webnovel

Bone Corroding Forest (2)

Redakteur: LiberReverieGroup

Hindi na nagtanong sina Qiao Chu kay Jun Wu Xie kung para saan ang elixir na iyon, sinunod na lang nila ito at ininom iyon. Hindi nila maintindihan kung sikolohikal lang ba iyon, pero matapos nilang inumin ay naibsan ang sakit na kanilang nadarama sa bawat paghinga.

"Nakakapagtaka Little Xie, ano ang pinainom mo samin? May mali ba sa lugar na ito?" Tanong ni Qiao Chu habang nagkakamot ng kaniyang ulo. Kahit na hawak nila ang mapa sa ilalim ng Heaven's End Cliff, hindi pa rin nila maiwasan ang mga pahirap na nakapaloob sa lugar na iyon. Kung mayroong magpupunta dito na hindi handa, paniguradong sa kamatayan ang kahahantungan.

Kumpleto man sa mapa ay maiiwasan nila ang mga "bantay" ng puntod ng Dark Emperor. Pero ang lugar na ito ay puno ng panganib at mahirap iyong iwasan.

"Ang hanging sa ilalim ng Heaven's End Cliff ay may lason. Hindi iyon gaanong mapapansin sa simula at wala iyong gaanong epekto. Ngunit kapag nanuot na iyon sa'yong katawan, doon pa lang lalabas ang epekto nito. Dito ko napagtanto na ang grupo ni Mu Qian Fan ay maraming nalanghap na lason, dahilan para sila ay mamatay. Ang binigay kong elixir ay para labanan ang lason na iyon, pero…" Tumalim ang tingin ni Jun Wu Xie. Kumapal ang hamog sa kanilang kinatatayuan. Kaunti na lang ang naabot ng liwanag ng Spirit Fire Globes na kanilang hawak.

Habang sila ay patuloy sa kanilang paglalakad, kumakapal ng kumakapal ang hamog at lalo ring bumabagsak ang klima.

Hindi iyon gaanong mapapansin kung ang pagtutuunan mo ay ang iyong pagod. Para kang isang palaka na pinapakuluan na sa unang lapag sa tubig ay hindi mo mapapansin na ikaw ay niluluto na pala. Sa oras na kumulo na ang tubig doon mo pa lang mamamalayan, kung kailan huli na ang lahat.

Maraming lugar sa Heaven's End Cliff ang kakaiba. Dalawang lugar na magkatabi sa Heaven's End Cliff ay may malaking pagbabago sa oras na ikaw ay mapadpad doon.

Katulad ng pagbabago ng panahon, mabagal ang pagbabago noon at hindi mamamalayan ng isang tao.

Gayong pamilyar si Jun Wu Xie pagdating sa Medisina, mababa ang kaalaman niya sa kalikasan at heograpiya. Bigla siyang naintriga sa mga tao mula sa Dark Regions kung paano nila nagawang ganito ang ilalim ng Heaven's End Cliff. Paano nila nagawang ganito ka-mapanganib ang lugar na ito at ilang buhay ang kinuha nito. 

Hindi lubos maisip ni Jun Wu Xie kung paano nagawa ng mga taong iyon ang lugar na ito.

"Sa nakalipas na dalawang oras, nanatili ang lason sa hangin at hamog. Pero hindi niyo iyon gaanong napansin. Natatakot akong hindi sapat ang nauna kong ibinigay na elixir kaya heto, segundahan niyong inuman ng elixir." Habang nagsasalita si Jun Wu Xie ay inoobserbahan niya ang paligid. Hindi mapalagay ang kaniyang puso. Alam niyang ang susunod nilang haharapin ay mas mahirap.

Habang papalapit sila sa puntod ng Dark Emperor, mas lalong magiging mapanganib ang kanilang haharapin.

Nächstes Kapitel