Bahagyang naningkit ang mata ni Jun Wu Yao.
"Mukhang hindi ka niya tuluyang nakalimutan. Marahil, sa kaniyang malay, ay mayroon pa rin
siyang memorya mo. Hindi mo siya inaruga ng walang kabuluhan." nang makita niya na kahit
ang kamalayan nito ay kontrolado, ay masunurin pa rin ito, at nasiyahan si Jun Wu Yao.
Yumuko si Jun Wu Xie, habang marahan na hinimas si Lord Meh Meh. Matapos ang ilang
sandali, ay nakatulog sa kaniyang braso si Lord Meh Meh at nabahirang ng kahinahunan ang
mata ni Jun Wu Xie na maging siya ay hindi batid iyon.
Ang kahinahunan sa kaniyang sulyap ay unti-unting tinunaw ang lamig sa kaniyang mga mata.
"Balita para sa Young Miss! Nakita na namin si Qu Ling Yue." biglang nagpakita doon si Ye Sha
at nagsalita. Si Qu Xin Rui ay pinabantayan kay Ye Mei, at siya ay sumunod kila Jun Wu Xie at
Jun Wu Yao upang mag-imbestiga sa Heavenly Cloud Chambers.
Bahagyang nanigas ang katawan ni Jun Wu Xie.
"Nasaan?" sa mababang boses ay sinabi niya.
"Sa kulungan sa ilalim ng Hevenly Cloud Chambers."
"Dalhin mo ako doon." saad ni Jun Wu Xie, naningkit ang kaniyang mga mata.
Sa loob ng kulungan sa ilalim ng Heavenly Cloud Chambers, ilang guwardiya na nagbabantay
sa lugar ang tinapos ni Ye Sha at ang dugo ay nagtalsikan sa sahig. Sa ilalim ng mapanglaw na
liwanag ng kandila, ay makikitang madilim sa loob at ang bakal na pintuan ay bahagyang
nakabukas. Tumayo sa labas ng piitan si Jun Wu Xie, nakatitig sa kadilimang nasa loob, at
walang nakakaalam kung ano ang tumatakbo sa kaniyang isipan ng mga sandaling iyon.
"Si Qu Ling Yue ay nasa loob. Ang kondisyon niya… ay lubhang masama." alangan na sabi ni Ye
Sha.
Ang kondisyon ni Qu Ling Yue ay hindi lamang mailalarawan sa isang salita tulad ng masama.
Kung sa iba iyon nangyari, malamang ay hindi magiging maingat si Ye Sha sa kaniyang
pagsasalita. Ngunit ang sinapit ni Qu Ling Yue kahit paano ay konektado kay Jun Wu Xie at
hindi siya nangahas na maging tahasan sa kaniyang salita sa totoong sitwasyon.
Dahan-dahang binuksan ni Jun Wu Xie ang pintuan at naglakad papasok sa madilim at
masalimuot na piitan, kung saan sa loob ay maaamoy ang masangsang na amoy ng dugo.
Sa sandaling papasok na si Jun Wu Xie sa loob, isang kamay ang humablot sa kaniyang braso.
Kalmadong lumingon sa likuran si Jun Wu Xie, at nakitang nakatitig sa kaniya si Jun Wu Yao na
may kakaibang tingin sa mata.
"Maaari mong piliin na hindi siya makita." saad ni Jun Wu Yao, diretsong nakatingin kay Jun
Wu Xie. Bagama't ginagawa niya ang lahat upang pigilan ang emosyon sa kaniyang puso,
ngunit kahit paano ay nararamdaman niya na ang sinapit ni Qu Ling Yue ay nag-iwan ng isang
sugat na sa sobrang lalim ay tumagos ito sa kaniyang buto diretso sa puso.
"Iyon ay dahil sa akin." saad ni Jun Wu Xie sa nangangalit na ngipin. Kungdi sa rebelasyon ni
Qu Xin Rui kanina, paano niya malalaman na mayroong nararamdaman si Qu Ling Yue sa isang
bata na nagpapanggap lamang? At hindi niya posibleng malalaman na ang dahilan sa lahat ng
paghihirap na iyon ni Qu Ling Yue ay dahil lamang sa isang bata na kaniyang ginaganapan, ay
naging mabait kay Qu Ling Yue at nag-udyok ng inggit kay Qu Xin Rui.
Bahagyang npalis ang ngiti sa mga labi ni Jun Wu Yao at ang knaiyang malalim at tagos na
tingin ay nakatitig sa malinaw na mga mata ni Jun Wu Xie.
"Kahit hindi dahil sa'yo, bilang anak ng Grand Chieftain ng Thousand Beast City, darating ang
araw kung saan ay gagamitin siya upang takutin si Qu Wen Hao, dahil kung hindi, bakit hindi
siya binihag kasama ng iba? Nais lamang niyang alisin ang pag-asa na mayroon si Qu Wen Hao
at sa nakalipas na mga taon, ang pag-iingat at pag-aalala ni Qu Wen Hao para sa nag-iisang
anak ay lumago at tumindi, hindi sinasadya ay nagbigay kay Qu Xin Rui ng matinding
panghahawakan laban sa kaniya."
Anumang nangyari sa Thousand Beast City, ay hindi interesado si Jun Wu Yao. Kung hindi dahil
sa naroon si Jun Wu Xie, ay hindi siya magpapakita doon. Ngunit napansin niya na nagkaroon
ng pagsisis si Jun Wu Xie para sa lahat ng nangyari kay Qu Ling Yue.
Para sa palaging malamig at walang pakialam na Jun Wu Xie, ang sitwasyon na ito ay bihirang
makita, at hindi nais ni Jun Wu Yao na maapektuhan si Jun Wu Xie ng kahit sino.
Bahagyang bumaba ang mata ni Jun Wu Xie at hindi pinabulaanan ang mga sinabi ni Jun Wu
Yao, ngunit mahinang sinabi: "Kailangan kong pumasom at makita siya."