webnovel

Sampal Gamit Ang Hiram Na Kamay – Ang Ikalawang Anyo (3)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Kamahalan! Ang ikatlong prinsipe ay naririto! Mayroon daw ito ng importante sasabihin sa iyo

kamahalan!"

Kumunot ang noo ng Emperador at nagsabi, "Sa oras na ito, bakit siya naparito? Papasukin siya."

Ang ikatlong prinsipe na si Lei Xi ay pumasok sa silid tanggapan. Pitong taon ang ikinatanda nito kay Lei

Fan ngunit dahil laging nasa loob lamang ito ng kaniyang silid, matangkad lamang ng kaunti ito kay Lei

Fan. Ang balat nito ay maputi.

Ang hitsura ni Lei Xi ay hindi nan ganoon kasama ngunit kung ikukumpara kay Lei Chen at Lei Fan, siya

ang hindi mapapansin agad na prinsipe.

Kahit ang Emperador ay hindi gaano kakilala ang anak niyang ito.

Ngunit sa araw na ito, si Lei Xi ay hindi katulad noon. Hindi siya mukhang lampa kung hindi puno ang

mata nito ng determinasyon.

Nang makapasok sa silid tanggapan, yumukod siya sa Emperador.

"Binabati ka ng iyong anak, Ama! Mabuhag ka Ama ng ilang daan milyon!"

"Tumayo ka. Ano ang dahilan kung bakit ka naparito?" tanong ng Emeperador, hinihilot ang kaniyang

noo.

Tumayo sa pagkakaluhod si Lei Xi at nilipat ang tingin sa Emperatris na nanatiling nakaluhod sa sahig,

ang kaniyang mga mata ay puno ng pagkamoot.

"Ang iyong anak ay naparito para sa hustisya!"

"Hustisya para kanino?" tanong ng Emperador.

"Hustisya para sa aking ina. Hustisya para sa aking nakababatang kapatid na walang awang pinaslang

pagkatapos nitong ipanganak!" mariing hayag ni Lei Xi, nakaangat ang tingin.

"Ano?" nagulat anv Emperador.

Mabilis na turan ni Lei Xi, "Sa taon na ipinanganak ang ikaapat na prinsipe ni Lady Concubine Cheng,

namatay siya dahil sa panganganak. Ilang araw matapos nito, ang Emperatris ang nangalaga sa aking

ikaapat na kapatid. Sa panahong iyon, ang silid ng aking ina ay malapit sa silid ng Emperatris at dahil dito

lagi siyang pumupunta sa silid nito upang sundin ang mga utos nito."

"Tumahimik ka Lei Xi! Ano ang intensiyon mo?! Ano gusto mong palabasin dito?! Kamahalan!

Kamahalan! Huwag kang makinig sa mga kasinungalingan ni Lei Xi! Lahat ng mga nangyari ngayon ay

maaring kagagawan ni Lei Xi! Siya ang nanakit sa lahat ng tagapaglinkod ko sa palasyo! May masama

siyang balak!" mabilis na paliwanag ng Emperatris ng marinig ang mga sinabi ni Lei Xi. Nararamdaman

niya na dapat niyang pigilan kung ano man ang sasabihin ni Lei Xi dahil kung hindi mas malaking

problema ang kakaharapin niya!

Hindi pinansin ng Emperador ang mga daing ng Emperatris at nilipat ang tingin kay Yuan Biao, "Takpan

mo ang bunganga ng babaeng iyan! Ayoko ko nang marinig ang boses ng babaeng iyan!"

Mabilis na lumapit si Yuan Biao sa Emperatris at gonamit ang kanoyang panyo upang patahimikin ito!

Ang tanging maririnig na lamang ay ang mga ungol nito at matalim na tiningnan si Lei Xi. Ng tingin nito

ay tila gusto nitong pirapirasohin si Lei Xi!

Malamig na tumawa si Lei Xi, "Minaliit ng Emperatris ang aking mga kakayahan. Kung hindi may

kakayanan ako na pabagsakin ka, hindi na sana ako naghintay pa ng matagal para sabihin ang lahat kay

Ama."

"Lei Xi, sabihin mo ang lahat sa akin!" may pakiramdam ag Emperador na importante ang mga sasabihin

ni Lei Xi.

Nagpatuloy si Lei Xi, "Sa araw na iyon, narinig ng aking ina na dadalhin ang ikaapat na prinsipe sa palasyo

ng Emperatris kubg kaya naman isinama niya ako upang makita ang aking nakababatang kapatid. Pero

dahil matigas ang aking ulo, umalis ako, hindi ko naisip na ang paghihiwalay naming iyon ay ang huli

naming pagkikita!"

"Napakabata ko pa noon at nagtatago ako sa likod ng palasyo upang maglaro nang makita ko ang

pangyayaring hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko!" saad ni Lei Xi, puno ng galit na tiningnan ang

Emperatris.

Nächstes Kapitel