webnovel

Ang Middle Realm (3)

Redakteur: LiberReverieGroup

Matapos umatras ng Dark Region upang bumukod, ang kalupaan ay nahati sa saklaw ng Nine

Temples at Twelve Palaces.

Sa ituktok ng Mount Fu Yao, bukod sa ginagamit ito upang pagdausan ng Battle of Deities kada

sampung taon, naroon din isang katang-tanging paaralan. Ang paaralan na iyon ay itinayo ng

Twelve Palaces at Nine Temples para sa layunin na gawing mas matiwasay para sa kanila ang

pagsulong ng magagaling na mga miyembro. At upang makapasok sa paaralang ito, isa lang

ang kinakailangan. Kailangan makatanggap ng isang tao ng imbitasyon sa anumang partido sa

pagitan ng Nine Temples at Twelve Palaces.

Sa kabuuan, ang tingin sa paaralan ay para lamang sa NIne Temples at Twelve Palaces upang

makakuha ng mas maraming indibidwal na natatangi sa pamamagitan ng paggamit ng Battle

of Deitiies bilang panimula upang magawa nilang makatuklas ng maraming talento.

Kaya naman maraming tao mula sa buong Middle Realm ang ginagawa ang lahat upang

maipakita lamang ang kanilang mga mukha maski isang beses man lang sa Battle of Deities

Grand Meet.

Binawi ni Jun Wu Xie ang kaniyang tingin. Noon sa Clear Breeze City, nang kaniyang labanan

ang Elder ng Palace of Flame Demons, ay madali lamang niya itong natalo, ngunit sinabi sa

kaniya ni Jun Wu Yao na malayo pa siya para sa Palace Lords ng Twelve Palaces. Ang Mount Fu

Yao ay isang lugar na malaki ang maitutulong sa akniya upang linangin ang kaniyang

kapangyarihan at ayos lang sa kaniya na gamitin ang pagkakataong ito upang mas maging

malakas.

Ang Twelve Palaces at Nine Temples ay mayroong mahigpit na pamantayan sa pagtanggap ng

miyembro at kahit na sila ang magwagi sa Battle of Deities, ay kinakailangan pa rin silang

linangin ng ilang panahon sa Mount Fu Yao bago sila ituring na miyembro.

Ang layunin ni Jun Wu Xie sa pagpunta doon ay simple lamang. Inatasan na niya si Qiao Chu at

ang iba pa nilang kasama na magpunta doon upang makakuha na sila ng ranggo sa Battle of

Deities. Sa antas ng kapangyarihan na kasalukuyang taglay nila, ang lumabas na malakas sa

grand meet ay hindi magiging mahirap para sa kanilang lahat. At kung sakaling sinuman sa

Twelve Palaces ang magpaabot ng kanilang sangay sa kanila, ay tatanggapin nila ang alok

upang makapasok sa loob.

At sila ang magiging Soul Purging Nails na ibabaon ni Jun Wu Xie sa loob ng Twelve Palaces!

At siya naman, si Jun Wu Xie ay hindi labag sa ideya na makipaglaro muna sa mga tao mula sa

Twelve Palaces ngunit kahabag-habag na nagtataglay siya ng kakaibang uri ng ring spirits at

walang kasiguraduhan na isa mula sa Twelve Palaces ang makakaalam na nagtataglay siya ng

plant ring spirits, kaya naman, napagdesisyunan niya na pansamantalang mamagitan mula sa

likod ng eksena, kung saan ay oobserbahan muna nila ang iba-ibang kapangyarihan sa Middle

Realm bago sila magdesisyon pa.

Ang anyo ni Jun Wu Xie ay tahimik na nawala sa dami ng tao, lumusot sa karamiha ng tao, at

pumasok sa kagubatan na napakahirap bagtasin.

Nang makalayo sa tingin ng mga tao, ang katawan ni Jun Wu Xie ay naging isang purple light,

mabilis na hinabi ang gilid ng Mount Fu Yao!

Kung umasa lamang siya sa kaniyang mga binti upang umakyat sa tutok, ay aabutin siya halos

ng isang buong araw. Ngunit wala pang isang oras ay halos nasa kalahati na ng bundok si Jun

Wu Xie.

Kumpara sa spirit energy sa paanan ng bundok, mas siksik doon. Tumigil si Jun Wu Xie sa loob

ng makakapal na tumpok ng mga puno, upang pakiramdaman ang malinis na hangin sa

kabundukan.

Maya-maya, isang nangangamoy sunog ang lumutang sa di-kalayuan. Ang mata ni Jun Wu Xie

ay biglang pumihit, hinahanap ang lugar kung saan nagmumula ang amoy at naglakad patungo

doon.

Sa luntiang bundok, munting batis ang dumadaloy sa kakapalan ng mga puno, dahan-dahang

dumadaloy sa gilid ng bundok. Sa tabi ng batis na may mala-kristal na tubig na dumadaloy,

bahagyang namataan ni Jun Wu Xie ang isang munting anyo na tila natataranta at nayayamot

habang nakasalampak sa damuhan, isang tumpok ng lantang mga damo ang nangitim sa

kaniyang paanan,

"ARRRGGGH!! Bakit hindi pa rin gumagana!?" Isang nayayamot na sigaw ang narinig mula sa

dakong iyon, ang nakita ni Jun Wu Xie ay isang munting matanda na lagpas na sa edad na

singkwenta, nakayuko ang likod, at napakaliit ng sukat. Sa unang tingin, mapagkakamalan

itong bata na nasa sampung taon kundi lamang sa mahaba at maruming balbas at ang mukha

nito na puno ng kulubot kaya malalaman ang edad nito.

Ang munting matanda ay may hawak na tungkod sa isang kamay, habang malungkot na

nakamasid sa tumpok ng tuyong mga damo na nangitim. Matagal niya itong tinitigan bago

napayuko at tumalikod na mahabang bumuntong-hininga, at naglabas ng pumpon ng mga

halamang-gamot mula sa isang malaking buslo na nasa tabi.

Nächstes Kapitel