webnovel

Imperial Guard Army (5)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Ano? Pinadala talaga ni Papa si Yuan Biao para kunin si Jun Xie?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Lei Chen habang nakatingin sa mga guwardiyang nagdala sa kaniya ng balita.

"Kung ganon, nasaan na si Little Brother Jun ngayon? Nahanap na ba siya ni Yuan Biao?"

"Mahigpit na binabantayan ang Immortals' Loft ngayon ng mga Imperial Guard Army. Ipinagbabawal ng mga ito na may lumabas at pumasok sa Loft. Ang tanging nagawa lang namin ay ang manuod galing labas. Pero hindi naman namin nakita si Young Master Jun na inilabas ng Commander ng Imperial Guards. Mag-isa lang itong lumabas, tingin namin ay wala talaga si Young Master Jun sa Immortals Loft at nabigo itong kunin ni Yuan Biao." Paglalahad detalye ng mga guwardiya.

Nakahinga ng maluwag si Lei Chen. Ilang oras pa lang ang nakakalipas simula kagabi, nang malaman niyang nasa kamay ni Jun Xie ang Ring of Imperial Fire. Nagpapaplano pa lang siya ng kaniyang gagawin, pero naunahan na siya agad ng Emperor. Agad nitong pinakilos ang Imperial Guard Army.

"Tingin ko, seryoso ang aking ama na patayin si Jun Xie." Nagtatagis-bagang na saad ni Lei Chen. Nang maalala niya ang sinabi ni Wen Yu, hindi niya maiwasang maisip na hindi niya gaanong binigyang halaga ang mga bagay na alam niya.

Nahulaan siguro ni Wen Yu na gagawin ito ng Emperor kaya gusto niyang agad na umalis na dito si Jun Xie.

"Kamahalan, magpapadala ba tayo ng sarili nating tauhan para hanapin si Young Master Jun?" Tanong ng guwardiya.

Agad namang umiling si Lei Chen. "Matalino si Little Brother Jun. Alam niya ang gagawin niya para maiwasan si Yuan Biao. At dahil hindi ito nahanap nni Yuan Biao sa Immortals' Loft, sigurado akong dito sa Crown Prince Residence siya sunod na maghahalughog. Alam niyang magkasundo kami ni Little Brother Jun. Mag-abang lang kayo at di magtatagal ay darating sila rito. Kaya naman kung ipapahanap ko ngayon si Little Brother Jun, malalaman iyon agad ng Imperial Guards at baka mas lalo lang siyang mapahamak."

Kinalma ni Lei Chen ang kaniyang sarili. Ang bilis ng pangyayari at hindi niya ito napaghandaan. Sa ginawang ito ng Emperor, isa lang ang ibig sabihin nito---hindi niya hahayaang makaalis ng buhay si Jun Xie!

Gaya nga ng kaniyang inaasahan, ilang sandali lang ang lumipas, dumating si Yuan Biao sa Crown Prince's Residence kasama ang mga tauhan nito.

"Ayon sa Imperial Decree, ako ay responsable sa pagdakip sa salarin na si Jun Wu Xie. Maaari po sanang ako ay inyong payagan na maghanap sa Crown Prince Residence." Nasa harap ngayon ng gate si Yuan Biao Kasama ang kaniyang mga tauhan.

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo Commander Yuan. Gusto mong dakipin si Jun Xie pero bakit narito ka sa Crown Prince's Residence?" Pagak na tawa ni Lei Chen.

Mukha namang hindi natinag si Yuan Biao. "Kamahalan, alam ng lahat na ikaw ay malapit kay Jun Xie. At ngayon, itong si Jun Xie ay tumakas. Sumusunod lang naman ako sa utos ng Mahal na Emperador."

Sumagot naman si Lei Chen: "Gusto mong maghanap sa aking Crown Prince's Residence? Dahil sabi nino? Sabi mo?"

Hindi na nag-aksaya pa ng laway si Yuan Biao para sumagot. Agad niyang inilabas ang Imperial Edict.

"Ito ang Imperial Edict na isinulat mismo ng Mahal na Emperador. Nakasulat din dito na maging sa Crown Prince's Residence ay hanapin ko si Jun Xie. Sasalungat ba talaga kayo sa Imperial Decree, Kamahalan?"

Nagtagis ang mga bagang ni Lei Chen. Sigurado siyang ang Imperial Decree ay kanina pa hawak ni Yuan Biao. Halata namang alam ng Emperor na may posibilidad na makatakas ni Jun Xie sa Immortals' Loft kaya napaghandaan niya na agad ito.

Ngunit kahit gaano pa ka-ayaw ni Lei Chen na sumunod, dahil sa Imperial Edict na nasa kaniyang harapan, wala siyang magagawa kundi hayaan si Yuan Biao. Sa isang banda ay hindi naman nagpunta dito si Jun Xie.

"Dahil sa iyan ay kautusan ng aking Ama, sige, pumapayag akong kayo ay magpatuloy." Humakbang paatras si Lei Chen upang bigyan ng daan sila Yuan Biao.

Tumango naman si Yuan Biao at agad na pumasok sa Crown Prince's Residence!

Nächstes Kapitel