webnovel

Pamilya (2)

Redakteur: LiberReverieGroup

Natatawang naupo sa isang gilid si Jun Qing. Nang siya'y makaupo ay saka pa lamang niya

napansin ang isang munting anyo, na tahimik na nakupo sa tabi ni Jun Wu Xie.

Ang munting nilalang na iyon ay napakabata, tila ito'y nasa walo o siyan na taong gulang, may

malinis at maaliwalas na maliit na mukha na talagang kaakit-akit, bukod sa ulo nitong may

napakapulang bukok at ang pares ng mapupulang mata na naging dahilan upang magmukha

itong hindi pangkaraniwan at naiiba.

"Ang munting batang ito ay…" Itinaas ni Jun Qing ang kaniyang ulo upang tumingin kay Jun Wu

Xie.

Sumagot si Jun Wu Xie: "Siya si Little Jue, ang Emperor ng Buckwheat Kingdom."

Biglang bumakas ang gulat sa mukha ni Jun Qing. Narinig niya ang tungkol sa Buckwheat

Kingdom, at alam niya na ang Emperor ng Buckwheat Kingdom ay napakabata pa, ngunit hindi

niya inaasahan na ganito ang magiging hitsura nito. Higit pa roon, ano ang naisip ni Jun Wu Xie

at nagsama siya ng Emperor ng ibang bansa?

At kahit na marami na silang napag-usapan, ang munting Emperor ng Buckwheat Kingdom ay

naging napakatahimik at hindi man lang nagsalita maski isang beses, nanatili lamang itong

nakaupo doon at hindi gumagalaw. Kung hindi lamang sa hininga nito, ay mapagkakamalan

itong isang iskultura.

"Hay, isa na namang kaawa-awa at kahabag-habag na munting bata." Saad ni Jun Xian habang

bumunting-hininga. Bago makarating doon ni Jun Qing, ay inilahad na ni Jun Wu Xie sa kaniya

lahat ng mga nangyari sa munting Emperor.

Bagama't hindi sila mula sa parehong bansa, ngunit sa isang munting bata na tulad nito na

walang-awa na sinaktan, ay talaga naman magbibigay ng kilabot sa puso ninuman.

Bahagyang naguguluhan pa rin si Jun Qing at doon nagsalita si Fei Yan, binuod niya lahat ng

mga nangyari sa Condor Country sa isang payak na balita at sinabi iyon kay Jun Qing.

Matapos marinig iyon ni Jun Qing, ay hindi niya magawang kalmahin ang sarili ng ilang sandali.

"Anong lakas ng loob mayroon ang Emperor ng Condor Country upang gumawa ng isang

bagay na karima-rimarim!? Dapat lamang siyang mamatay!" Sa tuwing puputok ang digmaan

sa pagitan ng mga bansa, kahit gaano pa iyon kapait at kakilakilabot, ay maipapaliwanag ito na

para sa kapakanan ng buong bansa. Ngunit ang gamitin ang matinding kalakasan ng isang tao

upang pahirapan at takutin ang mahihina, at umabot pa na saktan ang isang bata na may

murang edad, bukod sa dapat itong tawagin na walang awa, ay walang maisip ni Jun Qing na

nararapat na salita upang larawan lahat ng iyon.

"Ang Scarlet Blood na nasa loob ng katawan ni Little Jue ay halos nalinis na ngunit wala akong

magawa tungkol sa kaniyang spirit na naisakripisyo sa proseso. Dinala ko siya dito dahil iniisip

ko na pansamantalang ibigay ni Uncle ang kalahati ng Soul Jade kay Little Jue, at tignan kung

makakatulong iyon sa kaniya sa anumang paraan." Patuloy na saad ni Jun Wu Xie.

Walang sabi-sabi, agad na inilabas ni Jun Qing ang kalahating piraso ng Soul Calming Jade.

"Ikaw ang may desisyon na itagong mabuti ang bagay na ito at kung pakiramdam mo ay

makakatulong ito sa kaniya sa anumang paraan, hayaan itong makatulong sa kaawa-awang si

Little Jue." Saad ni Jun Qing na may buntong-hininga.

Dahil sa nangyari noong nakaraan, ay hindi na nang-ahas si Jun Wu Xie na hawakan ang Soul

Calming Jade, at sinabihan si Jun Qing na ialagay ang Soul Jade sa ibabaw ng maliit na katawan

ng munting Emperor.

Kalalagay pa lamang ng Soul Calming Jade sa munting Emperor na blankong nakatingin ng

bigla'y ipikit nito ang mga mata. Mas naging panatag ang paghinga nito na tila ito ngayo'y

nahihimbing. Walang naging anumang rekasyon muna si Jun Wu Xie doon at sa halip ay

inutusan ang mga tao na dalhin ang munitng Emperor sa loob upang makapagpahinga.

Nang makita na dinadala ang munting Emperor palayo na hindi man lang nito namamalayan,

ay hindi maiwasan ni Jun Wu Xie na mapabuntong-hininga. Napakabata pa nito. Mahirap

makita na ang tulad nitong bata ay magdusa ng ganoon katindi.

Matapos dalhin ang palayo ang munting Emperor, ay agad inilabas ni Jun Wu Xie ang isang

Imperial Edict at inilagay iyon sa harapan ni Jun Xian.

"Ito ay?" Inabot iyon ni Jun Xian, at kaniyang binuksan ang Imperial Edict upang basahin. Ang

mukha niya ay namaluktot sa isang hindi maipaliwanag na ekspresyon!

Sa Imperial Edict na iyon, ay malinaw na nakasaad na inihahandog ng Condor Country ang

kalahati ng imperyo ng Condor Country sa Qi Kingdom, bilang kabayaran sa nagdaan na

digmaan na naganap sa kanila.

Para sa talunan upang mabayaran ang nagwagi, iyon marahil ay hindi mapag-aalinlanganan na

katotohanan, ngunit hindi pa naririnig ang ganoon na ang papel ay maaaring baliktarin, at

nagbabayad ng napakalaking halaga.

Sa napakalawak at napakalaking lupain na pagmamay-ari ng Condor Country, ang halaga ng

lupa na ipinahiwatig bilang kabayaran ay maraming beses ang laki sa Qi Kingdom mismo!

"Tungkol saan ang Imperial Edict na ito?" tanong ni Jun Xian, at tunay na naguguluhan.

Marahang sumagot si Jun Wu Xie: "Lahat ng lupain na pagmamay-ari ng Condor Country ay

tuluyan nang ibinigay sa Qi Kingdom at Buckwheat Kingdom bialng kabayaran, at sa ilalim ng

Heavens ngayon, ang Condor Country ay wala na."

Nächstes Kapitel