webnovel

Ang Ika-walong Sampal 18

Redakteur: LiberReverieGroup

Naniningkit ang mga mata ni Jun Wu Xie, nakakatitig siya sa tatlong lalaki na natitira. Ang tatlong iyon ay kagaya lang ni

Gu Ying, mga tao galing sa Middle Realm. At malakas ang kutob niya, na kahit ang tatlong lalaki ay hindi masyadong

malakas ang kapangyarihan kagaya ng naka roba na kulay abo sa Cloudy Peaks na pwenersa si Ye Sha na paputukin ang

sarili at di hamak na mas malakas silang tatlo kaysa kay Gu Ying.

Nakayanan ni Ye Shan a talunin si Gu Ying ngunit kapag ipinagtapat sa tatlong lalaking ito…

"Nakarating sa tamang oras ang ating kagalang-galang at makapangyarihan na kasmahan!" Nang makita ni Ning Rui ang

iilang kalalakihan na dumating, biglang kumalma ang kaniyang puso na animoy nagbara na sa kaniyang lalamunan kani-

kanina lamang. Halos hindi na siya makapaghintay at tumakbo papunta sa pinuno ng grupo na bagong dating, hindi pa

rin nakabawi sa pagkagulat.

Tinapunan ng tingin ng pinuno si Ning Rui bago nagtanong sa malamig na tono: "Ano ang nangyari dito?"

Nagmadaling nagsabi si Ning Rui "Ako at si Young Master Gu Ying ay naghahanda upang dalhin ang lahat ng disipulo sa

Heaven's End Cliff ngunit biglang dumating si Jun Xie at ang kasamahan niya at nakialam. Kahit si Young Master Gu ay

nasugatan."

Bahagyang sumimangot ang pinuno at ibinaling ang tingin kay Jun Wu Xie. Nauna nang nagsabi si Gu Ying sa kanila

tungkol sa Spirit Healing Technique, at ang dalawang mahalagang tao na kasama doon ay si Gu Li Sheng at Jun Wu Xie. At

bago pa mahimatay si Gu Ying, mariin niyang sinabi na kailangan nilang dalhin pabalik si Jun Xie.

Maliban ky Jun Xie, lahat ay pwede na nilang patayin.

"Ang katotohanang nasugatan mo si Gu Ying ay nagpapakita na mayroon ka ng kaunting abilidad. Ngunit hanggang doon

lang iyon." Umikot ang pinuno para harapin si Ye Sha at lumiwanag ang kaniyang spirit power na kulay lilac. Ang

dalawang lalaki na nakatayo sa likod ng kanilang pinuno ay mabilis na nasakop ng kulay lilac na liwanag.

Tatlong purple spirits!!

Sa sandaling lumiwanag ang tatlong nakakabulag na purple lights, lahat ng disipulo ng Zephyr Academy ay biglang

dumilat ang mata at nakabuka ang mga bibig, hindi makapaniwala sa mga mangyayari sa harapan nila.

Hindi pa sila nakakakita ng purple spirit sa mahigit ilang siglong taon. At sa isang iglap, napakaraming nagpakita sa

harapan nila sa loob din ng araw na iyon!

Sa mga sandaling iyon, ang lahat ay hindi maproseso ang mga nagaganap. Mga makakapangyahihan nilalang na

nabubuhay lamang sa alamat ay nakikita na ngayon ng kanilang mga mata! Hindi ito kapani-paniwala!

Mabilis na tumayo si Ye Sha sa harapan ni Jun Wu Xie. Ang mga mata niya ay naningkit at maingat na tinitigan ang

tatlong lalaki.

"Kung ihahambing ang iyong sarili sa kanila, ano ang laban mo?" narinig sa likod ni Ye Sha ang boses ni Jun Wu Xie.

Blankong sumagot si Ye Sha: "Kung isa laban sa isa, walang makakapantay sa akin."

Bago pa man matapos ni Ye Sha ang sinasabi, alam na ni Jun Wu Xie na kapag ang tatlong lalaki ay magsasanib puwersa

at aatake nang sabay-sabay, hindi kakayanin ni Ye Sha pigilan silang lahat!

Sa maingat na pagpaplano ni Jun Wu Xie, hindi niya inaasahan ang pagkakataong ito.

Ang tatlong lalaki na galing sa Middle Realm na nagtataglay ng kapangyarihang higit pa kay Gu Ying, siguradong

mahihirapan si Ye Sha na kalabanin silang lahat!

"Kung pipigilan namin ang dalawa sa tatlo, mapapabagsak mo ba yung isa?" biglang tanong ni Jun Wu Xie.

Panandaliang nagulat si Ye Sha ngunit mabilis din siyang nakasagot, "Oo."

Hindi na muling nagsalita si Jun Wu Xie. Sinulyapan lang niya ng makahulugan si Fan Jin at Fan Zhou at nanatiling

tahimik.

Mayroong tatlong purple spirit na kalaban sa harapan nila at sumusugod din sa mga oras na iyon!

Ngunit sa mga sandaling iyon, bago pa nila marating si Ye Sha, tatlong kulay lilac ang lumiwanag sa likod ni Ye Sha!

Ang buong Zephyr Academy ay nagkagulo dahil sa nakita. Lahat ng kanilang mga mata ay nakatingin sa tatlong kabataan

na nakatayo sa likod ni Ye Sha!

Si Jun Xie, Fan Jin at Fan Zhou, ang mga katawan nila ay nababalot ng napakaliwanag na ilaw na kulay lilac galing sa

kanilang spirit powers! Hindi kapani-paniwalang pangyayari!

"Paano yun nangyari…" bahagyang bigkas ni Ning Rui nang masaksihan niya ang nakakatakot na purple spirit na

lumiliwanag galing sa katawan ni Jun Xie at sa magkapatid na Fan. Nabasa ng pawis ang kaniyang damit, nasaksihan niya

ang paglaki ni Fan Jin at Fan Zhou sa mga nakalipas na taon. Mahina at masakitin na simula pagkabata si Fan Zhou at

hindi niya pa na-eensayo ang kaniyang spirit powers. At kahit pa si Fan Jin ay likas na pinagkalooban ng kapangyarihan,

malayo pa din siya na magkaroon ng purple spirit!

Nächstes Kapitel