"Tatlo… Tatlong araw? Hindi ba parang ang bilis naman?" pawis na pawis si Ning Rui. Dinala
niya si Gu Ying sa Zephyr= Academy upang ipaghiganti si Ning Xin.
Ngunit ngayon, kahit patay na si Fan Qi, at wala na sa sarili si Fan Jin, ngunit si Fan Zhuo at ang
Rui Lin Army ay hindi ba pa nila naaaksyunan at si Gu Ying ay pinupwersa na silang kumilos!
Kung wala si Gu Li Sheng at Jun Xie bilang kaniyang taya, hindi lubusang maisip ni Ning Rui
kung anong mangyayari sa hinaharap.
"Kung hindi mangyayari iyon sa loob ng tatlong araw, ay hindi ako magdadalawang isip na
patayin ka at ako mismo ang magdadala sa kanila."pananakot ni Gu Ying, naningkit ang
kaniyang mga mata, mababakas sa mga matang iyon matinding galit.
Nanlaki ang mata ni Ning Rui, hindi siya makapaniwalang nakatitig kay Gu Ying. Nakatingin siya
sa mapupulang mga mata na iyon, alam ni Ning Rui na bawat salitang sinabi ni Gu Ying ay
totoo.
Itinapon ni gu Ying si Ning Rui sa sahig at mabilis ng umalis. Natatakot siya na kung magtatagal
pa siya sa lugar na iyon ay hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na patayin ang walang
silbing basura na iyon.
Nanatiling nakaupo si Ning Rui sa sahig, bakas sa mukha nito ang kawalang pag-asa.
Kapag ang mga disipulo ng Zephyr Academy ay madala sa Heaven's End Cliff, ibig sabihin
lamang noon ay magpapatuloy ang kaniyang pagiging walang kabuluhan kay Gu Ying. At kapag
naaalala niya ang mapupulang mga mata ni Gu Ying kanina, hindi maiwasan ni Ning Rui na
mamaluktot at yakapin ang sarili, isang matindin takot ang bumalot sa kaniya, at isang
nagyeyelong ginaw ang gumapang sa buong katawan niya.
Isang malaking bagyo ang paparating sa Zephyr Academy at sa di kalayuan, isang kaganapan
ang nagyayari sa Chan Lin Town.
Nakaupo si Gu Li Sheng sa isang kwarto sa loob ng bahay-panuluyan, ang kaniyang kamay ay
nasa lamesa. Nang marinig niya ang mga yabag ng paa na papalapit, ay nagmadali siyang
tumayo at bawat ugat sa kaniyang katawan ay biglang kumislot.
Ang itim na pusa ay tamad na nakahiga sa lamesa, ang buntot nito ay umiindayog sa hangin.
Sunod-sunod na katok ang narinig sa pintuanat madaling nagtungo doon si Gu Li Sheng.
Gayunman, saglit siyang huminto upang huminga ng malalim bago niya binuksan ang pintuan.
Sa labas ay nakatayo si Jun Wu Xie.
"Jun Xie!" masayang bulalas ni Gu Li Sheng. Nang makita ng kaniyang mga mata si Jun Wu Xie,
ang nininerbiyos niyang eskpresyon ay napalis at ang kaniyang puso ay napanatag.
"Anong nangyari?" tumingin si Jun Wu Xie kay Gu Li Sheng na namumutla at ang kaniyang
mata ay binista ang kabuuan ng kwarto. Bukod sa pusang itim, ay wala ng iba pa na nasa loob.
At mukhang maayos naman si Gu Li Sheng, ngunit bakit mukha itong takot na takot?
"Wala naman! Nagawa b ani Senior Wen na iligtas si Fan JIn?" tanong ni Gu Li Sheng, tumingin
siya sa likod ni Jun Wu Xie ngunit hindi niya nakita doon si Wen Xin Han at Fan Jin.
"Inayos ko na ang kanilang tutuluyan. Nagawa mo ba na isama paalis lahat ng iyong disipulo?"
tanong ni Hun Wu Xie habang naglakad siya papasok sa loob.
Isinara ni Gu Li Sheng ang pintuan bago sumagot: "Oo nagawa ko. Inasikaso ko ang kanilang
tutuluyan. Ang mga nangyari ngayon ay talagang nakakagulat. Hindi ko inaasahan na ang iyong
ring spirit ay darating at sasabihin na ilikas lahat ng disipulo."
Habang sinasabi ni Gu Li sheng iyon, ang sinulyapan niya ang pusang itim na nakahiga sa
lamesa.
Habang iniaalis ni Wen Xin Han si Fan Jin palayo sa paaralan, ang itim na pusang ito ay tahimik
na pumasok sa departamento ng Spirit Healersaktong natanggap din niya ang balita na
pwersahang dinadala ni Wen Xin Han si Fan Jin palayo at iyon ay ikinatuwa niya ng bigla niyang
makita ang pamilyar na anyo ng pusang itim na tumalon mula sa kaniyang bintana.
Pamilyar sa kaniya ang pusang itim na iyo dahil nakita niya na dala-dala iyon ni Jun Wu Xie at
napagtanto niya na iyon ang kaniyang ring spirit. Nagtataka siya kung bakit nandoon ang
pusang itim ng bigla nitong buksan ang kaniyang bibig at nagsalita!
"Pinapasabi ng aking mistress na magmadali kang dalhin ang mga disipulo ng Spirit Healer
palayo sa Zephyr Academy. Ang mga karwahe ay naghihintay sa labas at mayroon lamang
kayong limang minute upang mag-impake. Aalis tayo pagkatapos ng limang minute."