"Wala akong pakialam sa mga iyon." Saad ni Gu Ying habang naniningkit ang mata. Nagbalik
siya sa Lower Realm para sa isang bagay lamang, at iyon ay hanapin ang taong iyon!
Ang taong naging dahilan upang magdusa siya ng matinding kahihiyan sa buong buhay niya, si
Jun Xie!
Tumingin ang lalaki kay Gu Ying at hindi niya maiwasan na makaramdam ng kilabot na
gumapang sa kaniyang puso. Si Gu Ying ay nagtataglay ng katuhan na uhaw sa dugo at
matapos maranasan ang pangyayaring iyon, tila mas naging mapanganib si Gu Ying.
"Hindi na mahalaga iyon, maghintay na lamang tayo. Ang paghahanap sa Heaven's End Cliff ay
patuloy pa rin at ang mga tao mula sa ibang palaces na nagtatago sa loob ng Clear Breeze City
ay hindi pa rin kumikilos. Kung hindi sila kikilos, ay natural lamang na hindi ko dudungisan ang
aking sarili ng putik."
Sa sandali ring iyon ng pangako ng lalaki, ilang pares ng mga mata ang nagtatago na sa mga
lugar sa loob ng Clear Breeze City, nasaksihan lahat ng mga pangyayari sa siyudad na iyon.
Hindi inaasahan ninuman na sa pangkaraniwang munting siyudad na iyon sa Lower Realm, ay
maraming espiya mula sa Twelve Palaces ang nagtatago!
Ang mensaheng pinadala ni Luo Xi ay mabilis na tinugunan. Isang lalaking nakaitim ang
naglakad papasok sa malaking tarangkahan ng Clear Breeze City, ang malakas na aura na
nakapalibot sa kaniya ay naging dahilan upang maglaho ang pangkat ng mga takas na
nagsisiksikan sa harap ng tarangkahan. Nang makita ng ilang guwardiya sa may tarangkahan
ang anyo ng taong iyon, ay agad silang napaluhod na nanginginig.
Ang lalaking may kasuotang itim ay tahimik habang mabagal na naglalakad papasok sa Clear
Breeze City, patungo sa Fortune Spring Hall.
Nang matanggap ni Luo Xi ang balita sa pgadting ng lalaki, ay agad siyang tumayo sa pagnais
na lumabas upang salubungin ito ngunit ang lalaking nakaitim ay naroon na harapan ng
pintuan ng kaniyang silid.
"Pagbati para sa kagalang-galang!" Agad lumuhod si Luo Xi upang magbigay galang.
Ang mukha ng lalaking nakaitim ay malamig at matigas, at kaniyang sinulyapan si Luo Xi
sandali nang itaas nito bigla ang paa at pinalipad si Luo Xi sa pamamagitan ng isang tadyak.
Bumagsak si Luo Xi sa upuan na nasa kaniyang likuran at ang upuan ay nadurog sa ilang piraso.
Matinding sakit ang bumalot sa buong katawan niya ngunit walang magawa si Luo Xi kundi
ang patuloy na lumuhod sa lupa na nanginginig, ang dugo ay malayang umagos sa sulok ng
kaniyang mga labi ngunit hindi siya dumaing maski kaunti.
"Walang silabing basura! Hindi mo magawang ayusin ang isang maliit na bagay, ano ang silbi
mo sa akin!?" Kinagalitan ng lalaking nakaitim si Luo Xi habang pinandidilatan ito, ang mata
nito'y puno ng pang-aalipusta.
Saka sumagot si Luo Xi, ang katawan ay nanginginig pa rin: "Nagmamakaawa ako sa kagalang-
galang na kalmahin ang galit! Ginawa ko na ang lahat ngunit ang batang iyon sa hilagang
siyudad ay kakaiba. Lahat ng lason na aking itinapon doon ay walang epekto at ang mga
tagapaslang na ipinadala ko doon ay hindi na nakabalik."
Kung mayroon pa siyang ibang paraan, ay hindi maglalakas-loob si Luo Xi na guluhin ang
kagalang-galang sapagkat ang galit ng kagalang-galang ay hindi isang bagay na kaya niyang
tiisin. Ngunit lahat ng mga paraan at plano na kaniyang ginawa laban sa hilagang siyudad ay
walang silbi. Mula sa pagtatangkang gamitin ang lason hanggang sa huling pagpapadala niya
ng mga tagapaslang upang patayin ang binatilyo, ang lahat ng iyon ay bigo. Sa huli, maging ang
mga tauhan na nagmatyag sa hilagang siyudad ay hindi na rin nagawang makabalik ng buhay,
kaya napagdesisyunan ni Luo Xi na walang ibang paraan kundi ang imbitahan ang kagalang-
galang doon.
"Ano ang nangyari dito?" Tanong ng lalaking nakaitim habang nauupo, ang kilay niya ay
salubong habang nakatitig kay Luo Xi.
Agad sinabi ni Luo Xi sa lalaking nakaitim ang lahat ng mga nangyari sa Clear Breeze City
hanggang sa panahong iyon at pinaanghang ang parte kung saan sinasabi na niya na ang City
Lord ay kulang sa pagkilos at pagsisikap tungkol doon.
"Binigo ni Luo Xi ang tiwala ng kagalang-galang at hiyang-hiya si Luo Xi! Ngunit ang pagkatao
ng Young Master Jun na iyon ay talagang nakakaduda at hindi ito isang tao na kaya kong
gawan ng paraan. Dahil wala na akong ibang mapagpipilian, nagmamakaawa ako sa kagalang-
galang na mamagitan."
"Young mAster Jun?"
"Tama, ang kaniyang pagkatao ay talagang mahiwaga at wala akong nakuha na kahit ano."
"Ayon sa sinasabi mo sa akin, ibig sabihin ay hindi ka nagpadala maski isa sa mga "medicine
man" sa buong nagdaang mga araw?" Ang boses ng lalaking nakaitim ay biglang naging kakila-
kilabot.
Ang medicine men na tinutukoy nito ay ang mga takas na pinainom ng lason.
"Ta… Tam… Tama…" Nautal si Luo Xi at napalunok, ang ulo niya ay mas lalong buoan sa lupa.
"Mga walang silbing basura!" Dahil sa galit, ang lalaking nakaitim ay tinamaan ang paa sa isang
kisap ng kaniyang manggas. "Nananabik akong makita kung anong uri ng tao ang malakas ang
loob na nanggulo sa lugar na ito!"