamin na ako na ang may gawa. 'Di ba ikaw naman ang tumawag sa'kin para palitan si Mo Yurou?" naiiyak na sambit ni Tangning, "Yufan, dahil ba to sa magpapakasal tayo na kailangan ako ang magsakripisyo?"

"Wala akong paki-alam kung malaman man nilang ikaw ang may kasalanan." Sa sandaling sinabi niya ang salitang iyon, naramadaman siguro ni Han Yufan na sumusobra na siya. Kinalma nito ang kanyang sarili at inabot ang braso ni Tangning upang yakapin ito, pero, bago niya pa iyon magawa ay tinulak na niya ito palayo. "Tangning, I was just getting a bit impatient. Ngayon lang, pagkatapos nating magpakasal, I promise to treat you well…"

Syempre, pinigilan ni Tangning ang kanyang luha at tumango dito. "Gagaawin ko lang ito, hindi dahil ako ang gumawa ng gulong ito, pero gusto kong protektahan ang career mo. Pero, hindi na ito mauulit pa."

"Yes.. I promise there will be no next time."

Sa katunayan, alam ni Han Yufan na mahuhulog ulit si Tangning sa mga susunod na pagkakataon. Lalo na pagkatapos nilang magpakasal, dahil sa karakter ni Tangning ay madali niya lang itong kontrolin.

"The press conference will be this afternoon at 3pm. May meeting pa ta pagkatapos ng isang minuto para sa iyong script."

"OK!"

Tumigil sa pag-iyak si Tangning at sapilitang tinignan sa mata si Han Yufan. Pero, pagkatapos niyang umalis sa kwartong iyon, ang mga mata nito ay may malamig na tingin.

Hindi niya man makakalimutan ang lalaking iyon, ngunit, kailangan niyang gawin ang kanyang napagdesisyonan.

Hindi siya papayag na siya sasalo ng mga kasalanang ginawa ni Han Yufan.

Pagkatapos ng maingat na pagiisip, bumalik siya sa kanyang kwarto at tinawagan ang kanyang manager. "Long Jie, Han Yufan is trying to use me as a shield."

"Ha ha! Tangning, sabihin mo sa akin ang mga gagawin ko." Buong labang sagot ng kanyang manager.

"3pm, aaminin ko sa lahat na ako ang gumawa ng gulo at hihingi ng tawad. Pagkatapos, gusto kong huwag kang magpakilala at ipagkalat mo ang larawan nina Han Yufan at Mo Yurou na naglaladian sa ospital…"

"Ha ha! Sure! May naisip na akong mgandang pangalan para sa headline! 'Exposed! Tainyi's boss has multiple affairs: The Biggest Cheating Scum!"

Hindi mapigilang tumawa ni Tangning bago siya humingi ng tawad, "Sorry, Long Jie, sa pagdamay sa ito sa lahat ng to."

"Tangning, as long as you have made the decision to start afresh. Tutulungan kitang bumalik sa pagiging top model. Sa katunayan, hindi lang 'yan, tutulungan kita maging internasyonal na supermodel!"

Nächstes Kapitel