webnovel

Walang Gumugulo sa Aking Pasyente (5)

Redakteur: LiberReverieGroup

Ang nangyari'y naghahanap si Mu Qian Fan ng panggatong sa apoy nang mapadaan siya sa lugar na ito. Hindi niya inaasahang makakasalubong siya ng grupo ng mga lalaking nagpplano at ang kakamatay lamang na kanilang lider ay wala man lang pakielam sa kung gaano karami ang narinig nito. Para hindi lumabas ang kanilang plano, inutusan na niyang patayin si Mu Qian Fan sa kanyang mga tao.

Ang dugong naamoy ni Jun Wu Xie ay mula kay Mu Qian Fan. Kung hindi nakarating ang maliit na itim na pusa sa tamang panahon, maaring napasalangit na si Mu Qian Fan.

"Ano ang pinaguusapan niyo?" Tanong ni Jun Wu Xie.

Hindi na nagtago pa ang namamana at nagsalita ito. "Kami.. kami'y galing sa bansang Yan. Dahil gusto ng aming Maestrong galugarin ang Heaven's End Cliff, pinaguusapan namin ang gagawin namin doon nang…

[Heaven's end Cliff!]

Dumagundong ang tibok ng puso ni Jun Wu Xie.

"Ano ang gagawin niyo sa Heaven's End Cliff?" Malamig na tanong ni Jun Wu Xie.

"Yun… ay hindi ko talaga alam. Ang mga taong mababa ang estado tulad namin ay walang karapatang malaman ang mga ganong bagay. Ang tanging may alam lang ng detalye dit sa amin ay ang lider namin. Wala siyang nabanggit samin… Wala… po talaga akong alam…." Sabi nito nang hindi tumitingala kay Jun Wu Xie, nagmamakaawang wag siyang patayin.

Tinignan ni Jun Wu Xie ang bangkay bago siya nagtanong. "Meron siyang hawak na mapa?"

Mabilis na tumungo ang namamana.

"Opo! Opo! Pero hindi niya ito pinakita sa amin. Sinarili niya ito."

"Hanapin mo." Utos ni Jun Wu Xie.

Dali daling pumunta ang namamana sa bangkay. Nang makita niya ang kondisyon nito, napatigil siya panandalian.

Humipan si Lord Meh Meh at nang maramdaman niya ang init ng hininga nito, namutla siya at dali daling hinanap ang mapa.

"Hahanapin ko! Hahanapin ko! Wag niyo lang ako patayin. Parang awa niyo na, wag niyo po ako patayin."

Tumutulo ang luha ng ng namamana habang nagmamakaawa. Pinilit niya ang kanyang mga kamay na kapkapan at hanapan ang mainit init pang bangkay.

Matapos ang ilang sandali, nakuha niya rin ang mapang namantsahan na ng dugo mula sa bulsa ng damit ng bangkay. Nanginginig ang mga kamay nito ng ibigay niya ang mapa kay Jun Wu Xie.

"I..ito yun.."

Inabot ni Jun Wu Xie ang mapa at binuksan ito. Hindi gawa sa balat ang mapang ito, kungdi gawa sa ordinaryong papel lamang. Malaking parte ng mapa ang nasakop ng mansta ng dugo na halos hindi na makita kung ano ang nasa mapa.

Base sa natitirang bahagi na walang dugo, halos kahawig ang mapang ito sa dalawang mapang na hawak nila Qiao Chu at ng iba.

Nagawa na dati ni Mu Qian Fan ang mapa papunta sa Heaven's End Cliff at sigurado si Jun Wu Xie na hindi ito ang tamang daan papunta sa Heaven's End Cliff.

Kung hindi pinapakita ng mapang ito ang daan papunta sa Heaven's End Cliff, isa lang ang ibig sabihin ito.

Itong mapang ito ay isa sa walong parte ng mapang nagpapakita ng daan patungi sa Dark Emperor's Tomb. At ang mapang hawak niya ay hindi orihinal, kungdi kopya lamang.

"Bansang Yan." Binigkas ni Jun Wu Xie habang tinitigan ang mapang puno ng dugo. Kung hindi lang dinurog ni Lord Meh Meh ang lider, madali na nilang nakuha ang pangatlong piraso ng mapang patungo sa Dark Emperor's Tomb.

"Sino ang inyong Maestro?" tanong ni Jun Wu Xie habang nakatitig sa takot na takot na namamana.

Napalagok ng malakas ang namamana bago sumagot.. "Ang prinsipeng tagapagmana ng bansang Yan… ang tagapagmanang prinsipe.."

Napataas ang kilay ni Jun Wu Xie sa bahagyang pagkagulat. Hindi maliit at mahinang bansa ang Yan, di tulad ng Kahariang Qi. Maaring sabihin na ang bansang Yan ang pinakamakapangyarihang bansa at ang kanilang lupa ang pinakamalawak. Nasa magkabilang dulo ang bansang Yan at ang kahariang Qi. Ang bansang Yan ang pinakaunang bansang itinatag, at ang pamilyang Imperial ay mga sanay na pinuno. Sa paglipas ng panahon, lumakas ng lumakas ito sa pagsakop ng maraming kalupaan. Nang nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga makapangyarihan isang dekadang nakalipas, ang bansang Yan ang kumuha ng oportunidad na iyon at naging pinakamakapangyarihan magmula noon.

Nächstes Kapitel